Readers, I’m truly sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Masyado po kasing busy ang college tapos toxic pa yung Bio namin. -_- Sana po ay maintindihan nyo. Di po kami tulad ng ibang colleges na uso ang prelims, midterms at finals. Ang amin po ay kung kelan matripan ng prof mag-exam, mag-eexam sya so minsan, 2 beses sa isang lingo ang exam namin sa isang subject. Tapos minsan, sunod-sunod na linggo yung exams. Mianhe (epekto ng pagbabasa ULIT ng SDTG ni Ate Bianca/SGWannaB sa Wattpad. Naiyak pa rin ako. T_T Lalo na sa prayers ni Kenji. Jusme. Kenji’s Prayers T_T)
Paano po ba ako gumawa ng update? Actually, matagal ako mag-isip ng update. Ay, hindi pala. Depende pala kung may inspiration. SA MS WORD PO AKO GUMAGAWA NG UPDATE AT HINDI DIRECTLY SA WATTPAD. Maliban na lang sa Author’s Note, sa Wattpad ko na yun tinatype. Ayoko ng ora-orada lang mag-ttype, para kasing hindi yung yung best ko. Tsaka malay nyo, pag natapos ‘to, may humingi ng soft copies? Ang hassle kung copy-paste pa di ba? :) Pero may malaking possibility na hindi ako mamigay ng soft copies. May plano kasi akong i-publish ‘to but that’s not gonna happen anytime soon. :) Idol ko si Alesana Marie eh. Kita nyo, ilalabas na nya yung book nya sa December. Bibili ako nun! Bili din kayo ah! Mag-fan kayo sa account nya. Search nyo lang: Alesana_Marie. She needs fans para maibenta sa Nat’l. Bookstore yung book nya. Hindi kayo madidisappoint sa story nya. I SWEAR. She has over 20K fans, the last time I checked. Sobrang ganda ng stories nya. Talk Back And You’re Dead ang title tapos may part two pa named Never Talk Back To a Gangster. Tsaka maganda rin yung “If I’m Not Human, Then What The Hell Am I?” nya. Basahin nyo ah? Tapos mag-fan kayo, kung hindi, hindi nyo mababasa yung special chapters nya. Haha. Magaganda pa naman yung special chapters. :)
Ganito na po ang magiging sistema ng update ko, ONCE A MONTH. Dati kasi, I write chapters in advance but I ran out of chapters. Pag medyo nakabawi na ko sa chapters, I’ll update TWICE A MONTH. pag dumami pa lalo yung chapters na dapat kong i-post, baka maging every week. Ok na ba yun? :) Most probably, every 23rd of the month muna ako mag-uupdate.
Eto na yung pinakamahaba kong Author’s Note. Pasensya na ah? Di ko kasi nakakausap yung readers ko and I want to reach out to them in a way. :) Mataray ako, sobra. Pero mabait din naman ako. Haha. :)))
ENJOY THE UPDATE!
_____________________________________________________________________________
Umiiyak na naman ako ngayon.
Ang sakit pa rin sa pakiramdam.
Minahal ko naman talaga siya eh.
Let’s just say our love was true, but has now become a lie.
Wait, kanta yun di ba?
Kita nyo na. Ang labo ko pag umiiyak. T_T
Andito ako ngayon sa docks. Ang sarap umiyak dito. Ako lang kasi yung nakakaalam na umiiyak ako. Walang ibang nakakakita. Walang ibang nakakaalam. Walang maaawa sakin. Ayoko ng kinakaawan. DUH! I. AM. ANSHERINA. BELLE. CLAIRE. DOMINGO. I am not supposed to be pitied on. I should be the one pitying others. Mabait naman ako eh. Pero may hangganan din ang bait ko.
Pero sa totoo lang, mahirap mag-isa. Lalo na at hindi alam ng best friends ko yung sakit na nararamdaman ko. Ang alam kasi nila, wala akong puso pagdating sa mga lalaki. Yun kasi ang pinapakita ko sa kanila. I don’t care kung masaktan yung lalaki, ang mahalaga, hindi nasasaktan yung babae. Hardcore feminist ako eh. For me, “Woman, without her, man is savage.” and not “Woman without her man, is savage.” Malakas akong babae. Hindi sanay yung mga kaibigan ko na malambot ang puso ko. Paano ba naman kasi, nasanay na ko na ako ang sinasandalan. Kaya dapat, maging malakas ako. Hindi dapat ako magpadala sa kahinaan ko.
BINABASA MO ANG
My ABCD Lovestory ---> ON HOLD
RomanceA game of love, fate and fight. Will ABCD lose the game, or will ABCD win?
