𝐒𝐨𝐥𝐚𝐫'𝐬 𝐉𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥▫️090620
▪️ENTRY 0158▪️⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉
Galing kami sa book sale ni Traj kanina. Tinulungan niya pa akong mamili ng magandang basahin na libro. 'The Alchemist' by Paulo Coelho yung binili kong libro.
Sa Jollibee kami kumain ng pananghalian kanina, napagkamalan pa kami nung cashier na mag-jowa ni Traj. Magseselos pa nga sana ako kanina kasi tingin ng tingin kay Traj (Akala mo naman talaga jowa ako e 'no, may pa-selos selos pa amp!). Tapos biglang sabi, "Ang guwapo naman po ng boyfriend mo, ma'am."
Syempre bumaliko yung dila ko kasi kinilig ako, sabi ko, "Enekebe." ganorn!
Pero seryosong usapan, Jorna, hindi ako puwede ma-fall sa lalaking 'to, kasi kung totoo mang fictional character lang siya (mag-f-freak out ako hahaha), ibig sabihin iiwan niya rin ako kasi hindi siya totoo. Kung lang naman, e. Pero kapag totoong tao siya, edi totoong tao lang. Puwede ko siyang gawing boyfriend, pero hindi ako puwedeng mahulog.
Takot ma-fall,
𝐒 𝐎 𝐋 𝐀 𝐑P.S. Sa lapag nga pala natutulog si Traj. Kawawa nga, e. Kung puwede ko lang i-offer yung space sa tabi ko, ginawa ko na. Kaso ayoko namang isipin niya na easy-to-get ako or what. Hehehe
BINABASA MO ANG
Enchanted to Meet You
FantasyA semi-epistolary. Wherein Solar met a guy who's claiming to be the character from the book she've read.