Chapter 16

8 1 0
                                    

Habang kumakain ako mag isa dito sa cafeteria, may napapansin akong mga taong nag lalandian sa gilid ko.

Nakakaloka sila oh! May pag halik-halik pa sa gilid ng ulo. Tsk! fyi di rin kayo mag tatagal! Lamporeber! Hmp!

Gusto ko silang sigawan at sabihing "lovers, cafeteria to hindi motel" tsk! Jojologs nyo. Gusto niyo public pda.

BITTER!
"Bitter na kung bitter basta wala paring forever"

Aalis na nga lang ako dito sa loob ng cafeteria hahanapin ko ang prince charming ko!

Asus! Assuming na naman ako ahhaha! Oh pag bigyan niyo na minsan lang to! Ako naman ang bidang dyosa! Oha.. Minsan daw?! Lagi kaya.

Anyway, mag lalakad lakad muna ako sa buong campus hanggang sa makita ko si reid.. Kaya lang, baka masira ang skin ko kalerkii!

Napag isipan kong bumalik na lang sa next class ko para hintayin yung prof namin.

Habang nag lalakad ako papunta sa next class ko may narinig ako sa gilid malapit sa janitors room

"Ahh"

"Shh ang ingay mo"

"palabasin mo na kasi ako"

"teka, mag hintay ka muna. Baka may makarinig sayo"

"kasi naman bakit di mo na lang mag isang ginawa yan"

"pare parehas tayong mapapagalitan niyan kapag may nakarinig e, tsk ang daldal mo"

"tsk"

Dala ng kuryosidad tinignan ni heaven ang ingay na nanggagaling sa faculty room

"Anong ginagawa niyo diyan sa loob ng faculty room?"

"tsk ayan tuloy ang ingay mo kasi"

"ikaw kaya dito ang init e"

"A-ano may pinapagawa lang samin si Ms. Hera"

Dali dali namang umalis yung dalawang estudyante na may dala dalang papel

Umalis na rin si heaven at dumiretso na sa next class niya

*Disscuss*
*Disscuss*

UWIAN NA!

Ang huling kita ko kay reid ay kaninang umaga lang. Pero hanggang ngayon di na kami nagkita pang muli.

Malungkot ang mukha ng dalaga dahil sa hindi malamang kadahilanan

Nakauwi na siya ng bahay nila.
Walang ganang kumain ang dalaga kaya idinaan na lamang niya ito sa pagtulog. Hindi na siya umaasa.

THIRD PERSON POV

"Doc, tulong. Ang pasyente gumising na" Sabi ng nurse na di mag kaugaga dahil nagising na ang pasyente nila sa tinagal tagal na panahon

"Anong nangyari dito?" tanong ng doctor na kakagaling lang sa operasyon ng iba pang pasyente sa ospital

Tagaktak ang pawis sa kaniyang noo at di mahabol ang pag hinga sa sobrang pagod

"Akin na ang flashlight titignan ko kung okay na siya" sabi ng doctor at agad na kinuha ang flashlight

Di makapaniwala ang doctor sa pag gising ng pasyente. Agad na tinignan niya ang mata ng dalaga at tinutok ang flashlight. Mabilis na kinuha ang oxygen para makahinga ng maayos ang dalaga.

"Icheck ang vital signs niya" utos ng doctor sa nurse na kaharap niya.

Agad namang sinuri ng nurse ang vital signs ng dalaga

REPLY 2008Where stories live. Discover now