Umaga na! Ano kaya ang gagawin ko? Hmm siguro magiikot ikot muna ako madami naman sigurong mapapasyalan sa lugar na ito.
Sinubukan kong yayain ang mga pinsan ko pero as ussual pagod daw sila at ayaw nila akong samahan. So, sige ako na lang. Pagkalabas ko ng bahay aba? Andun si Luke iniintay ako?
"Luke? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na nakangiti na?
"Gusto sana kitang ipasyal? Yun ay kung gusto mo? :D"
Pano niya naman nalaman na gusto kong mamasyal?
"Hatid sundo kita, wag kang mag-alala" Sabi niyang habang pinag-iisipan ko.
"Sige na!:))" Napapayag niya ako? Totoo? Hindi ako masyadong nakakasalimuho sa ibang lalake pero siya? EWAN.
Kung saan saan niya ako pinasyal, madami din palang magagandang lugar sa Australia. Malaking pasasalamat ko na lang sa nagbigay sa mga mata ko. Na kahit hanggang ngayon ayaw ipakilala sa akin ni mama ang mga magulang niya. Namatay na daw kasi ang nagdonate sa mga mata na ito.
Hindi ko alam pero bigla kong nakita si Ashton kay Luke. Halos ginagawa din kasi ni Luke sa akin ang ginagawa ni Ashton. Pero magkaiba sila, ibang iba. Sana hindi kagaya ni Luke si Ashton na bigla akong iiwan.
Habang nagkwekwentuhan kami, nabanggit din ni Luke ang nakaraan na babae sa buhay niya.
"Iba ka sa lahat Abby. :)"
"Sinabi mo na rin ba yan sa million mong babae?" Biro ko.
"Sa totoo lang, dalawa pa lang kayong naging importante sa buhay ko."
Ha? Dalawa? Seryoso kaya ito? eh dun palang sa gig ang dami ng nagpapantasya sa kanya ee at mukhang madami na siyang nabola. Ako pa lolokohin nito. Pero patuloy akong nakinig dahil sa nakikita ko seryoso siya sa mga kwinekwento niya.
"Ung una kong naging girlfriend................... Iniwan niya ako. Akala ko kami na para sa isa't-isa, simula 10 years old kami lagi na kaming magkasama. Alam ko na mahal ko na siya nun at ganun din siya, kaya binigay ko na lahat sa kanya nawalan na ako ng oras para sa sarili ko, halos nabigay ko na lahat sa kanya. Mas pinagtuunan ko siya ng pansin kaysa sa mga magulang ko. Pero wala iniwan din niya ako."
Sa nakikita ko minahal niya talaga ang babaeng yun dahil nakikita ko sa mga mata niya.
"Mas inuna ko pa siya kesa kila mama at papa na nag-aaway lagi kaya dumating dun sa lugar na naghiwalay sila papa at mama ng hindi ko alam. Nagising na lang ako ng wala si mama at kasama niya si kuya."
"May kuya ka?"
"Oo, si kuya Will. Kasundong kasundo ko siya kasi kung ano ang gusto ko gusto niya rin hindi kami nag-aagawan, sobrang bait niya lagi niya akong pinagbibigyan pero wala eh hindi ko alam nakipaghiwalay na pala si mama ni ayaw sabihin ni papa saan sila pumunta. Medyo nawalan na ako ng oras kay Jane(Ex girlfriend ni Luke) dahil sa problemang yon. Isang araw nabalitaan ko nasa ospital si Jane may cancer siya sa buto. Naawa ako sa kanya dahil sobrang hinang-hina siya, pumayat din siya, naalala ko sinabi niya sa akin na hindi niya ako iiwan at dadating pa sa point na makikita ko siyang naglalakad sa altar pero paano namin magagawa yun kung nasa ospital siya? Isang taon din siyang pinahirapan ng cancer niya sa buto pero hindi ako nawala sa tabi niya, ganun ko siya kamahal at ganun ako magmahal. Pero hindi niya na siguro makaya kaya bumitaw na siya, naalala ko pa ang huli niyang sinabe sa akin na kaya siya aalis kasi may isang taong mas deserve para sa akin, at hindi siya yun kahit gusto namin na kami na para sa isa't-isa hindi namin mababago ang nakalaan para sa amin."
Halos pareho din pala sa story ko kaya lang si Ashton ang nang-iwan.
"Tingin ko tama si Jane, mas may deserve pa sayo. Mabait ka naman, magandang lalake at talented imposibleng walang mainlove sayong babae." Pinalakas ko muna ang loob niya dahil sa nakikita ko naluluha ang mga mata niya.
"Ikaw ba posibleng mahulog ang loob mo sa akin?"
Ano ba yan? Ang awkward ng tanong niya, dapat ko ba itong sagutin? Kailangan ko ng napakatinding topic, para machange topic na ito. Ikaw kasi Abby eh! Ano pang sinasabi sabi mong imposibleng walang mahulog ang loob sa kanya ayan natrap ka tuloy.
"Parang gusto kong Ice Cream." Pagiiba ko ng topic
"May malapit lang ditong nagtitinda ng ice cream gusto mo?"
"Osge tara!"
Hay salamat naman at napasunod naman siya agad. Ang hirap nun ha? Pinagpawisan ako ng di oras.
Ilang linggo na rin kaming lumalabas ni Luke. Ibang iba siya dun sa lalaking nakita ko sa beach, sobrang bait niya, mapagpasensya, sweet at maalaga. Isipin mo sa kadrama ng buhay nito nananatili pa rin siyang masiyahin, parang gusto ko tuloy siyang gawin inspiration na dapat gawin kong better life ang buhay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/11942025-288-k145790.jpg)
BINABASA MO ANG
Blind(5 Seconds of Summer FanFic)(Tagalog)
FanfictionMinsan may mga oras na gusto mong mawala para malaman mo kung sino ba ang taong hahanapin ka at papabayaan ka lang. Alamin ang magulong buhay ni Abby. ©JLCortez