Chapter 13: Vulnerable

88 2 1
                                    

PAKSHET. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natataranta ako. Huli akong nakakita ng nahimatay nung… ARGH! ANO BANG GAGAWIN KO?!

Namumula na si CG. Pakshet talaga.

BP, kalma. PAKSHET. Tinatawag ko na yung sarili ko na BP. Lakas ng hatak ng CG na ‘to eh.

Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko. Kailangan ko syang tulungan ngayon. Kailangan ako ni CG.

Sa di ko malamang dahilan, napakalma ako ng thought na yun. May nangangailangan sakin.

Kinuha ko muna yung phone ni CG. BB Torch, parehas kami. Tinawagan ko si Erin, yung kapatid nya.

“ATE, ASAN KA NA? MAY NANGYARI BA SAYONG MASAMA? SINAKTAN KA BA NUNG KIKITAIN MO NGAYON?”Like sister, like sister. Di na ko magtataka kung nagmana si Erin sa ate nya. Parehas silang nakalunok ng microphone eh.

“Erin, si Brent ‘to. Inatake yung ate mo ng allergy nya.” mahinahon kong sinabi sa kanya. Walang mangyayari kung lahat kami matataranta.

“ANO?! Kumain si Ate ng maanghang? Dalhin mo sya dito sa bahay! Itetext ko na lang sayo yung address. Bilisan mo! Baka mamatay yung ate ko!”

Tinapos ko na yung tawag. Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Erin.

Binuhat ko na si CG at tumakbo na ko papunta sa school. Andun pa yung kotse ko eh. Isinakay ko na sya sa likod para naman makahiga sya. Medyo maputla na sya. Shit. Bilisan mo BP.

Dali-dali akong pumunta sa driver’s side. Binuhay ko yung makina ng kotse ko at pinaandar ko na. Hawak ko pa rin yung BB ni Belle. Nagtext na si Erin. Buti na lang same lang yung village namin. Actually, magkalapit lang yung bahay namin. Mga two streets ang pagitan. Pinaharurot ko na yung kotse ko. Buti na lang talaga at R8 ‘to, hindi ako bibiguin nito. Whoo.

Malapit na ko sa village. Hindi pa rin gumigising si CG. CG naman. Wag kang manakot ng ganyan.

Nung malapit na ko sa bahay nila, nakita ko si Erin sa labas. Mukhang naiiyak na sya. Tinigil ko na yung kotse ko at kinuha ko si CG sa likod. Dinala ko na sya sa loob ng bahay.

“Ate! WAAA T_T Don’t leave me. T_T”

“Erin, saan ang kwarto nya?”

“Dun sa taas. Yung white na pinto. Dalhin mo na sya dun at tatawagin ko lang si manang.”

Tumango na lang ako sa kanya at tinakbo ang kwarto ni Belle. Agad kong binuksan ang pinto at inihiga ko na sya sa kama. Malamig sa kwarto nya.

Umupo ako sa couch sa tapat ng kama nya at pinagmasdan ang kwarto nya. Malamig pero walang aircon. Tumingala ako at nakita kong may vent. Centralized. Parang yung amin lang. Maganda yung kwarto nya. Puro pink pero hindi masakit sa mata. Pink at white. Sa totoo lang, ayoko ng pink pero yung pagka-pink ng kwarto nya, maganda. Malinis din yung kwarto nya. Maayos din yung study table nya. Lahat ng furniture nya, white tapos may pink na design. Akalain mo nga namang etong Amazona na ‘to eh mahilig sa pink? Mas bagay sa kanya ang black. HAHAHA.

Tumingin ako kay CG. Hindi na sya masyadong pinagpapawisan. Pero maputla pa rin sya.

Sobrang sensitive naman pala nito pag ina-allergy.

Pinagmasdan ko yung mukha nya habang wala syang malay.

Maganda sya. Medyo chubby yung pisngi nya pero bagay naman sa kanya. Weird. Chubby yung mukha nya pero mapayat naman sya. Kumakain pa ba yan? Ang gaan nya nung binuhat ko sya kanina eh… O baka naman malakas lang talaga ako?

Bigla namang dumating sina Erin at yung Manang nila. May kasunod silang isang doctor. Medyo pamilyar sakin yung mukha nya. Hmmm.

“Hijo, pwede ka ba muna dun sa labas? Maya-maya ay susunod din ako dun. Sasamahan ka muna ni Erin ha?” sabi sakin nung manang nila.

My ABCD Lovestory ---> ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon