Prologue

912 15 9
                                    

Nung bata pa ako, mahilig ako sa fairytales.

Hindi nga ako nagsasawa sa mga Disney Princesses eh.

Kasi these stories instilled in me that there is always a happy ending wherein you’ll be with the ones who can make you happy and who can love you forever.

But when I grew up, I realized mahirap pala yung mga pinagdaanan nila. Na kahit characters lang sila, dumadaan din sila sa pagsubok. Parang tayo rin; madalas may kumokontra, marami ang nakakasakit at nasasaktan. Nakakabilib din sila no? Kasi after all the hardships, they managed to find their happy ending.

Pero talagang nakakagago lang tong mga fairytale na to eh. Mga paasa na magkakaroon ng happy ending!

Si Snow White na na-meet yung Prince nya after her resurrection from the dead (mala-Jesus Christ ang arte eh).

Si Jasmine na nainlove sa isang pobreng kagaya ni Aladdin (pasakay-sakay pa ng magic carpet para sa isang date, di na uso yun! Regaluhan kita ng airplane eh!)

Si Cinderella na hinayaan pang mawala yung sapatos nya para lang mahanap sya ng Prince nya (di ba, yung “glass slippers” are supposedly perfectly fit for her feet, pero bakit natanggal? Arte lang eh).

Si Aurora na tatanga-tanga gumamit ng spinning wheel kaya natusok at nakatulog ng mahimbing (at talagang hindi gumising hangga’t hindi nahahalikan ng Prince nya. Landeee mo teh).

Si Belle na gustong abutin pa ng deadline bago mapaalis ang sumpa kay Beast (dapat hindi na lang, mas gwapo pa si Beast nung Beast sya eh).

Si Ariel na bago talikuran ang lahat at ibigay ang kanyang magandang boses para lang makasama si Eric at kamuntikan pang hindi magtagumpay, ay laging naka-bra lamang (dapat kasi, naging singer ka na lang, trust me, you’ll get guys in no time).

Sana, hindi na lang nauso ang fairytales! Para walang umaasa sa happy ending! Para hindi ako nadidisappoint! Paano ka ba kasi aasa na may happy ending ka if in the first place…

…you weren’t destined to have one?

My ABCD Lovestory ---> ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon