Simula
"Lil sis! Gising! Gising! "
Napatalukbong ako sa kumot ng marinig ko ang pagkatok ng kuya ko. tinakpan ko ang aking tenga para hindi marinig ang nakakairitang boses ni kuya pero sadyang walang epekto ito dahil nakalunok yata si kuya ng mega phone.
"Mag-eenrol kana! You need to wake up! " now! si kuya Jacob naman ang kumakatok.
"Athyla cassidelle Granger! open the door! "
Agad akong bumangon dahil narinig ko na ang nakakatakot na boses ni kuya Max. hinanap ko agad ang tsinelas ko tapos kinusot ang mga mata ko. Kinakabahan na rin ako dahil tinawag na ako ni kuya Max sa buong pangalan ko alam kung naiinis na siya. lagi na lang kasing ganito ang nangyayari tuwing umaga hirap silang gisingin ako dahil tulog mantika ako. Eh kasi naman nakakabitin yung bakasyon.
Agad kung binuksan yung pinto at sinalubong agad ako ng mga bad trip na mukha nila kuya.
Nakatayo si Kuya Max nakapamulsa pa siya tapos ang sama ng tingin saakin. Si kuya Jacob naman humihikab pa siya tapos naka-upo sa sahig. Si kuya Justine nakasandal sa pader malapit sa pinto ko at nagkakamot at lahat sila shirtless
Napalunok na lang ako. kahit kailan nakakatakot ang mga kuya ko. Nakakainis nga dahil bakit ang susuplado ng mga kuya ko lalo na saakin?.
"Tss. buti naman gising ka na " sabay pitik ni kuya Max sa noo ko tapos bumaba na.
Sumunod si Kuya Jacob kay kuya Max tapos inakbayan ako ni Kuya Justine tapos sabay kaming bumaba para pumunta ng kusina at mag almusal na.
Ngayon kasi ang enrollment ko at sasamahan ako ng tatlong suplado kung kuya. Ang sarap tuloy magwala bakit ang bilis ng araw? kaka graduate ko lang ng grade 6 nung March tapos ngayon naman mag-eenroll ako dahil malapit na ang pasukan ng high school. Bakit? ayaw ko pa gusto ko pang magbakasyon nakakaiyak.
" Good morning Athyla " bati saakin ni mama pagka-upo ko. may hawak pa siyang sandok tapos naka suot pa siya ng apron.
"Good morning din ma " sabi ko sabay inom ng gatas.
" lil sis ready ka na ba sa high school life? " napatingin ako kay kuya max na katabi ko ngayon. Sa totoo lang hindi ako excited lutang pa ako ngayon eh gusto ko pang magbakasyon. Gusto ko pang mag surf. Mag skate. mamasyal. Mag swimming. Argg! Alam niyo yun nakakabitin?.
Sumimangot na lang ako kaya tinawanan na lang ako ng mga kuya ko. bakit ang bully nila? bakit kasi wala dito si Chesca eh nasa kasarapan pa siya ng pagbabakasyon ngayon. Argg! Nakakainis naman talaga nakakaingit. Ayaw ko pa talaga ang pumasok nakakaiyak talaga.
" oh? Lil sis bakit hindi ka pa kumakain? " sabi ni kuya Justine sabay halakhak. Alam niya kasi na ayaw ko pang pumasok next week na kasi ang pasukan late na nga ako sa enrollment eh.
" Athyla, bakit nakasimangot ka?" tanong ni mama sabay upo sa tabi ni kuya Jacob na nasa harap ko. Nagsitawanan na naman ang mga kuya ko. Umirap na lang ako sa kawalan.
" eh kasi ma ayaw niya pang mag enrolled " singit ni kuya Jacob
"Bitin daw yung bakasyon" si kuya Justine naman ngayon
"Tamad talaga! " si kuya Max sabay tawa pati si mama nakitawa na rin . Sige pagtulungan niyo pa ako. Psh!.
Pagkatapos naming kumain ay agad na akong pumunta sa kwarto ko at tamad na ginawa ang morning routine ko. Pagkababa ko naabutan ko na sila kuya na nagtatawanan sa labas ng kotse. Pinapaikot pa ni kuya Max sa kanyang daliri ang susi. Siya ang magmamaneho dahil siya ang pinakamatanda at siya lang din ang pinapayagan ni papa na magmaneho dahil siya ang bihasa hindi katulad ng dalawang kuya ko na ilang kotse na ang nawasak dahil sa kapabayaan .
BINABASA MO ANG
In the name of love
Teen FictionHis love belongs to a person whose heart belongs to another. It hurts when he risk his heart and it ends up of getting broken, but what hurts more is when he still holding on when he already know he's waiting for nothing. He's selfish. He wants to t...