▫️Vria's Mansion, Avernus Forest▫️
𝐒 𝐎 𝐋 𝐀 𝐑
⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉
Lumabas sa basement si Vria kasama si
Trace. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa
rin ako sa makahulugang tingin ni Trace
kanina. Nakakaalala na ba siya?Ilang minuto ang nagdaan, nanatili kaming
nakakulong. Tahimik lamang kaming
apat na nakakulong doon at nakaupo.
Pareho kami ni Nova na naliligo na sa
pawis. Nahihirapan na rin akong makahinga
dahil medyo mainit sa kinalalagyan namin.Nabasag ang katahimikan dahil sa pag-creak
ng pinto nang bumukas iyon. Agad umangat
ang tingin ko sa pinto. Pumasok mula
roon si Coffee na tila nanghihina, habang
nakadalo sa kanya si Zaro.Napatayo ako nang sunod na pumasok si
Traj na may hawak na dalawang libro.
Nabuhayan ako dahil doon. Sabay kami ni
Nova na napalapit sa rehas nang makababa
sila sa hagdan."Fee, anong nangyari sa 'yo?" tanong ko
kay Coffee."Na-trap kaming dalawa sa loob ng isang
painting kanina. Hinabol kami ng mga
estatwa sa loob no'n," si Zaro ang sumagot.Pinaupo niya muna sa sahig si Fee saka
tumakbo ito palapit sa kandado ng rehas
namin. Inilabas niya mula sa bulsa niya
ang isang susi. Maging si Traj ay nakita
kong lumapit sa kabilang kulungan.Bumukas ang kulungan namin ni Nova,
gano'n din sa kabila. Lumabas kami roon.
Agad akong lumapit kila Dawn para bigyan
siya ng isiang yakap."Paano kayo nakalabas?" tanong ni
Nova kila Zaro.Inangat naman ni Traj ang hawak nitong
isang libro. 'Book of Spells' ang
nakasulat sa pabalat niyon. Sunod din
nitong inangat ang lisang pamilyar na
libro. Enchanted. Nakahinga ako
nang maluwag.Siguro si Traj din ang nagbalik sa ala-ala
ni Trace. Base sa ginawa niyang
pagtango sa amin kanina at sa
makahulugan niyang tingin na para
bang sinasabi niya tutulungan niya kami."Nahanap mo!" masayang wika ni Nova.
"Pero hindi rin nakasulat dito kung paano tayo
makakabalik sa libro." Nawala ang malaking
ngiti sa labi ni Nova nang sabihin iyon ni
Traj. Maging ako ay tila nawalan ng pag-asa.Natahimik kaming lahat. Doon ko naalala ang
salamin. Sigurado akong nasa loob ng
salamin si Ms. Solar."Kung napalabas mo sa painting sila Coffee,
mapapalabas mo rin ba sa loob ng salamin
si Ms. Solar?"Napalingon sa akin sila Traj dahil sa
sinabi ko."Si Ms. Solar?" tanong ni Nova.
Hinugot mula sa bulsa ko ang salamin na
kinuha ko mula sa dressing table."Tulungan niyo ako!" saktong may sumigaw
mula roon, kaya sabay-sabay kaming
napaigtad dahil sa gulat.Pinalapag ni Traj sa sahig ang salamin.
Ginawa ko naman iyon. Sunod nitong binuklat
ang libro na nakuha niya ata kay Vria.
May mga salita siyang binasa mula sa libro, at
walang sinuman nakaintindi ng mga iyon.
Bigla na lang umilaw ang salamin na na
sa sahig. Napapikit ako dahil doon.Makalipas ang ilang segundo ay bumalik
sa dating dilim ang basement.Isang babae ang ngayon ay nasa puwesto na
ng salamin kanina. Nakatalikod ito sa akin.Naestatwa ako nang tuluyan kong makita
kung sino iyon sa ginawa nitong paglingon.
Pareho kaming nagulat nang makita ang
isa't isa.Hindi ako makapaniwala sa nakikita.
Para akong nakaharap sa salamin."Solar."
BINABASA MO ANG
Enchanted to Meet You
FantasyA semi-epistolary. Wherein Solar met a guy who's claiming to be the character from the book she've read.