Extra # 2: Thrilled and Hot!

263K 4.4K 206
                                    

 Extra # 2: Thrilled and Hot!

 

            “PSST!” Panandalian niyang iniwan ang kanyang ginagawa at linapitan si Kissa na may bitbit na cake. They are in the middle of having fun sa reception at pandalian siyang nakawala sa galamay ng kanyang mahal na asawa.

            “Bakit?” takang tanong niya dito.

            “Anong ginawa mo sa asawa mo at ganyan kung makatingin?” turo nito kay Landon na kahit kausap ang mga kaibigan nito ay sa kanya pa rin nakatuon ang mga mata nito. Kanina pa rin niya napapansin iyon at ayaw nalang niyang intindihin.

            “Wala.”

            “Anong wala? Kulang nalang ay hubaran ka sa mga tingin niya naku napopollute ang mga utak namin sa mga tingin ng asawa mo sa iyo.” Namumulang hinampas niya ito.

            “Ikaw pa? Matagal ng polluted ang utak mo paano ka ba naging teacher?”

            Ngumisi lang ito and twirl her hair sexily. “Well, polluted man ang utak ko untouched naman ang katawan ko. At saka magaling kaya akong teacher.”

            “Yeah right pasalamat ka kasal ko ngayon maganda ang mood ko.”

            “Mas gaganda ang mood mo later, sa honeymoon. Susundan niyo na ba agad si Larrence? Mukhang masusundan agad iyon ang asawa mo kasi ay sharp shooter pa naman.”

            “Mag tigil ka nga Kissa nakakahiya sa mga makakarinig.” Sita niya dito.

            “Huwag ka ng mahiya sa akin.” Asar na kinurot niya ito na naging dahilan kung bakit ito napaatras at huli na ng tumama ito sa lalaking napadaan lang sa likod nito. Muntik na sanang matumba ang dalawa kung hindi lang naging maagap ang nabangga nito.

            “Watch out.” Ani ng lalaki na nakasalo dito.

            Dahan-dahan niyang iniwanan ang dalawa at pinuntahan ang mga anak niya. Maiiwan kasi ang mga ito sa mommy ni Landon, gusto sana niyang isama ang mga anak sa pagpunta nila sa London gusto kasi ng asawa na doon sila maghoneymoon, kaso ayaw pumayag ni Landon. Next time nalang daw nila dadalhin ang mga anak nila and even Jair presented to stay because he still have school. Kaya silang dalawa nalang ang pupunta doon.

            She sigh isa sa mga rason kasi kung bakit lumalayo siya sa asawa ay dahil sa sinabi nito kanina. Naalala niya kasi ang sinabi nito sa kanya noong araw na nagkasakit ito at pinatawad niya. She moaned in disbelief when she remembered that, akala kasi niya ay joke lang iyon pero heto nga at kanina pa niya napapansin ang mga tingin ng asawa alam niyang tototohanin nito ang bagay na iyon.

            At iyong sinabi ni Kissa kanina na masusundan agad ang anak nila? Impossible na iyon dahil nakadalawang beses na siyang CS and it is not easy to be in labor. Mas lalo naman ang magbuntis.

Royale Series 5: UNTIL I'M FORGIVEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon