BFMS CHAPTER TWO
Annie~
Hay another day had passed. Pero wala parin akong makuhang trabaho!
Ano ba kasing mali sakin!? Alam kong medyo boba ako pero Im not that tanga naman eh! Kita nyo naman kahit papaano nakakaenglish speaking pa naman ako! :3
Nag apply ako kanina bilang waitress sa isang waitress pero! Hindi pa tinitignan yung biodata ko wala na! “Sorry Miss” yan palagi natatanggap kong sagot nila.
Accountancy actually yung course ko. Graduate na ako sa college sa awa ng Diyos sa isang University which is Denevieve University isa sa mga school ng mayayaman. Paano ako nakapasok? Simple! Lang! Pinaglaban ako ng school ko sa probinsya para makapasok ako at Ting! Bigla nalang akong pinatawag sa Maynila at scholar napala ako sa Denevieve University. Nakagraduate nga ako pero what Now? Still searching for my job!
Hay. Sa isang taon kong pagtratrabaho marami na akong napasukan. Dishwasher. Taga linis ng kubeta ng pagkayamayamang nilalang, taga buhat ng semento, naghahalo ng semento, waitress, saleslady, maging maid ng isang tsanak! Hehehe. Dyok lang pero para talagang tyanak tung inalagaan ko nun eh. Hanggang sa bigla nalang nawala ang lahat at umuwi na ako. Hay Life parang buhay . :3333
Ngayon balik na ulit sa dating gawi pero mailap ata ang swerteng makahanap ng trabaho ngayon eh. Haist. Hangang sa may isang bond paper na may nakaprint na dumikit sa mukha ko! Hay! Ano ba to?
“Maid for Mr.Nathan Ezekiel Rico Ong. For more information just call this number 562735” wow! Ha? Sino ba tong Nathan Ong na to? Haba ng name pwede namang NERO nalang diba? -.- At sa whole bond paper pa talaga eh ang liit naman ng nakaprint! Pero haist! Annie Maid daw oh! Kaya I took my cp from my bag and dial the number. Sabi nga ni vice “Took the opportunity!”
*Riiiiiing*
“Hello?” bungad ng isang I think matandang babae na parang istrikto eh?
Boses palang kilala ko na? HAHAHA. Talent ko yan!
“What do you need Miss?” –sambit niya
“Ah. Hmmm. Maid for Mr. Nathan Ong?” –sagot ko
“Ah ok. Pumunta ka lang sa address na to para makapila ka na agad”
Binigay niya yung address.. Nature’s Village.
Pila talaga?
Hmmm. Mayaman ata ah! Pinipilahan eh baka malaki ang sweldo!
Naks! Thank you Lord! Takbo agad ako sa lugar na ibinigay nung matanda.
Takbo.
Takbo.
Takbo.
*hinga hinga* grabe ang layo naman! Tsk. Wala na talaga akong pera eh yung pinampamasahe ko lang papuntang Manila ang pera ko at nandito na nga ako sa Manila kaya malamang masarap ang alamang! Ay! Malamang wala na akong pera. Huhuhu.. Gutom na rin ako. Pero sabi ng utak ko malapit na ako sa Nature’s village.
BINABASA MO ANG
Bodyguard For Mr. Superstar
Teen FictionWhat will happen when Mr. Superstar meet his Bodyguard.? Will these two fall inlove with each other? But what if ....