Badtrip naman oh! Bakit ganun sya? She doesn’t seem smitten by my looks. Di kaya type nya yung baboy na yun? Di kaya tomboy sya? Di naman siguro, babaeng babae sya pumorma eh. Tss. Why am I even stressing out over her? Sino ba sya? Kahit Campus Goddess pa sya, wala syang karapatang tratuhin ako ng ganun.
“Pare! Bakit ganyan ang itsura mo? Baka habang buhay na yang kunot mo sa noo. Siguro iniisip mo pa rin yung chick kanina no? Takte pare, Campus Goddess yung kinalaban mo kanina!” Salamat Steven! Napakabuti mong kaibigan -_-
“Eh ano naman kung Campus Goddess sya? Bagay nga sa mukha nya, pero yung ugali nya, parang pang-Fury. Tsaka anong chick? Mas bagay ang inahin dun! Di matigil ang bibig kakaputak. Akala mo kung sino. Ano bang meron sa babaeng yun? Bakit sya tinawag na Campus Goddess?” sagot ko sa kanya.
“Sya lang naman po kasi si Ansherina Belle Claire Domingo, top model ng Philippines, anak ng may-ari ng second largest food company in the continent and in the world called the AbSyDy Food Co…” pagpapaliwanag ni Eric. PSH.
“Sus! Pumapangalawa lang naman pala sya sa sakin eh!” Ha! Kung maka-asta yung CG na yun, akala mo kung sino. PSH.
“…And the biggest clothing line in the world, EFG Clothing Co.”
“Eh biggest clothing line in the wor… WTF?! Sila pala ang may-ari nun?! Tsk. Kaya pala ganun sya. Di sya mapapagkatiwalaan.” Eric naman! Di ba pwedeng sinasabi mo na agad lahat? Pabitin ka pa.
“…At sya ang top 1 ng Senior Girls Section.” What the?! Sinabi nang lahatin na gad sa isang sabihan eh!
Nadisappoint ako sa mga narinig ko. Karibal ko pala talaga sya. Balak ko pa naman syang isama sa collection ko. Hey! Hindi ako kasing babaero ni Steven ah! Occasional lang ako. Mga every other month? Every two months? Ay ewan. Basta occasional lang. Simula nung… PSH.
Nakarating na kami sa room namin. Nagbabatuhan pa yung iba naming kaklase ng crumpled paper habang ang iba naman ay nag-jajamming. Magulo na naman ang classroom. Naupo na kaming tatlo sa mga assigned seats namin. Makikinig na lang sana ako sa iPod ko nang biglang pumasok ang teacher namin sa room.
“Guys, may iaannounce ako.”
Ano na naman kayang iaannonce nito? Nung huling beses na may inannounce to eh nagkagulo ang klase. May surprise quiz daw sa Algebra. Ayun, pasang awa lang ang karamihan. Buti na lang at henyo ako at marunong din kahit papano ang mga kaibigan ko.
Halatang kinabahan ngayon ang mga kaklase ko sa iaannounce ni Sr. Buti na lang at may mga utak din ang mga to kahit papano at natuto nap ala sa mga mali nila.
“Napagdesisyunan ng school na pagsamahin na sa klase ang mga babae at lalaki. Ibig sabihin, makakasama nyo na ang 1st section ng mga Senior Girls.”
Sa inannounce na to ni Sr. Gonzalvo, naghiyawan ang mga kaklase ko. Kasama na rin si Steven. Syempre, andun ata yung crush nya eh. Lahat naman ata ng babae eh crush nitong si Steven. -_-
“Habang hindi pa naayos ang mga class schedule nyo, pwede muna kayong magliwaliw sa araw na to pero walang aalis ng school. Mahalaga ang reputasyon ng school na to at kilala tayo sa hindi basta basta pag-cacut ng klase. Class dismissed.”
Matapos ang announcement na iyon, nagkagulo na naman sa klase. Nagkayayaan na kaming magbasketball.
“Mga tol, mauna na kayo. Kukunin ko muna ang jersey at sapatos ko sa locker ko.” sabi ko kina Steve at Eric.
“Ge pare.”
Kinuha ko na yung bag ko at dumerecho na sa lockers. Abnormal tong school na to eh. Kailangan ay samasama pa yung lockers sa isang room. Di na lang ilagay sa labas ng room namin para di hassle. Di ba? Tsk. Mga bobo.
Kinuha ko na yung mga gamit na kailangan ko at iniwan sa locker ang mga libro ko. Papunta na ko sa gym nang narinig ko ang boses nung kaibigan ni CG.
“BESSY! WAAA! EXCITED NA KO! Makakasama na natin ang boys! Makakasama natin ang P3!” Sabi nung saktong babae.
“Whoa there! P3 as in Panget 3?!?!?! THE PANGET 3?!?!?! WAAA! Bakit?! Bakit sila pa? Hindi. Hindi to pwede.” Sabi ni CG. Shit! Ang gan… PSH.
ANO? KAMI, PANGET? TSK. KAILANGAN NANG MAGSALAMIN NG CG NA TO. ANG GUGWAPO NGA NAMIN EH!
“Bessy naman eh. Ngayon ko lang makakasama si Steven bebelabs. Please naman. Pagbigyan mo na ko.” So crush pala ni sakto si Steve? Hm.
Natagalan bago sumagot si CG. Mukhang ayaw nya talaga kami makasama ah. Tsk. Anong klaseng babae ba to? Halos lahat ng babae sa school na to, magpapakamatay para lang makasama kaming tatlo.
“Oo na. Sige na sige na. Payag na. Basta naku, wag sana akong guluhin ng BP na yun! Sino kaya ang top 1 nila? Magaling kaya sya sa Physics? Waaa. Baka matalo nya ako Bessy!” Ang cute nya mag-whine at pout. Parang bata. :D
Mabait din naman pala tong CG na to eh pero sino si BP?
Ako kaya yun?
Pero bakit BP?
Baboy-Hater Prince ba dahil dun sa nangyari kanina?
Pero di ba dapat BHP yun? Baka naman Bwapong Prince?
Imposible naman kasi marunong naman sya ng alphabet di ba? Sya nga daw yung top 1 eh…
“Ano ka ba Bessy. Ang talitalino mo nga eh. Kaya mo yan! Ikaw pa! If only you won’t…” You won’t ano? Pabitin din tong sakto na to eh. -_-
So, threatened sya? Tsaka weakness nya ang Physics? Hm. Maganda to.
“Oo nga! Kaya ko to! AJA AJA AJA!” nire-assure ni CG ang sarili nya. Hm. May mabait na side din pala tong CG na to eh, d.
Nagdecide na kong sumingit sa usapan na nila. Gustong-gusto ko na asarin tong CG na to eh.
“Looks like someone’s excited about the merging of the sections! So Campus Goddess, ready ka na ba matalo?” HAHAHA! YUNG MUKHA NYA! ANG HITSU! >:D
Mukha namang nagulat sina CG and friend sa sinabi ko pero mabilis na nakarecover si CG.
“Ano bang pinagsasasabi mo jan ha, Beast Prince?! Kelan pa ko natalo?!” Nagtataka at medyo gulat nyang tanong.
So that’s what BP means! TSK. Beast Prince pala ha. Kung kanina, ang goal ko lang ay ang asarin ka, ngayon, matakot ka na CG.
“You’ll see. Matitikman mo ang bangis ng Ultimate Campus Prince na si Anthony Brent Cyrus Dominguez.”
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni CG. Mukhang nagtataka sya kung bakit ako ang Ultimate Campus Prince. You’ll see, my dear Campus Goddess.
“…Basketball MVP and Team Captain, Math and Science Wizard at Top 1 ng Senior Boys 1st section.”
Mukhang medyo kinakabahan na si CG. Aba, dapat lang. Last and definitely not the least…
“…Isama mo na rin na ako pa lang ang nakakakuha, in the history of our school, ng pinakamataas na grade sa Physics.”
Ngayon, sobrang shocked na talaga ni CG. Natakot na rin sya. Hoy! Hindi ako nagsisinungaling ha! Ako talaga ang nakakuha ng record na yun!
Matapos yun, binilisan ko na ang pag eskapo ko kasi baka di ko na mapigilan ang tawa ko. >:D
A/N:
Sorry for the typos, kung meron man. :)
May video na sya! :D Watch nyo ah. :)
COMMENT. VOTE. BECOME A FAN.
Sa YouTube naman, LIKE the vid, comment and subscribe. :)
Follow me:
Twitter: https://twitter.com/#!/TheOfficialPau
Tumblr: http://paugee18.tumblr.com/
BINABASA MO ANG
My ABCD Lovestory ---> ON HOLD
RomanceA game of love, fate and fight. Will ABCD lose the game, or will ABCD win?
