Heto na! :D Weee. :D
Yung pinsan ko na ka-course ko, nagbabasa rin daw sa Wattpad. :D Oh di ba? May pagkakapareho kami. :D Nabasa na daw nya ang 3w8l, TBYD at SDTG and guess what? DI SYA UMIYAK SA SDTG!!! OMAYGAH!!! :D
______________________________________________________________________________
HAHAHA! Ang saya talagang asarin ni CG. Ang aga-aga, buo na agad ang araw ko. Kaso medyo kabadtrip nung Homeroom. Lekat na Daniel yun! Napaka-epal talaga! Papansin kay CG. PSH. Tas ayun, pinagsabihan ko sila kasi parang medyo masama na yung tingin kay CG ng mga babae eh. Tapos sakin pa nagalit si CG?! Badtrip talaga. Ayun tuloy, nag-walk out pa. PSH. Mga babae talaga, o o. -_-
Susundan ko dapat sya kaso pinigilan ako ni Daniel. Etong abnoy na ‘to! Epal talaga!
“Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah!” maangas na tanong ko sa kanya.
“Pare, wala akong ginagawa sa’yo. Wala naman akong paki kung trip mo kulitin si Mine eh. Ang akin lang, wag mo naman sya bastusin ng ganun.” Aba’t ang gagong ‘to, inangasan pa ko! At anong MINE?! Kelan pa naging kanya si CG?!
“HOY! Anong Mine-Mine ang sinasabi mo jan?! Kelan pa naging sa’yo si CG? Napaka-kapal talaga ng mukha mong hayup ka, para namang gusto nya maging sa’yo!”
“Wala ka nang paki kung bakit ganun ang tawag ko sa kanya. At siya ang may gustong itawag ko ang MINE sa kanya.”
Hanep! PSH! Badtrip talaga ‘tong Daniel na ‘to! Bumalik na lang ako sa upuan ko at hinintay na matapos ang Homeroom period. BWISET.
Bumalik na si CG. She’s a changed woman now. De loko lang. Ah basta, iba na ulit yung aura nya. Peaceful na. Nakita kong ngumiti sa kanya si Daniel. HAYOP KA DANIEL! MINE-MINE KA PA! I-MINE ko yang mukha mo eh!
Nakita ako ni CG na badtrip na badtrip. Parang kinabahan sya. Kabahan ka na. Mag-uusap tayo mamaya.
Lumipas na ang English tme. Wala namang magandang nangyari. Blah blah blah.
Math time na! Oras na para maipakita ang aking prowess sa Math! Woohoo!
Ay lekat. Si Daniel ang tinawag. Ayaw na ata ako tawagin ng mga teacher namin eh. Lagi ko kasi silang nalalampasan. Wala naman akong magagawa. Ganun talaga. Genius ako eh.
Nakita ko namang nakatitig si CG kay Daniel. PSH. At mukhang pinagnanasaan pa nitong si CG si Daniel ah! Ano ba ‘tong si CG, pipili na nga lang ng pagnanasaan, si Daniel pa! Walang taste ‘to sa lalaki. PSH.
Nagsulat na lang ako sa isang maliit na papel. Leche talaga ‘tong CG na ‘to. PSH. Pinapasa ko sa isa naming kaklase. Pinandilatan ko sya at tumingin kay CG, alam na nya ang ibig sabihin nun.
Ang sinulat ko?
Gazebo. 5pm. Don’t be late.
Nung lunch time, nagpasya akong kulitin ulit si CG. Wala lang. Just for fun! Nakaisip na ko ng mga banat na siguradong maiinis sa kilig si CG. Yung iba, binigay sakin ni Steve.
(INSERT BANAT SCENE –Baka ayaw nyo na yun mabasa ulit. Pag may isang nag-comment na isingit ko, gagawin ko naman. :) HAHA :D)
SUCCESS! HAHA! Ang astig ko talaga! I can’t wait for later…
Eto ako ngayon, kausap si CG…
…NOT!
Imbis na kausap ko si CG ngayon, eto ako, nakikipag-bugbugan. Hayop na gang ‘to! Ngayon pa naisipang sumugod. PSH. Gaguhan ba ‘to? Limang myembro lang ng gang nila ang pinadala nila para ilaban sakin? Masyado akong minamaliit ng gang na ‘to. Matitikman nila ang galit ko. PSH.
*BOOGSH*
*BAM*
*suntok*
*sipa*
*suntok*
*sipa*
Kitams?! Mga walang kwentang kalaban. Napatumba ko nang di man lang ako napupuruhan. PSH. Teka, anong oras na ba?
5:00 pm na! SUSKO! MALA-LATE AKO SA USAPAN NAMIN NI CG! Ok, hindi usapan pero meeting. Ah basta! Kailangan ko na pumunta dun! Malayo pa man din yung gazebo dito sa building na ‘to!
Nung malapit na ko sa gazebo, nakit ako si CG na may kausap na lalaki. Si BX, kilala ko sya, pero di kami close. Ang weird ng mga pangalan namin eh. Ano ba ‘to?! Bakit nya kausap yung lalaking yun? Di ba dapat, kami ang magkausap ni CG? May usapan kami ah! Ay, hindi pala usapan, pero kahit na!
Nagtago muna ako sa likod ng puno malapit sa gazebo. Naririnig ko ang usapan nila.
“Please, I miss you Princess. I miss you so much it hurts like hell.” Anong ibig sabihin nito? Si CG at etong si BX…
“You miss me? Yan na lang ba ang alam mong line? You miss me?! HA! Miss mo lang ako, hindi mo ako mahal. You just need a companion, someone you can lean on, who appreciates you. You only love me because you’re not used to being alone. Please, just get out of my life.” BOOM! Ano ka ngayong lalaki ka!
“You really hate me that much, eh? Fine. But please remember that I’m here. That, I know that you know I am sincere.” Umalis ka na kasi BX. Pampadagdag ka pa sa pag-uusapan namin ni CG eh.
Nagsimula nang umalis si CG sa lugar na yun. Mukha syang nasasaktan. Tumigil sya sa paglalakad at sinabi kay BX:
“Anthony Brent Dominguez… Thank you. We could be friends, you know? Just not now.”
Sinundan ko na si CG. Nag-aalala din naman ako kahit papano sa kanya no. Hindi naman ako ganun kasama.
Nagpunta si CG sa dock. Medyo malapit pa rin naman sya sa school. Umupo sya sa dulo at nagsimulang umiyak. Nilapitan ko sya at niyakap.
Who knew someone like Ansherina Belle Claire Domingo could be so fragile?
__________________________________________________________________________________________
VOTE. COMMENT. LIKE. BE A FAN.
![](https://img.wattpad.com/cover/1063628-288-k110068.jpg)
BINABASA MO ANG
My ABCD Lovestory ---> ON HOLD
RomantikA game of love, fate and fight. Will ABCD lose the game, or will ABCD win?