𝐒𝐨𝐥𝐚𝐫'𝐬 𝐉𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥
▪️ENTRY 0170▪️⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉
Okay, binasa ko muna last entry ko. Itutuloy ko na kuwento ko.
After naming sumakay sa roller coaster, sumakay rin kami sa Vikings, tapos do'n sa ride na tataas tapos biglang babagsak, ano na nga tawag do'n? Ay ewan! Basta halos lahat ng rides sinakyan namin. At halos lahat din ata ng pagkain na tinitinda sa loob ng park ay natikman namin.
Sa last, pinsakay kami ni Nova sa Ferris-wheel. Si Coffe at Zaro lang naman ang kailangan niya sa scene na 'yon, pero pinagtulakan niya rin kami ni Traj na sumakay.
Ang awkward kasi nung time na 'yon lang uli kami nagkasama sa iisang lugar na kami lang dalawa. Walang naimik noong una, pero bigla siyang nabulong, e hindi ko naintindihan kaya pinaulit ko sinabi niya.
"Sabi ko, sorry," sabi niya, nahihiya.
Hindi ko alam kung namalikmata lang ako kanina pero nakita ko siyang namula. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin. Ang kyot kainez!
Syempre nag-sorry din ako kasi alam kong may mali rin naman akong nasabi. So ayun nga, bati na kami at balik normal nanaman ang katol.
Pagkababa namin sa ferris-wheel, ngiting aso pa ang mga loko kasi magkaayos na kami ni Traj. Pareho raw kaming pakipot. (hindi pa mag-bf gf sina Solar at Traj sa part na 'to ng kuwento, bale nang dahil sa asaran ng tropa kaya naging sila.)
Minivan nila Traj ang ginamit namin papunta sa amusement park, at syempre 'yon din ginamit para ihatid kami sa mga bahay-bahay namin. Ako ang hinuli ni Traj na ihatid.
Naging tahimik noong kaming dalawa na lang natira, wala rin namang naglakas-loob bumasag niyon kaya nang makarating kami sa bahay namin, tamang "goodbye" at "see you tomorrow" lang ang nasabi namin sa isa't isa.
Iyon lang naman ang nangyari ngayong araw, Jorna. Btw, kailangan ko nang matulog kasi maaga talaga dapat kami bukas, medyo malayo ang pupuntahan namin, e. Good night, Jorna!
Bumalik,
𝐒 𝐎 𝐋 𝐀 𝐑
BINABASA MO ANG
Enchanted to Meet You
FantasyA semi-epistolary. Wherein Solar met a guy who's claiming to be the character from the book she've read.