Chapter 4: Invitation

281 10 0
                                    

Hi guys! welcome to my second story :) para po sa  mga nagtatanong kung paano bigkasin ang name ni Laice at Jace madali lang po siya hahaha!!.  Laice  pronounced as  'lake '  kay Jaice naman po ay ' JC ' Alam kung boring at medyo magulo pero sana pagtyagaan niyo itong basahin. haha! Love you guys :).

********

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Para sa iba isa lang itong ordinaryong araw pero para saakin isa itong himala dahil for the first time in forever ay nagising ako ng maaga.

Tumayo ako at naglakad na hinihimas ang ulo ko papunta ng banyo. Pakiramdam ko dinaganan ang ulo ko ng isang sakong bigas dahil sa sobrang sakit. 

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at halos mapatili ako dahil sa takot ko sa sarili ko. Magulo yung buhok ko tapos namumula yung mata ko at namamaga yung tipong para akong adik tapos kaunting ngisay ngisay move lang ay para na akong Zombie.

Agad kung inayos yung sarili ko tapos pinunasan yung mukha ko. Nagtaka na naman ako kasi yung towel ko basa tapos amoy na amoy ko pa yung sabon  . Naisip ko naman bigla si Laice siya lang kasi ang kilala ko na gustong gusto yung amoy ng sabon at pabango ko ,minsan naiisip ko kung bakla ba siya o sadyang kuripot lang siya dahil pabango lang hindi pa siya makabili.

Lumabas agad ako ng kwarto ko. sa hagdan pa lang ay amoy na amoy ko na yung niluluto ni mama tapos syempre hindi mawawala yung ingay nila kuya. Naka -upo sila sa sofa at halos magsuntukan na dahil nag-aagawan sila sa remote tapos si Chesca naman ay dinig na dining ko mula sa kwarto niya yung tugtugan niya na hindi ko maintindihan. Yung puro

Shingshang shuhu shiib chu ah saranghoo tae amo chuchu kwulya.

 

Napakamot na lang ako sa ulo ko 5am pa lang pero ganito na kaingay sa bahay . Kapag ganito lagi ay tiyak na hindi ka maboboryo sa bahay , kanila kuya pa lang ay sasaya ka na.

Natigil lang sila kuya sa pagtatalo ng makita nila ako. Para silang nakakita ng multo dahil ang lalaki ng mga mata nila.

"Lil sis? " panimula ni Kuya Jacob.

" may sakit ka ba? " ani kuya Max. nakatakip pa yung mga palad niya sa bibig para mas gumanda yung arte niya.

" Nananaginip yata tayo Kuya " kinukusot kusot pa ni kuya Justine yung mata niya.

Mga abnormal talaga. hindi ko alam kung saan ako nagmana dahil lahat ng mga kapatid ko mga abnormal lalo na ang mga kuya ko na akala mo ay laging nakasinghot.

Umupo ako sa tabi ni kuya Max tapos sinandal ko naman yung ulo ko sa balikat ni Kuya Justine.

" Mga kuya hindi po kayo nanaginip! Ang OA niyo! " sabi ko sabay kuha ng remote para ilipat yung palabas . Nanonood kasi sila ng cartoons mygulay!.

Tumawa sila kuya sabay sabing

"Good morning! " tapos nagtawanan ulit sila. Nakita ko naman si mama na papunta saamin siguro na-ingayan sa mga kuya ko.

"Good morning ma! " sabay sabay na bati namin kay mama na naka apron pa tapos may hawak na sandok. Katulad nila kuya nagulat din si mama

"Oh? Athyla ang aga mo yata nagising? " natatawang sabi ni mama tapos bigla pang kumunot yung noo niya " umiyak ka ba? Bakit namamaga ang mata mo? " nagsitinginan agad sila kuya saakin. Oo nga pala nakalimutan ko na namamaga pala yung mga mata ko.

"Ahh... Wala po 'to ma "  I lied. tumaas yung isang kilay ni mama. Ito na nga ba sinasabi ko eh.

" are you sure? "  tumango na lang ako tapos bumalik na si mama sa kusina.

In the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon