Chapter 1: Blind

998 16 2
                                    

"BULAG!"

Sigaw ng mga bata sa akin. Simula bata pa kasi ako bulag na ako sabi ng doctor makakakita na lang ako kung may magdodonate ng mata sa akin. Almost 20 years na ang nakakalipas wala pa ring nagdodonate. Ako nga pala si Abby 20 years old, 20 years na ring bulag, nananabik na nasa kahit konting liwanag lang ay makakita ako. Buti na lang nandito lagi si Ashton ang kaibigan ko mula pagkabata. Siya ang nagsilbi kong mata, tinuro niya sa akin kung paano kaliwanag ang ulap, kung gaano kakulay ang rainbow, kung gaano kaningning ang mga bituin at kung gaano kaganda ang mga bulaklak. Masaya ako kapag kasama ko siya kasi kahit wala akong mga mata naipapaimagine niya naman sa akin ang mga bagay na hindi ko nakikita.

"Beep! Beep!" Tunog ng sasakyan niya.

"Ma alis na po ako!" 

"Tara na?" Sabi niya, sabay binuksan ang pinto ng sasakyan. Hatid sundo niya rin ako sa simbahan kung saan ako kumakanta at nagpiapiano(O diba? Ang galing ko! Kahit bulag nakakatugtog ng piano.) Papayungan niya rin ako sa mga oras na umuulan.

Habang hinihintay ko siya biglang umulan.......

Gustong gusto ko ang patak ng ulan........ Parang ang sarap pakinggan........

Dinama ko ang patak ng ulan sa mga kamay ko......... Nang biglang dumating si Ashton at pinayungan ako.

"Anong ginagawa mo?" Sabi niya sa akin.

"Ashton, parang ang saya saya ko kapag umuulan."

"Bakit naman?"

"Kasi ang sarap niyang pakinggan eh! :)"

"Ikaw talaga! Tara na nga, baka magkasakit ka pa niyan."

Biglang tumunod ang cellphone ko(Ginagamit ko lang ang phone kapag tumatawag si mama). Nang sinagot ko biglang binalita ni mama sa akin na may doner na daw ako.

"Abby anong sabi ng mama mo?"

"Ash............."

"Ha? May problema ba?"

Niyakap ko siya sa sobrang saya ko, naiyak na rin ako dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"May doner na daw ako Ashton! :)"

"Masaya ako para sayo."

"After 2 weeks daw bago ako maooperahan."

Bago ako operahan......... Tinuro ni Ashton lahat ng mga bagay na dapat kong matutunan at dapat gawin.

"Kapag sa oras na makakita ka na, sana hindi mo ako malilimutan."

Blind(5 Seconds of Summer FanFic)(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon