Chapter 11: F.Operation

171 8 1
                                    

Tumira na lang si Luke sa Pilipinas para na rin samahan si Ashton. Bumalik na ang papa nila sa Australia dahil sa mga naiwan nitong trabaho.

Kailangan na ring magpahinga at magpalakas ni Ashton dahil ooperahan na siya after two days.

"Abby, sana maging successful ang operation ni kuya no?" Bilang banggit ni Luke sa akin habang naghahain kami ng pagkain.

"Oo nga. Kaya niya yan, ako nga nakayanan ko siya pa? :)"

"Sana ako na lang ang minahal mo."

Ha? Bakit niya nasabi yon? Akala ko ba ok na? Bakit biglang pumasok na namn sa utak ni Luke un?

"Ha?" patay malisya na walang narinig.

"Abby gusto ko malaman mo mahal pa rin kita."

"Luke tama na! Napag-usapan na natin to di ba?"

"Akala mo ba ok lang? Akala mo ba ayos lang sa akin na iwan mo lang ako? Abby sobrang sakit, kasi alam ko na minahal mo din ako pero bakit mas pinili mo si kuya? Hindi ka ba nahihirapan sa kanya? Abby si mama nga napagod sa kanya ikaw pa kaya?"

"First of all Luke hinding hindi ako mapapagod sa kanya. Alam mo kung bakit? Kasi siya ang dahilan bakit ako nakakakita, at siya din ang dahilan bakit masaya ako ngayon kaya wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan. Ikaw ba anong nagawa mo? Wala namn diba?"

Umalis ako dahil ayokong mapalala pa ang away naming dalawa. Nakita ko si Ashton na nakaupo sa sala na nakikinig sa amin.

"Baby gusto mo na bang kumain? Sandali kukuha lang kita."

Bilga niyang hinila ang kamay ko na tila pinigilan niya ako kaya umupo na ako.

"Baby, two days na lang makakakita na ako. Masaya ka ba?"

"Oo naman, sobra sympre makakakita ka na ulit. :)"

"Pero pano kapag hindi successful?"

"Ano ba Ash? Magiging successful yan."

Blind(5 Seconds of Summer FanFic)(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon