Chapter 2: Anthony Brent Cyrus Dominguez

297 7 1
                                    

for helping me out in choosing who will portray my characters. :)

ARGH! BV naman ‘tong umaga na ‘to oh! Malelate na ko sa klase! Tapos di ko pa makita yung paborito kong sapatos! Asan na ba yun?

“MANANG! ASAN YUNG PABORITO KONG SAPATOS?!”

Pumasok naman si manang sa kwarto ko. She shined my shoes pala kaya wala rito.

Ayan na hijo. Pinakintab ko lang naman yan eh. Eto na rin ang almusal mo. Sa kotse mo na kainin at malelate ka na sa school nyo.

“Salamat Manang! Alis na po ako ah!”

O sige. Mag-iingat ka ah! AT MAGPAKABAIT KA!

Sumakay na ko sa kotse at pinaandar to. May kotse ako at pwede ko to i-drive. Ganyan talaga pag may kuneksyon ka sa itaas. :D Habang nagddrive, binuksan ko yung breakfast na binalot ni manang para sakin at as usual, yung paborito kong bacon and eggs! Kaso, sandwich lang sya. Mahirap kaya kumain ng kanin habang nagddrive. Buti na lang at marami-rami tong pinabaon ni Manang. May jug din ako ng fresh milk. Galing pa sa New Zealand ang gatas namin. Hindi naman sa pagmamayabang pero may-ari kami ng farm sa New Zealand kaya syempre, dapat i-patronize ko rin ang products namin!

Ako nga pala si Anthony Brent Cyrus Dominguez. I’ll be 17 years old soon. Mayaman, gwapo, captain ball, at top 1 sa klase namin. Ang dad ko ang pinakamalaking business tycoon dito sa Pilipinas at sa buong Asia at pangalawa sa buong mundo. Ang mom ko naman ay isang sikat na model dati at ngayon ay nagmamanage ng fashion business nya. Sya naman ay pangalawa sa best fashion designers in the world. Ang family namin ang may-ari ng top food company in the world, ang Brent Co. at ang 2nd largest clothing line in the world, ang ACD Clothing.

And someday, ako ang magmamana ng lahat ng ito. Even the fashion business kasi nag-iisa lang akong anak. Ok lang naman sakin yun. At least, mayaman ako di ba? Sino pa ba ang tatanggi sa pera?

Nang makarating na ko sa school, nag-park muna ako at bago bumaba ay uminom muna ng fresh milk. Ang sarap talaga ng gatas na to. Naubos ko na yung limang sandwiches na padala ni Manang. Masarap eh. Favorite ko talaga ang bacon at eggs. Nang matapos ako, bumaba na ko sa kotse ko at dumiretso na sa tambayan namin.

“Pare! Ang tagal mo naman dumating! Malelate na tayo sa klase! Badtrip naman oh. Di pa nakapangchicks kahihintay sayo. TSK.”

Yan si Steven Nigel Morales, isa sa dalawa kong tropa. Yan ang babaero saming tatlo. Pero di naman ganun kalala. Every week lang naman sya nagpapalit. Hindi daw kasi sya pinapansin nung crush nya kaya umaasa na lang na mapansin ang pagkababaero nya.

“Gago ka tol! Inuuna mo pa yang pambababae mo kesa saming mga kaibigan mo! Anong klase kang kaibigan?”

Yan naman si Eric Francis Gio Delacruz. Yan naman ang pa-good boy ang image saming tatlo. Sabi ng mga babae, sya daw ang pinaka-cute saming tatlo. Ok lang naman yung kasi ako naman ang pinakagwapo. Si Eric ang pumapangalawa sakin sa pinakamatalino at kahit ganyan si Steven, pangatlo yang hayup na yan.

“Hay naku! Tara na nga pumasok! Badtrip naman tong araw na to oh! Tapos dadagdagan nyo pang dalawa. Tss.”

Nagsimula na kong maglakad papunta sa school habang nakasunod yung dalawa sakin. Tulad ng inaasahan, pinagtitinginan na naman kaming tatlo at yung iba, kumikindat pa samin. Kadiri tong mga babaeng to. Ang lalandi. Pero etong si Steven, mukhang enjoy na enjoy pa at may pagkaway pang nalalaman. Eto namang si Gio, ngingiti ngiti lang, pa-good boy yan eh. Ako naman, syempre, sakin pinakamaraming nahuhumaling. Ako kaya ang pinakagwapo saming tatlo. Natural, maraming mag-papacute sa harap ko. Ang kapal ng mukha! Mabuti sana kung tipo ko eh. Hindi naman. Ang kakapal ng make-up nila. Tapos yung mga suot nila, ewan ko kung bakit pero ang dating sakin, mala-whore. May mga iba pang akala mo naman ay pagmamay-ari ako at pinupulupot pa sakin ang mga braso. Tss. Ang hirap talaga pag gwapo, habulin ka ng chicks. Badtrip na nga ako, lalo pa akong nag-iinit ang ulo dahil sa mga babaeng to.

My ABCD Lovestory ---> ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon