CHAPTER NINE
HINDI niya akalain na babalik din pala sila sa bahay na kinampuhan niya sa loob ng apat na taon. Mabilis niyang naimpake ang mga gamit at habang ginagawa iyon ay hindi niya napigilan ang mga luhang unti-unting pumatak mula sa mga mata niya. Sabi na nga ba niya hindi kayang panindigan ni Landon ang sinabi nito noon.
Give him a chance? She did kahit na labag iyon sa loob niya para sa anak niya. Umasa siya na tutuparin nito ang pangako nito sa kanya at sa kanyang anak pero sino lang ba siya? Tanga kasi siya eh akala niya hindi na sila nito sasaktan. Okay lang sana kung siya lang pero ang anak niya nadamay pa sa mga desisyon nito.
“Mommy.” Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya ng marinig ang boses ng anak niya. “Mommy please don’t cry.” Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya saka pinunasan ang kanyang mga luha. “Please don’t cry mommy.” Niyakap niya ang kanyang anak ng buong higpit.
“Sorry baby I-I can’t give you a complete family because your daddy doesn’t like us anymore.” Hindi umimik ang anak niya na nakayakap lang sa kanya.
“It’s okay mimi I don’t want a daddy na I just don’t want to see you cry. Sorry mommy because I asked for a daddy promise I won’t. Okay lang na tayo lang dalawa okay lang na walang big house at walang toys. Masaya na si Jair na tayong dalawa lang gaya ng dati.”
Hinalikan niya ito.
Her heart is breaking into pieces right now knowing na hindi lang siya ang nasasaktan kundi pati na ang kanyang anak. Mas masakit pala talaga kapag ang nakikita mong malungkot at nasasaktan ay ang anak mo. At kahit gustuhin niyang magbreak down ay hindi pwede dahil siya ang ina dito eh, siya dapat ang mas matapang pero ang nakakatawa ay sa kanilang dalawa ng anak niya. Ang anak niya ang nagsilbing pinagkukunan niya ng lakas ng loob ng mga sandaling iyon.
FLASHBACK
“Hindi kita pinalaki para lang magkaasawa ng hindi namin alam Landon! Anong klaseng utak meron ka?” galit na tanong ng mama ni Landon sa anak nito. Nakapasok na sila ni Jair at nakapagbihis na rin.
“Mom, I can explain.”
“Wala ka ng dapat e-explain. Kung hindi sinabi ng pinsan mo hindi ko pa malalaman at ayoko sanang paniwalaan siya pero heto at nakita ko. And I don’t like that woman she is a Tan! Anak siya ni Ernesto Tan!”
BINABASA MO ANG
Royale Series 5: UNTIL I'M FORGIVEN (COMPLETED)
RomanceTITLE: UNTIL I'M FORGIVEN (SPG) TEASER: Hindi mawari ni Amber ang nararamdaman habang nakatingin sa kanyang dating asawa. She did all the possible ways para hindi lang muling magkrus ang landas nila but destiny is not at her side dahil het...