Chapter 21: Selfish

230 6 0
                                    

"Preparing for making out, Justine? "

"How did  you know? "

"You're too obvious. Brushing your teeth ng sobrang tagal. Kulang na lang paduguin mo iyang bagang mo! "

"Tss. Just shut up! "

I just rolled my eyes. Tinakpan ko ang tenga ko para hindi ko marinig ang usapan nila kuya Justine and Jacob pero sadyang nakalunok sila ng ilang libong microphone kaya nakakalusot parin at naririnig ko parin ang usapan nila. Ugh! Bakit ba hindi sila sinasaway ni papa at mama?. Naririnig naman ni mama ang usapan nila dahil magkatabi lang sila ni kuya justine na nagsisepilyo  sa sink samantalang nagluluto si mama. Si papa parang may pinag-aaralan na kaso, nakaupo siya sa mesa at hindi man lang siya naiirita sa kaingayan nila kuya.

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Gulong- gulo pa ako sa mga kaganapan sa buhay ko tapos ganito pa ang nangyayari sa bahay. Pinalakasan ko ang volume ng TV para hindi ko marinig ang usapan nila kuya pero shit! lang tumabi pa sila saakin sa sofa at malakas na nagtawanan. Wala ba silang pasok? Kung maaga lang sana ang pasok ko ngayon nagpaparty na sana ako sa University. Pero magtitiis pa ako ng ilang oras hanggang sa mag 5pm.

"Oi lil sis! " kinalabit ako ni kuya Justine. Hindi ko siya pinansin. Inakbayan ako ni kuya Jacob. Nasa gitna nila ako. Ginulo nila ang buhok ko pero nanatili ang tingin ko sa TV.

"Okay na ba ang pasa mo? " sumandal ako sa sofa. I let out a deep breath. You heard it right! nagkaroon ako ng pasa. Muntik na ngang maging black eye kung nagkataon na sa mata ko tumama ang kamao ni Jason.

Balita ko naireport na ang mga gagaong 'yon kahapon. And knowing my brothers alam kung nakaganti na sila bago pa sila maipareport sa school. Late sila pagdating saakin pero pagdating sa away mas mabilis pa sila sa alas kwatro.

"Sorry hindi  ka namin na iligtas lil sis " ani kuya Justine using his pabebe tone. Para saakin he sounds like a gay but for his girls it's sound cool because it's like he's concerned to you when he use his 'pabebe' tone.

"It's okay kuya jus! " niyakap ako nila kuya. Ngumiti na lang ako , kahit na ganito ang mga kuya ko hindi ko talaga kaya silang tiisin.

"Tsk. Makakatikim talaga sila saakin! " pagmamayabang ni kuya Justine. Pinakita niya pa ang muscle niya sa braso yung katulad ni Johnny bravo. psh! yabang.

Akmang hahawakan ni kuya Jacob ang mukha ko ng tabigin ko ang kamay niya. Nakakahiyang sabihin pero tinadtad ito ng halik ni Laice kahapon. He's kisses cure the pain. I don't know but for me it's effective.

I can be your hero, baby and I can take away the pain

Damn his words!. hindi ko nga namalayan na nakauwi na pala kami kagabi dahil sa sobrang tulala, na kahit sa panaginip ko ay hindi siya nawala. Seriously? Ganito ba ang epekto niya saakin? na kahit ang tama ko kay Jaice ay halos hindi ko na maramdaman dahil kay Laice?. hindi parin naman nawawala ang nararamdaman ko kay Jaice andoon parin ang kilig at saya everytime I see him but sometimes, kinukompara ko na siya kay Laice. I know it's unfair dahil alam kung lamang si Laice dahil kilalang kilala ko na siya.

Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa  sobrang daming tanong na umiikot sa utak ko.

Mas lalo pa akong naguguluhan kapag nakikita ko si Jaice na para bang may gusto siyang aminin pero sa tuwing nakikita niya ako ay nabubuhol ang dila niya. Hindi ako gano'n ka manhid para hindi maramdaman na may kakaiba sa kanya. He's being sweet to me. Parang bang sa isang iglap nag- iba ang pagtrato niya. Like, hindi niya ako pinapansin noon pero ngayon close na kami.

And I can feel that he's hiding something. Alam kung likas siyang tahimik pero kung magsalita siya napakalimatado. Yung parang natatakot na may masabing Mali lalon't kung si Laice ang topic namin.

In the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon