Anim na buwan na rin ang nakakalipas, Ok na rin ang akong mga mata. Madami na rin akong natutunan.
Dumating dun sa point na laging nag-aaway sila mama at papa.
Isang araw narinig ko silang nag-uusap.
"Mas mabuting na lang muna siguro na magdivorce na tayo."
Ha? Nakikipagdivorce si mama kay papa? Patuloy pa akong nakinig baka kasi mali lang ang pagkarinig ko.
"Siguro nga, para sa atin din ito. Para magkaroon tayo ng oras sa sarili natin."
Anooooooooooooo??????? Si papa pumayag? Hindi ba nila ako inisip? Wala pa ngang isang taon akong nakakakita tapos magdidivorce pa sila?
Lumabas ako sa kwarto ko at pinuntahan sila mama.
"Ma? Pa? Anong ibig sabihin nito? Balak niyong magdivorce?"
"Abby, sana maintindihan mo kami ng papa mo. Lagi na lang kaming nag-aaway, mag-iisip-isip muna kami."
"At paano ako ma, pa?" Pasigaw kong sabi kay mama habang umiiyak. "Hindi niyo naman ata ako minamahal eh kasi sarili niyo lang iniisip niyo, tingin niyo anong mangyayare sa akin? Nag-aadjust pa ako."
"Anak naalala mo pa ba ang sinabe ko sayo na walang permanente sa mundong ito"
"Pero kaya nitong manatili kung aalagaan mo Ma!"
Nagkulong ako sa kwarto at umiyak ng umiyak, kinatok ako ni papa at pinaalalahanan na delikado sa mata ko ang pag-iyak. Pero wala akong pake kahit mabulag pa ako ulit ok lang sa akin dahil mas ramdam ko ang presence ng mga mahal ko sa buhay. Dahil ngayon nakakakita na ako parang unti unti akong iniiwan ng mga mahal ko sa buhay.
Dalawang araw na nakakalipas pero hindi ko pa rin kinakausap sila mama at papa.
Summer Vication nun at niyaya ako ng mga pinsan ko na si Anne at Julia sa Sydney, Australia. Nung una parang ayoko eh kasi naman Pilipinas papuntang Australia? Eh first time kong sumakay ng eroplano tapos malayo agad? Hindi ba pwedeng Cebu muna? Okaya Boracay. Hayyyy pero pumayag na rin ako dahil gusto ko rin sumakay ng eroplano. Nang mga oras na un ay gusto ko din lumayo kay mama at papa dahil sa desisyon nila na magdivorce masakit para sa akin yun dahil wala pang isang taon akong nakakakita tapos ganto pa?
Habang nagiimpake ako dinala ko ang isa kong pciture frame. Hindi ko ba alam at bakit biglang pumasok sa isip ko at dalhin ko ito. Siguro dahil napakaimportante nun dahil alam ko na nung mga oras na iyon kasama ko si Ashton. Si Ahton na naman? Kailan pa ba nawala sa isip ko si Ashton?
"Abby! Magdala ka ng maraming damit! Dun mun tayo kay mama meron kasing isang bahay dun sila mama solo natin un" Sabik na sabik na sinabi sa akin ni Anne.
"Gaano naman tayo katagal dun?" Sabi ni Julia
"Eh syempre hanggang sa maging ok si Abby."
Nang nakarating kami sa airport, nakakita ako ng picture ng beach ng Australia. Biglang pumasok sa isip ko si Ashton ganitong ganito ang pinaimagine niya sa akin na lugar. Crystal clear na dagat, napakaliwanag na ulap, napakaputing buhangin. Kung sanang kasama ko lang siyang pupuntang Australia. Kung sanang makikita niya ako kung gaano lang ako kasaya dahil nakakakita na ako. Ni picture man lang niya wala ako. Ang alam ko lang sa kanya ay ang malambot niyang kulot na buhok. Nasaan na kaya siya?
"Abby, tara na sasakay na tayo ng eroplano!"
"Osige pupunta na ako!"
Habang nakasakay kami sa eroplano sila Anne at Julia ay sabik na sabik habang ako naman ay tulala.
"Hoy! Akala ko ba gusto mong sumakay ng eroplano bakit tulala ka diyan?" Sabi ni Julia na sabay akong ginulat.
"Ha? wala may iniisip lang ako."
"Abby, kung yung mama at papa mo hayaan mo muna silang magisip-isip sigurado naman na hindi ka matitiis ng mga yun ee. Oh kumain ka muna." Sabi naman ni Anne sabay bigay sa akin ng biscuit.
Kung ganun lang kasing kadaling ipaintindi sa inyo kung ano ang nararamdaman ko. Mainlove sa isang lalaking parang bula na biglang nawala ni hindi ko man alam ang mukha niya. Bakit ba ganto? Ang hirap naman, sana bulag na lang ako forever para hanggang ngayon nandito pa rin siya sa tabi ko.
Sandali lang? Kilala nila Abby at Julia si Ashton, baka sakaling may picture sila nito.
"Julia? May picture ka ba ni Ashton?" Tinanong ko agad si Julia at nagbakasakali.
"Wala eh, hindi naman kasi kami masyadong nag-uusap nun, oo kilala ko siya pero yung huling beses na nakita ko yun nung huling beses na pumunta kami sa inyo."
Ha? Ano? eee halos sampung taon na din ang nakakalipas malamang iba na mukha nun. Hay..... wala na bang chance na makita ko mukha niya, basta kasi naman ang tanging alam ko sa kanya ay kulot ang buhok niya. Bakit ba kasi ako na attached sa isang lalaking iiwan din pala ako sa huli at hanggang ngayon hinahanap ko pa rin siya at umaasa na babalikan niya ako.
Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko siya mahihintay. At ang tanong, may mahihintay pa ba ako? Napakahirap umasa at magpakatanga lalo na ngayon walang kasiguraduhan kung babalikan niya nga ako at balak niya pang magpakita.

BINABASA MO ANG
Blind(5 Seconds of Summer FanFic)(Tagalog)
FanficMinsan may mga oras na gusto mong mawala para malaman mo kung sino ba ang taong hahanapin ka at papabayaan ka lang. Alamin ang magulong buhay ni Abby. ©JLCortez