Sumasakit na ang paa ko kaka-ikot dito sa mall. Ang bilis ng araw at mamayang gabi na ang birthday ni Jaice pero hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na magandang iregalo sa kanya.
"Alin kaya dito? " tanong ko sa sarili ko habang hawak yung tatlong T-shirts. para saakin maganda ito pero hindi ko alam kung magugustuhan ba 'to ni Jaice. ibinalik ko ito para kumuha ng bago. hindi ko talaga alam kung ano ang bibilhin ko tinanong ko na sila kuya pero wala din akong nakuhang magandang sagot tapos si Laice naman hindi ko alam kung galit ba o nagtatampo saakin kasi hindi ako makakapunta sa birthday niya.
Bakit ba kasi sabay sila? At bakit ko ba kasi kinalimutan ang birthday niya? Ugh!.
"Mas maganda 'yan" napalingon ako sa likod para makita kung sino yung nagsalita. Naka uniform siya tapos hanggang balikat ang buhok at sa palagay ko ay kasing edad ko lang.
"Mas maganda 'yan " ulit niya ng mapansing nakatitig lang ako sa kanya.
"Ito? " sabay taas ko sa color blue na T-shirt.
"Oo" nginitian ko lang sabay balik sa ibang damit na napili ko. Mukhang mas maganda nga ito kailangan ko na lang pumili ng size dito.
Pero bigla kung naalala, ano nga bang size ni Jaice? Anong favorite color niya? Ano nga bang gusto niya? Ugh! Hindi ko alam! wala akong alam!.
Kung kasama ko lang ngayon si Laice baka hindi ako nahihirapan ng ganito. Kung siya ang reregaluhan ko siguro hindi ako mahihirapan ng ganito. Bakit ko ba 'yon inaalala eh ang sama naman nun galit yun saakin kasi si Jaice daw ang pipiliin ko. syempre ito ang unang beses na inimbitahan ako ni Jaice sa birthday niya papalagpasin ko pa ba?
Binayaran ko na lang yung T-shirt tapos umalis na ako. Kailangan ko pang mag-ayos dahil ilang oras na lang ay susunduin na ako ni Andrei para sabay na kaming pupunta sa mansion ni Jaice.
Pagkarating ko sa bahay ay naabutan kung tahimik at payapa ang paligid. Wala ang mga kotse ng mga kuya ko kaya sa malamang sa malamang ay umalis sila. Wala din si mama at papa pati na rin si chesca.
Ako na lang mag-isa!
Sighed!
Umakyat agad ako tapos pumasok sa kwarto ko. Pamiramdam ko may date ako kasi kinakabahan ako at hindi mapakali kung ano ang susuutin ko. pero ang totoo pupunta lang naman ako sa isang birthday.
Sa birthday ng isang Jaice Dela vera !.
Bago ako mag-ayos ay kinuha ko muna ang phone ko para tawagan si Laice. Hindi naman niya ako pinipilit na pumunta ako, kahit na nagtatampo siya eh payag naman siya na pumunta ako sa birthday ni Jaice kaso naiinis ako sa sarili ko kasi minsan na nga lang dito mag birthday si Laice ay hindi pa ako makakapunta. Umuuwi kasi siya sa New York para makasama ang daddy at kapatid niya sa kaarawan niya.
At sa sobrang tanga ko ngayon ko lang napansin na sabay nga pala ang birthday nila. sa sobrang pag-iisip ko kay Jaice ay hindi ko na napansin si Laice. Tapos ngayon lang ako nagkaganito dahil kay Laice. dati wala naman akong paki kapag galit siya, masaya pa nga ako kasi walang epal akong makikita pero ngayon iba eh ang weird yung tipong gusto ko siya puntahan at yakapin na lang?
Ang weird!.
Pagkatapos kung mag-ayos ay bumaba na ako para duon na lang hintayin si Andrei. sa sobrang excited ko ay meron pang isang oras bago ang oras na pinag-usapan namin ni Andrei
kaya ito muna ako tinatawagan sila kuya at Laice na kanina pa hindi sumasagot. sigurado kasi ako na magkakasama sila.
Argg! kahit na excited ako na makita si Jaice eh hindi pa rin ako mapakali kakaisip kay Laice. Ano kayang ginagawa nun at nasaan siya?gusto ko pumunta sa bahay niya pero gusto ko rin pumunta sa birthday ni Jaice. matagal ko ng hinihintay na maimbitahan ako ni Jaice high school pa lang kaya ganito ako kasaya kasi kahit na hindi niya ako gusto ay naimbitahan niya ako.
BINABASA MO ANG
In the name of love
Подростковая литератураHis love belongs to a person whose heart belongs to another. It hurts when he risk his heart and it ends up of getting broken, but what hurts more is when he still holding on when he already know he's waiting for nothing. He's selfish. He wants to t...