CHAPTER FOUR
HABANG naglilinis siya sa silid ni Jair ay may nakita siyang papel na nasa basurahan nito. Hindi iyon pamilyar sa kanya at hindi pa niya nakita pero base sa logo na nakatatak sa papel ay alam niyang sa school iyon.
"ANo ito?" may hindi ba sinabi sa kanya ang anak niya?
Kinuha niya ang papel at inayos upang mabasa niya ng malinaw ang nakasulat sa papel. Kahit naman gusot-gusot iyon ay malinaw sa kanya ang lahat ng nakasulat sa papel.
"Family day?" binasa uli niya ang nasa papel, it is an invitation letter for a family day. Bakit hindi ibinigay sa kanya ng anak niya ang papel na iyon? At sa susunod na araw na pala iyon. Agad Siyang bumaba upang hanapin ang anak niya na nanonood na naman ng documentary sa TV. Umupo siya sa tabi nito at agad naman itong napatingin sa kanya.
"Yes, mommy?"
"Baby may hindi k aba sinasabi kay mommy?" panimula niya.
"Po? Wala naman po bakit po?"
"Are you sure you are not lying to mommy?" nag-iwas ito ng tingin and she knew that gesture alam niyang nagsisinungaling ito. Nagbaba ito ng tingin na para bang iniisip kung paano sasabihin ang totoo sa kanya.
"Inaway ko si Oscar." Anito tinutukoy ang chowchow na alaga ng kapitbahay nila na minsan eh nakikibahay din sa kanila.
"Iyon lang ba?"
"Sorry mommy I didn't tell you about the family day on saturday." Nagsimula ng manubig ang mga mata nito. She hates it when her son cries pero hindi niya pwedeng iispoil ang anak niya oo nga at mahal niya ito but she wants to establish a good discipline to her son.
"Why?"
BINABASA MO ANG
Royale Series 5: UNTIL I'M FORGIVEN (COMPLETED)
RomanceTITLE: UNTIL I'M FORGIVEN (SPG) TEASER: Hindi mawari ni Amber ang nararamdaman habang nakatingin sa kanyang dating asawa. She did all the possible ways para hindi lang muling magkrus ang landas nila but destiny is not at her side dahil het...
