THIRD PERSON'S POV
"Tulong! Tulong po!" pag mamakaawa ko sa mga lalaking nakaharap sa akin
"shh.. Wag kang maingay" saway sakin ng isang lalaki na nakaupo malapit sa gawi ko
Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Ni hindi ko nga kilala ang mga asungot na ito sa harapan ko. Mga mukhang pinag kait ng itsura ang mukha nila... Nakakatakot. Parang nga tambay sa kanto na may masamang balak
"Pakawalan nyo ako dito! M-maawa na kayo" pag mamakaawa ko sa kanila.
Sobrang sakit na ng kamay ko dahil mag iilang oras na rin akong nakatali dito. Nagugutom na ako at napapagod na rin.
Hindi nila ako pinapakinggan samantala nag uusap lamang sila
"Pakawalan nyo na ako dito! Mga walang hiya kayo... Huhuhu *sob*
Di ko na talaga kaya gusto ko ng umuwi."Ano bayan! Ang ingay naman ng hayop na yan! Patahimikin nyo nga yan!" sabi nung isa namang lalaki na kanina lang ay nakahiga. Bigla siyang napabangon at nag salita sa akin
Hinawakan ako sa baba nung lalaki na naka bandana. Mukhang manyak si kuya huhuhuhu
"oh pano ba yan chicka babes tumahimik ka daw muna sabi ni boss.. Mamaya wag kang mag alala pwede ka ng mag ingay... Mag iingay ka dahil sa naabot mo na ang rurok ng langit.. Hahahah" pagkatapos niyang sabihin iyo nag si tawanan na rin ang iba nilang kasama
Mga 5 lalaki ang naririto at nag babantay sa akin
"Tingin mo pare mabango ang bulaklak niyan? Hahaha" sabi nung isang lalaking ugok
"Mga bastos! Pakawalan nyo ako dito!" nag mamakaawang sabi ko
"Wag nyong takutin yan baka mamaya umayaw yan habang gingalaw natin" kung kanina hawak niya ang baba ko ngayon naman hinahawakan niya na ang kanang braso ko, tila ba may masangsang balak ang hayop
"Siya pa bang aayaw e sa macho kong ito" sabi naman nung lalaking kanina panay ang birit sa akin sabay pakita ng muscles niya
"Abs ko pa lang baka mag laway na yang bata nyo" sabay pakita nya ng abs niya tsk abs daw baka tabs iww nakakasuka silang lahat
Gusto ko ng umalis dito bwisit ang babaho nila. Mga hayop may balak pa atang hawakan ako
"Loko ka pare anong abs ang pinag sasabi mo? Baka naman tabs yan hahah!" pagka sabi nun ni manong agad naman nag si tawanan ang iba pa nilang kasama maliban lang dun sa boss ata nila at yung natutulog. Makikita sa mukha nung lalaki ang pag kainis dahil inasar siya ng kasamahan niya. Lul totoo naman. May point si kuya.
Bigla niya na lamang tinutok ang baril sa lalaking ng asar sa kanya
Napakislap at napabalikwas ang kasamahan nila.
Wala paring reaction ang boss nila na tinitignan lang ang daloy ng pangyayari. Para silang mga bata kung mag away kaya nga lang ang sa kanila ay away panget hahaha putek nakuha ko pang mag biro ng ganito sa utak ko imbis na matakot. Sabagay, papaaliw na rin to para di nila mapansin na nangangatog na ako sa takot kailangan kong ipakita na malakas ako.
Makikita ang takot sa mukha nung lalaki na tinutukan ng baril. Pinag papawisan ang kaniyang ulo at nakikita ko bigla siyang napalunok. Hindi niya siguro inaasahan na ganun ang gagawin ng isa sa kasamahan niya.
"Ano papalag ka ba?" sabi niya naman habang nakatingin sa mata nung isa
"S-sige.... I-itutok mo..." nakuha niya pang mag salita e ilang segundo na lang naka latay niya siya diyan. Mauuna pa ata siya mamatay kesa sa akin.
Nakatutok ang baril sa ulo ng lalaki. Mahigpit na hinawakan ng lalaki baril na hawak niya at halatang nag hahanda sa pag putok nito. Siguradong hindi siya nag iisip ng tama dahil sa ngayon poot ng galit ang nakikita ko sa mukha niya. Hindi niya alintana ang ibang tao na nasa paligid nila.
1.......2......3.......4......5 boom..
B-I-N-G-O...
"Itigil nyo na iyan" seryosong pagkakasabi ng boss nila sa kanila, mahahalata mo ang utos at maton ng boses niya. Siguridad ang umiiral sa kanya, halatang sinasabi niya na itigil na nga nila iyon dahil kailangan nilang sundin.
Sabi na e 1-5 na bilang lang pala sila e.... di rin nila ipuputok iyon duh di nakatiis yung boss nila. Sino ba naman tanga na papatayin ang kasamahan nila duh e di parang nag patayan na rin kayo. Hitting two birds in one nest.
"Di yan makakatulong sa atin, tanggalin niyo iyang ugali nyong yan"
"okay po boss" sabi nung iilang kasamahan nila na nanunuod sa kanila kanina
Antaray parang may action scene lang ang peg nila hahaha idol ata nila si fpj e.
Anyway, binaba na ni kuya yung baril niya sa ulo nung lalaki at matalim na tinignan ito.
"Tara pare palamig ka muna ng ulo mo, inom tayo sagot ko"sabi ni koloko'y tsk nag papabango para kunwari kampi sila.
Sumunod naman si kuya at sabay na silang umalis para kumuha ng beer dun sa ref. Tsk sige lang mag lasing kayo para maka alis na ako dito.
"Whoooh ah! Ang sarap nito grabe" sabi niya sabay tungga ng alak.
"Nakakatanggal ng pagod" komento naman nung isa
Nga pala yung boss nila umalis na ewan ko lang kung saan napadpad yun basta may tumawag sa kaniya at ayun nag laho bigla
"Mga pare mag si palamigan muna kayo ng ulo di nakakapogi yan" sabi niya ulit sabay with pag tapik tapik sa mga braso nilang dalawa.
"oh eto inom muna kayo" iniabot niya ang dalawang bote ng alak sa dalawa. Agad naman itong binuksan nung dalawa at isinalin sa kani kanilang baso para inumin
"Cheers!" sabay sabay silang nag taas ng baso nila at tinunga ito
"ah!" sabay sabay nilang sabi pagkatapos malagok ang baso ng alak na hawak nila.
Habang umiinom sila tinataggal ko ang pag kakatali sa aking kamay. Hays ang sakit na ng kamay ko nakakailang subok pa lang ako na tanggalin ito mahirap talaga.
Tungga! Tungga! Baba! Salin! Cheers! Tungga! Baba! Salin! Tungga!
Paulit ulit na tungga ang ginawa nila. Nag kunwari akong nag tutulog tulugan para di nilang mahalata na tinatanggal ko ito. Konting pihit na lang makakalaya na rin ako dito.
Nakakailang tungga na rin sila at panigurado akong di na nila kakayanin pa yan.Sige lagok lang ng lagok wag kayong mahiya ahhaha!
Makalipas ang ilang minuto at nag si gewang gewang na ang kanilang mga katawan. Yung dalawa mag kayakapan. Yung isa naman nasa lapag na. At yung isang natitira hawak ang alak niya at nakalagay ito sa kanyang ulo habang naka upo sa sahig.
Mukha naman bantay sarado na silang lahat at tulog naman ang isa so pwede na akong makatakas nito. Dali dali kong tinanggal ang pag kakatali sa aking kamay at di nga ako nag kamali dahil na tanggal ko ito agad at ta-da! Makaka takas na rin ako sa wakas!
"whoohh" pumipito pa ako habang nag lalakad. Tsk kawawang mga bata. Hahaha sabi ko sa loob loob na aking isipan.
Lakad! Lakad! Lakad! Lakad pa more ang ginawa ko kahit na gabing gabi na at walang ni isang tao ang naririto. Sobrang dilim ng paligid napaka tahimik at nakakatakot. Para na akong si dora sa kakalad. I am very thirsty and tired.
YOU ARE READING
REPLY 2008
ספרות חובביםPAANO KUNG MERON KA LANG ISANG LINGGO PARA MAIPAKITA AT MAIPARAMDAM MO ANG PAG MAMAHAL MO SA TAONG GUSTO MO? WILL 1 WEEK IS ENOUGH? SO LET'S REPLY 2008....