Chapter 4: This guy

269 8 0
                                        

Pagdating namin sa Australia, maganda naman ang lugar may beach sa malapit sa bahay at solo naming tatlo ang bahay kaya magagawa namin ang gusto naming gawin.

Pagdating sa bahay inayos ko agad ang damit ko.

"Anne punta muna ako sa beach gusto niyo bang sumama?" Pero mukhang pagod na pagod sila, si Julia ay bigla na lang ang tinulugan.

"Sige mauna ka na pahinga muna kami."

"Ah! Osge. :)"

Pumunta na ako sa beach, naglakad lakad ako, napakaputi ng buhangin at napakalinis ng dagat. Tumambay muna ako sa isang lugar na solong solo ko. Nakakarelax pala sa lugar na ito, ang hangin pa.

"Ashton, sana andito ka. Para nakikita mo kung gaano ako kasaya.  Diba sabi mo gusto mo akong nakikita nakangiti....... masaya........ Paano ako magiging masaya kung yung lalaking minamahal ko wala na sa tabi ko, ni wala ka man litratong iniwan sa akin. Ano pa silbi ng mga mata ko kung wala ka? Sana bulag na lang ako ulit para bumalik ka na."

"Miss sino kinakausap niyo?"

Isang boses ng lalake? Teka?! Ako lang ang nandito ah? Bakit biglang may nagsalita? Biglang lumitaw ang maputing matangkad na lalake. Tssss sino ba to? May piercing piercing pa sa labi? Ano feeling niya astig siya? Bakla ata to ee? Panira ng pag eemote ko.

"Meron! Sarili ko bakit?" Pasigaw kong sagot sa kanya.

"Miss ang mga taong nagsasalitang mag-isa ay baliw." Sabay tawa.

Aba'y sira ulo to, tinatawanan ako.

"Eh pakelam mo ba? Ano bang ginagawa mo dito? Sino ka ba ha? Napaka pakelamero mo naman! Haist!"  Ewan ko ba bakit biglang sinumpong ako ng kasungitan sa lalaking to. Hindi naman ako masungit pero bakit pagdating sa kanya naiinis at kumukulo dugo ko tsss.

"Miss dito po ako nagtratrabaho, nagliligtas po ako ng mga taong nalulunod"

"Bakit mukha ba akong nalulunog at pumunta ka dito? Baka dun oh, may nalulunod hindi ako nalulunod kaya huwag mo akong pakelaman. At mas gugustuhin ko pang malunod kesa magpaligtas sa kagaya mo!!!!!!!!!!!!" Sabay walkout, wala na akong pake kung ano nangyare sa gunggong na un basta naiinis ako sa kanya. Naiinis kasi ako sa mga pakelamera/pakelamero.

Pagdating kong bahay inis na inis pa rin ako, at padabog kong sinara ang pinto.

Blind(5 Seconds of Summer FanFic)(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon