Chapter 9: A B _ D

177 4 0
                                    

Sorry for the typos! :) I'll edit this pa maybe tomorrow. :) I know na matagal akong nawala so please forgive me. :)

Sino kaya si Anthony? :)

_______________________________________________________________________________

Si Anthony…

Si AB…

My AB…

My Anthony Brent…

Ay mali.

Hindi ko pala sya AB…

Kasi EX ko sya…

Oo tama…

Ex ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Gwapo sya. Matalino. Mayaman. Pero mayabang.

Sa sobrang yabang nya, inassume nya na di ko kayang wala sya.

Gago ba?

Wala tayong magagawa. Ganyan sya eh. Hanggang ngayon, ganyan pa rin sya.

Mayabang pa rin. Tss. Nakakainit sya ng ulo at nakakataas ng BP.

Paano ko alam? Kasi magkaklase kami…

You wanna hear our story? Here it goes.

A year ago, there’s this guy na sobrang kulit at yabang. Nakakainis sya and his friends. Ay joke, mas nakakainis pala ang friends nya. Sya kasi yung taong makulit pero di masyadong maingay. Yung taong makulit pero seryoso mag-aral? Scholar nga sya ng school namin eh. Balita ko, salutatorian pa sya nung elementary.

Nung time na yun, depressed ako. Eh sino ba namang di madedepress eh nag-away kami nung friend ko dahil lang sa isang lalaki. Yun kasing lalaki, parang si Kit (PBB), ang landi kasi. The name of the girl was Elle. The malanding guy is Brian.

Nung 2nd yr hs ako, MU kami ni Brian. Sweet kami and all but there was never a commitment. Nung summer before I turned 3rd year, nanligaw sya pero nung pasukan na, nalintikan na.

Transferee nun si Elle. Grabe. Super ganda nya. Maganda. Maputi. Sexy. Matalino. Mabait. Naging interesado si Brian sa kanya. Ayun, ako, naichapwera. Hay. Ang saklap. Super heartbroken ako nun. Iniyakan ko silang dalawa. Kasi naman, they look perfect for each other.

So, naging sila.

Pero di naman ako nag-ala kontrabida.

Masaya ako para sa kanila…

Pero hindi ako masaya para sa sarili ko…

Naging friends kami ni Elle. Tinuring ko syang close friend. Walang halong ka-plastikan at ka-ipokritahan.

Hanggang sa dumating ang araw na nalaman ni Elle na nagkagusto, ay mali, minahal ko si Brian. Akala nya, I was trying to steal away Brian from her. Bigla na lang kaming nag-F.O. Ako naman, iyak na naman. Mahina ang puso ko sa ganyan eh.

Naisipan kong lumipat ng school. Mababaw na kung mababaw, anong magagawa ko? Ganto ako eh. Ayokong nawawalan ng kaibigan.

Dito pumasok si Anthony. Si Anthony na makulit at mayabang pero sweet din naman. Pinigilan nya ko lumipat ng school. Naging close kami at naging crush ko siya. Naging crush nya rin ako. Di kalaunan, minahal na namin ang isa’t isa. And we lived happily ever after.

I WISH.

Naging kami. Pero lihim lang. Kahit sina Erin at Bessy, hindi alam. Ok, masama na kong kaibigan, I know. Mahal ko sya eh. Mahal na mahal. May naging kami, tapos ayun, 4th year na. Excited na kong makasama si Anthony.

My ABCD Lovestory ---> ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon