Chapter 1

63 1 2
                                    

"Walang forever!" ang linya ng mga taong nagmahal, nasaktan, nadurog, iniwan, pinagpalit, nagpakatanga, at naiwang mag-isa. 'Di ka maniniwalang ako lahat yun, parang lahat ng katangahan inangkin ko na. Apat na beses na akong nagmahal, apat na beses na ding nabigo1 Kaya ngayon, ako na yata ang lider ng mga bitter.

Oo, ako. Ako si Ivory Y. Alcantara, but you can call me I.Y.A. Ako yung tipong pag may dumaan sa harap kong naghoholding hands, bubulong ako ng "bibitawan ka rin nyan, hinaty lang." Pag may naghaharutan sa 'di kalayuan, sisigaw ako "maghihiwalay din kayo! Walang forever!" sabay takbo. Oo ako na, ako na ang bitter. Aminado naman ako e.

Sa ngayon nag-aaral ako sa Hope Academy bilang isang senior high school student; president ng Debate club, editor-in-chief ng school paper, at consistent honor student. Oo, matalino nga ako sa klase, bobo naman sa pag-ibig.


"Uy! naghiwalay na daw sina Josh at Claire!" masayang pambungad ng mga kaklase kong babae na patay na patay sa ace player ng basketball team, na ex ko rin. Si Josh yung tipong madaling magsawa sa babae, kaya nga 3 months lang ang tinagal namin. At least, ako pa rin ang titleholder ng pinakamatagal nyang naging girlfriend. Ang mga sumunod nyang naging karelasyon ay nagtatagal lang ng 4 weeks or less. Paiba-iba ang girlfriend niya, paiba-iba din kasi ang isip niya. Ngayon mahalaga ka, bukas hindi na. Maya-maya masaya, kalaunan umiiyak ka na. Pagbago pa, ang sweet-sweet niya, pagmatagl na magsasawa na siya. Sabihin nating gan'on ang nangyari sa amin. Natagalan din akong magmove on nun. Matagl daw talaga basta first boyfriend mo. At hindi ko din ikakaila na ang gwapo niya, ang lakas ng dating, mala-James Reid. Kaya ang daming nagsasabing pinakawalan ko ang dyamanteng pag-aari ko na sana.


"Break na sila? So, bukas na naman ang audition para sa new girlfriend niya?" ani ko. 

"Sana nga may audition. Kakanta ako, sasayaw pa, mag-iisplit pa ako at babaliin ko paang mga buto ko para makaBack flip kung nanaisin niya!" ang sabi ni Anna na no.1 fan/supporter/stalker ni Josh. Super duper crush niya ito raise to the highest power! Minsan nga nakakatakot na ang pagstalk niya kay Josh, sinusundan niya ito kahit saan. Ang locker niya puno ng pictures ni Josh. may album pa siya nito  na may larawan mula pagkabata. Kinokolekta niya rin ang mga plastic bottle water na iniinuman ni Josh, hinuhukay niya pa nga mula sa basurahan ang iba. Pero ang mas nakakatakot sa babaeng ito ay pag nalaman niyang may gf si Josh! Bigla na lang tumatahimik at wala sa mood. Nakita ko lang nung isang araw, sinunog niya ang larawan ni Claire at may sinasambit siyang mga katagang 'di ko maintindihan. Nakakaloka si Anna. Hindi ako magtataka kung may altar siya na may rebulto ni Josh sa bahay nila. For her, Josh is everything and everything is Josh. Alam naman ni Anna na ex ko si Josh. Close kasi kami ni Anna since kasama ko siya sa school newspaper, isa siyang sports writer. Kaya ang saya-saya niya pagnagco-cover ng basketball game. Pero medyo bias nga lang ang mga articles niya.

"Ace player yun at magaling talagang mag-rebound. Gusto mo i-rebound ka?" tanong ko kay Anna na busy sa pagdrawing sa mukha ni Josh. 

"Okay lang" sagot niya nang nakangiti.

Bumuntong hininga na lang ako. Hopeless na 'tong case niya. Ilang beses ko na siyang sinabihan kung anong klaseng lalaki ang ex ko, pero okay lang daw sa kanya. On that moment nasabi ko talaga sa sarili ko na may mas tanga pa pala sa akin. Tinatangon ko palagi sa kanya kung bakit patay na patay siya kay Josh, kahit hindi naman siya nito pinapansin kahit minsan man lang. 

"Kasi Mahal ko siya." ang palaging sagot niya.

Kung gayunman, nakakatanga nga talaga ang pag-ibig. Tumunog ang bell para sa lunch time.


Habang naglalakad ak papuntang cafeteria, may biglang umakbay sa akin at nagsalita 

"Wow naman! 'Di man lang ako hinintay lumabas ng room. Gutom ka na ba talaga?"

Ganito Kaming Mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon