BFMS CHAPTER FIVE

184 8 0
                                    

BFMS CHAPTER FIVE        

Annie~

Ng makarating ako sa kwarto ko daw ay gulat na naman ako! Grabeh ah bat ang ganda naman ng kwarto ko?

“Ah ate Marjo mali ata kayo eh”

“Hah? Ito naman talaga yung kwarto mo iha”

“Pero para namang kwarto ng amo nyong babae to eh. Tignan mo nga ang ganda”

“Hay naku Hija ganyan talaga rito lahat ng kwarto ay maganda at maayos. Di mo pa nakikita ang kwarto ni Young Master eh. “

“young Master?”

“Ah oo mula ngayon Young Master na ang itatawag mo kay Sir Nathan Ezekiel”

“Ah dib a pwedeng Nero nalang shortcut ng name niya eh? Pansin niyo haba ng name niya eh!”

“Nako! Bata ka! Wag na wag mo siyang tatawagin ng ibang pangalan kundi Young Master lang kung hindi baka patalsikin ka niya rito ng wala sa oras”

“Grabe naman pala yang si Ner—young master ah! Demanding!”

“Hayy nako ganyan talaga ang mayayaman. Osige na kumain ka naba? Namumutla ka eh”

“Ah hindi pa nga eh”

“Kaya naman pala ang payat payat mo. Sayang ang ganda mo ah!”

Hah? Ano konek? Ano daw ako Annie Beatrice Santos maganda? Sang banda po?

“Ah Hehehe. Scratch the maganda thingy ate Marjo”

“Halika na nga kumain ka muna”

“Ah ok po Ate. Magbibihis lang po ako”

“Nako pala teka! Mula ngayong ito na ang isusuot mo”

Binuksan niya yung cabinet sa kwarto ko daw at bumulagta sa aking dalawang mata ang halos kulay asul na damit at peach na parang jogging pants pero maganda naman ang mga ito.

“Eto ang magiging uniporme mo hija bilang Maid ni Young Master.”

“Po? Kailangan pa ba yun?”

“Oo nman hija nagtataka nga ako kung bakit naisipan mong maging maid niya. Hindi ka ba natatakot?”

“Huh? Saan naman po ako matatakot?”

“Ibig mong sabihin hindi mo alam?”

“Ang Alin ate?”

“Ah wala wala. Sige na magbihis ka na at kumai na ka.”

“Ah opo Ate.”

Nagbihis na ako at talaga namang hindi ko na ata kakailanganin tong mga damit ko dahil mayroon lang naman akon 50 na uniporme na pare pareho! So parang di ako nagpapalit nito dahil parepareho lang naman ang mga susuotin ko! Grabe Lang! Ang yaman naman talaga nila.

Ate Marjo~

Takang taka parin ako dahil nakit babae ang napiling maid ni Young Master? Hindi ba napakadelikado nung gagawin niya? Hindi ba niya kilala si Young Master?

Pwede siyang mamatay sa papasukin niya. Marami na ang umayaw sa pagiging katulong ni Young Master dahil sa mapanganid ito. Dahil hindi naman pagiging katulong lang ang gagawin niya kundi magiging bodyguard ito. Mahalaga ang buhay ni Young Master dahil sa kasikatan niyang natatamo ngayo. Isa siyang singer na talaga namang tinitingala ng boung mundo.

 Kasabay ng madaming taong humahanga sa kanya ay mayron ding taong naiinggit sa kanya at kayang kitilin ang buhay niya kapag nagkaroon sila ng pagkakataon. Kaya naman kailngan talaga ng proteksyon!! Pero sa isang babae? Jusko po!

Sana nga kaya niya ang paging BodyGuard/Maid ni young Master.

Bodyguard For Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon