Kagising ko ng umaga, dalawang matanda agad ang sumalubong sa akin.
"Okey ka na ba iha?" Sabi ng matandang babae na may dalang almusal.
"Opo, sige po salamat kailangan ko na pong umalis."
"Mahina ka pa, magpahinga ka muna dito." Sabi ng matandang lalaki.
"Ako nga pala si Lola Nora at siya naman si Lolo Isko. Kumain ka muna. :)"
"Salamat po."
Malamang kung wala silang dalawa hindi ko na alam kung nasan na ako. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na agad ang pinggan at napasilip ako sa bintana. Madaming bata sa labas na nagtatakbuhan.
"May dagat dun sa may malapit doon, magandang magrelax dun iha. Gusto mo bang ipasyal kita doon?"
"Ah sige po." Sabi ko naman malayo layo din pala ang natakbo ko, hindi ko alam ang lugar na ito pero isa lang ang masasabi ko. Payapa ang lugar na to.
Pagdating namin ng beach. Napalinis ng tubig, napakamahangin at walang ibang tao maliban dun sa lalaking nakaupong mag-isa.
"Laging andito ang binatang iyan. Ang sabi niya sa akin ay iniwan na siya ng pamilya niya dahil hindi na siya nakakakita"
"Kawawa naman po pala siya, pwede ko po ba siyang lapitan?"
"Sige, mabait naman ang batang iyan. Sige punta muna ako sa banda dun. :)"
Pinuntahan ko siya dahil nakadama ako ng awa. Dahil nung kapanahunan na bulag ako hindi ako iniwan ng mga mahal ko sa buhay. Mas nararamdaman ko pa nga ang pag-iwan nila sa akin ngayon nakakakita na ako.
Dahan dahan akong lumakad para lapitan ang lalaking iyon at para kausapin na rin sana.........
Habang naglalakad ako papalapit..................
Nakadama ako ng kaba.....................
BINABASA MO ANG
Blind(5 Seconds of Summer FanFic)(Tagalog)
FanfictionMinsan may mga oras na gusto mong mawala para malaman mo kung sino ba ang taong hahanapin ka at papabayaan ka lang. Alamin ang magulong buhay ni Abby. ©JLCortez