ENCHTD 035

20 4 4
                                    

▫️Greenville Handall, Avrian Lighthouse▫️

𝐒 𝐎 𝐋 𝐀 𝐑

⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉

Hindi ako makatulog. Inaantok na ako
kanina, pero pinilit kong hindi makatulog.
Ngayon namang oras na ng pag-tulog, hindi
na ako makatulog. Hindi ko alam kung
ilang oras na akong nakatitig sa kisame
nitong kuwartong kinalalagyan namin.

Nasa kabilang kuwarto ang boys at
kaming mga girls naman ang nagsama-sama
rito. Pinagitnaan ako ni Dawn at Coffee,
habang si Nova naman ay nasa kabilang
side ni Fee.

Dahan-dahan kong inilihis ang paa ni Fee
na nakapatong sa legs ko, at ang kamay
ni Dawn na nasa tyan ko, para makabangon
ako. Para kasing japanese style itong bahay
na tinuluyan namin, sa sahig kami natutulog...
sila pala, since hindi pa ako natutulog.

Unti-unti akong bumangon mula sa
pagkakahiga. Nang makaupo ay sinulyapan
ko muna ang dalawang katabi, pati na rin
si Nova na nakatalikod kay Fee, bale
nakatalikod sila sa isa't isa.

Sinubukan kong tumayo nang hindi
gumagawa ng kahit anong ingay na
maaaring makagising sa kanila. Kaluskos
lamang ng kumot na inaalis ko mula sa
pagkakabalot sa aking katawan ang
maririnig. The floor creaked when I tried
to stand, hindi ko na lang binigyan ng
pansin at nagpatuloy pa rin.

Bawat tapak ko sa floor habang
naglalakad ay tumutunog. Napatigil tuloy ako
para tignan kung nagising ko ba sila.

They're still asleep. Muli kong ibinalik sa
harap ko ang tingin. I sighed as a sign of relief,
pero napalitan din ng gulat nang magsalita si
Nova, "Who are you?"

Kinabahan ako nang marinig siyang magsalita.
Akala ko nag-sleep talk lang siya dahil nang
lingunin ko sila ay ganon pa rin naman ang
posisyon niya.

"I know you're not her. I'm not dumb."
Inabot nito ang salamin na nasa ulunan saka
iyon sinuot bago lumingon sa akin.

"W-what do you mean, Nov?" pagmamaang-
maangan ko.

Anong mangyayari kapag nalaman nilang
hindi ako galing sa mundong 'to? Anong
mangyayari kapag nalaman nila na fictional
characters lang sila? Mapapahamak ba sila?

No, I can't risk their safety, kahit gustong-gusto
ko nang sabihin sa kanila para may makatulong
sa akin sa paghahanap ng paraan na
makalabas dito.

Napalunok ako. Hindi masyadong maaninag
ang mukha nito, may kadiliman kasi sa
loob ng kuwarto, dahil kakarampot lang ng
ilaw na na sa labas ang pumapasok mula
sa bintana ng silid.

"Where's Solar? Are you really Solar?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Nova."

Isip kang alibi, Solar. Dyan ka magaling, e.
Queen of alibis ka kapag nakikipag-break, o
'di kaya kapag nandi-ditch ng outing kasama
mga kaibigan. Nasaan na mga alibi mo?
Masyado ka nang nagpaka-Solar. Hindi ikaw
si Solar! I mean, hindi ka fictional character.

"Nevermind what I said. Matutulog na ako uli.
Huwag ka magtatagal sa labas kung balak mo
lumabas," biglang aniya saka inalis ang salamin
at muli nang humiga.

Nakahinga ako ng maluwag. Holy poop!
Muntik na ako roon!

Dali-dali ko na lamang inabot ang pintuan
at in-slide iyon para lumabas.

Nang mapalingon ako sa pinto ng kabilang
kuwarto ay sakto namang lumabas din si Traj na
pasimple pang nalingon sa loob para siguro
tignan kung nagising sila.

Napalingon ito sa gawi ko. Pareho kaming
natigilan nang magtama ang tingin
sa isa't isa.

Enchanted to Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon