Chapter 23: " I'm here "

213 7 0
                                    


(Now Playing: I miss you by: Beige) *pakinggan niyo po*


Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Ilang araw ng masakit ang pakiramdam ko at ilang araw na rin akong ganito pero sariwa parin saakin ang nangyari at nalaman ko noong mga nakaraang araw. I was still drunk about what happened. hindi ko na alam ang gagawin ko at ang hirap tanggapin ng lahat.

Tumayo ako para mag-ayos. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at parang pinokpok ng martilyo ang ulo ko sa sobrang sakit. Pero para saakin wala pa ito sa sakit na naramdaman ng dalawang taong mahalaga saakin.

Ilang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko kahit kaunti walang nabawas sa bigat na naramdaman ko. Gusto kung pumasok sa University pero hindi ko kaya dahil may sakit ako at hindi pa ako handang makita si Laice at Jaice....

Papasok na sana ako sa banyo ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang mga kapatid ko. They're look worried. Lagi naman kapag may nangyayaring hindi maganda sa buhay ko. Umupo sila kuya Justine , Jacob and Chesca sa kama ko habang malalim na nakatitig saakin.

Alam nila ang lahat..... Matagal na nilang alam ang tungkol sa nararamdaman ni Laice at Jaice para saakin even the deal.. Alam nila. Ako?... Parang tangang walang kaalam-alam sa lahat. Pero hindi ako galit sa kanila I understand na hindi sila ang dapat magsabi saakin ng lahat kaya hindi ko rin sila masisisi na tinago nila at pinabayaan na lang na walang akong alam.

Lumapit si Kuya Max saakin tapos niyakap ako. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Sobrang sakit na kasi at parang umiikot ang paningin ko sa sobrang bigat.

Laking pasasalamat ko ng makita ako ng mga kapatid ko sa labas na nakaluhod at basang-basa ng ulan. Wala akong pakielam sa pwedeng mangyari saakin noong gabing 'yon. I just want to stay there and wait Laice to come back.

Kinabukasan ay sobrang taas ng lagnat ko. Inaasahan ko na 'yon dahil ilang oras akong babad at basang-basa ng ulan. Ilang araw akong hindi nakapasok . Alam nila mama at papa ang nangyari at maniwala kayo sa hindi kahit sila ramdam ang pagtingin saakin ni Laice at Jaice.

Gano'n na siguro ako ka manhid para hindi 'yon maramdaman. Sobrang nakakainis dahil lumalabas na wala akong pakielam.

Hinawakan ni kuya Max ang noo ko checking if I'm okay.

"Ate, are you okay now? " chesca asked me. Gusto ko sanang matuwa dahil ang amo niya ngayon at hindi nagsusungit. Pero hindi ko kayang maging masaya knowing na may nasasaktan ako hanggang ngayon.

I nodded. Kailang ko ng pumasok dahil pakiramdam ko ay babagsak na ako.

"Are you sure ? " si kuya Jacob naman ang nagtanong. Naka-upo siya sa kama ko at malungkot akong tinitigan. Para siyang nagdadalamhati dahil ang lungkot niyang tumingin.

Ngumiti lang ako tapos naglakad papunta sa kama ko at umupo sa pagitan ni kuya Jacob at Justine. They hugged me. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Im still lucky because I have them.

"You're still sick lil sis " sabi ni kuya Max na nakapamulsang nakatayo sa harap ko. Naka boxer at shirtless ang tatlo kung kuya as usual.

Bumuntong hininga ako. Alam kung hindi pa ako okay dahil masakit parin ang ulo ko pero kailangan ko na talagang pumasok baka makatanggap na ako ng sinko dahil madalas din akong mag ditch ng klase at hindi naman ako kasing talino ng mga kapatid ko.

"I'm fine kuya so stop w---"

Kuya Jacob cut me off

"You can't blame us "

Tumango ako. aalis na sana ako ng maramdaman ang mga yakap nila. Ngumiti ako ulit dahil ibig sabihin  ay pumapayag na sila na pumasok ako.

'Tss.... Fine! " natawa ako ng magsalita si kuya Justine tapos biglang tumayo. Mukha kasi siyang napipilitan lang pero hinayaan ko na lang siya dahil alam kung hindi siya makakapalag kay kuya Max.

In the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon