𝐒𝐨𝐥𝐚𝐫'𝐬 𝐉𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥
▪️LAST ENTRY▪️⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉
Katatapos ko kang bashin yung last entry ni Solar, bago sila pumunta sa mansion. Nag-bye pa siya kay Journa, na parang may alam na siya sa mangyayari sa kanila. Parang kinurot ang puso ko nang maalala ang pagiging abo nila sa harap kp mismo.
Nang mawala sila ay naiwan akong nag-iisa sa gitna ng gubat. Nawala rin ang mansion na sa tingin ko'y gawa lang ng kapangyarihan ni Vria.
Dalawang taon din akong nakulong sa loob ng salamin. Nalaman din pala ni Mama ang tungkol sa pagkawala ko. Tinanong ko kung paanong napaniwala siya agad nang sabihin sa kanya nila Traj ang totoo. She told me na kilala niya ako dahil anak niya ako, at alam niya kung may mali sa mga ikinikilos ko.
Marami kaming naging pagkakaiba ni Solar nang mapunta siya rito kahit sinulat ko talaga siyang kapareho ko. Sa tingin ko'y inilayo siya ni Vria sa mga libro dahil sinabi ni Mama na bigla na lang akong nawalan ng interes sa pagbabasa at pagsusulat kahit pa ilang beses kong sinabi sa kanya noon na gusto kong maging published writer.
Sa original plot ng story ni Solar, si Trace ang nakatuluyan niya. Best friend niya roon si Vria, at nagkagusto rin si Vria kay Trace. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko noon at ginawa kong witch si Vria. Ah! Gusto ko nga palang lagyan ng touch of fantasy yung story kaya naglagay ako ng character na witch. Hindi ko naman alam na bigla siyang lalabas sa kuwento at ikukulong niya ako sa loob ng isang salamin dahil lang hindi ko binigay si Trace sa kanya.
Ngayon, hindi niya na kailangang gumawa ng masama para maging masaya siya kasama ni Trace.
Katatapos ko lang din palang ayusin yung manuscript ko kanina. Yep! Magiging published writer na ako! I'm so excited! Ipapasa ko na lang mamaya yung manuscript.
Traj and Solar will be born again.
Writer,
𝐒 𝐎 𝐋 𝐀 𝐑• • •
Tapo ko nang ipasa yung manuscript ko
kanina. Pauwi ako ngayon sa bahay galing sa
public library ng Avernus. Palabas pa lang ako
nang biglang bumuhos ang ulan. Wala
akong dalang payong!Ang layo pa ng sakayan dito. Jusko naman!
Napalingon ako sa isang lalaking dumaan
sa gilid ko, wala rin siyang payong tapos
yung bag niya na lang nilagay sa ulo niya.
Bumaba ang tingin ko sa shoulder bag ko.
Kinuha ko yung cellphone ko na nakalagay
sa bag saka inilipat iyon sa bulsa ko,
saka ko ginaya yung lalaki na nilagay rin
ang bag sa ulo.Patakbo palang sana ako nang mapatigil
ako dahil sa tumabi sa aking lalaki.
Napaangat ako ng tingin. May hawak itong
payong na kasya ang dalawang tao.Nilipat ko naman ang tingin sa lalaki.
"Sabay na tayo, Miss."Natunganga ako sa kanya, habang siya
naman ay ngiting-ngiti sa akin. Natauhan
lang ako nang ipadaan niya ang palad sa
harap ko dahilan para mapakurap ako."Ah, sige po," sagot ko na lang, sabay
baba ng shoulder bag.Sabay kaming naglakad papunta sa paradahan
ng jeep, pero magkaiba kami ng destinasyon
kaya magkaibang jeep kami sumakay.
Labas ata ng Avernus ang pupuntahan niya.
Nagpaalam at nagpasalamat naman muna
ako bago kami naghiwalay.Pagkababa ko sa jeep ay saktong tumigil
ang buhos ng ulan. Mabuti naman.Naglalakad ako papasok sa subdivision
namin nang mapansin ang isang lalaking
nasa harap ng gate ng bahay namin. Bago
pa man ako makalapit ay siyang pagpasok
ng sa tingin ko'y panauhin namin.Dali-dali na lamang din akong tumakbo
papasok sa bahay."Ma, nandi—"
Natigilan ako. Hindi ako nakagalaw at
nanatili lamang ako sa may pinto, kahit
pa nang magsimulang magtubig
ang mata ko nang makita siya."Papa..."
Bago ko pa man namalayan ay patakbo
akong napayakap sa kanya. Humagulgol
ako sa dibdib nito habang nakayapos sa
kanya ang braso ko. Isinama niya rin si
Mama sa yakapan."Sorry, anak. Sorry kung ngayon lang
ako nakauwi.""Papa..."
Kailan lang namin nalaman na nakulong
pala si Papa sa bansang pinagta-trabahuan
niya dahil sa maling bintang. Nang makauwi
ako galing sa gitna ng gubat kung
saan dati'y nakatayo ang mansion nila
Vria, Mama told me about Papa's situation.
Kakalabas niya lang ata ng kulungan last
week, at ngayon nakauwi na siya
sa amin. After 9 long years of waiting,
my dad's now home.Naalala ko ang sinabi ni Solar sa akin
bago siya mawala."Let's make our own happy ending."
Here's our happy ending, Sol. We made it.
Hindi lang sa libro, pero pati na rin sa totoong
buhay. We both now have our own happy
endings. Thank you for the hope, and for
making this life enchanted.I'll find my own Traj someday, or maybe I
already found him.-
20200916 | Wednesday
Thank you!-
N O T E : I know it's lame,
but yeah, tapos na. End na
talaga 'to. I'll leave the ending
open. Ewan, open ending
ba 'to? Hahaha Basta iiwan ko
na sa imahinasyon niyo kung
sino ang Traj na tinutukoy
ni author Solar. Thank you for
reading and supporting my first
epis story, Enchanted.
Hanggang sa muli!Stream Back Door guys!
Lovelots!
BINABASA MO ANG
Enchanted to Meet You
FantasyA semi-epistolary. Wherein Solar met a guy who's claiming to be the character from the book she've read.