Chapter 5

15 0 0
                                    


"Ms.Editor-in-chief!!" sigaw ni Corrina na ikinagulat ko. Kay aga-aga bigla na lang siya manggugulat.

"Ano?" tanong ko sa kanya.

"May problema po tayo. Kailangan na po daw next week ang school paper." ani niya.

"WHAAAAAT?!"

-~-~-~-~-~

Inipon-ipon ko lahat ng writers at editors ng school paper sa Computer Laboratory. Mabuti na lang at pumayag si Ma'am Joan na gamitin namin ang room at mga computers.

"Okay, guys! Kailangan na nating tapusin ang school paper this day!" anunsyo ko sa kanila.

"Whaaaaaat?!!" oh 'di ba same reaction.

So, yun nga ang nangyari kailangan na naming tapusin ang school paper. Lahat kami ay busy sa kanya-kanyang articles.

"Ate Iya, anong theme namin sa Feature page?" tanong sa'kin ni Corrina.

"Kahit tapos na ang February, ise-celebrate din natin ang valentine's day sa school paper natin. Kaya LOVE ang theme niyo sigurado din naman ako na basta tungkol sa love, napaka-interesado ang dating sa mga estudyante." ani ko.

"Okay, pero pwede po ba kayo mag-suggest ng maganda title sa main feature story namin. Yung makakapukaw ng atensyon ng mambabasa." grabi itong batang to, trabaho niya kaya pag-isipan yun. Pero may naisip ako.

"Love ................. is SUICIDAL" sohestyon ko. At lahat kami napatingin kay Anna na ngayon ay busy sa pagsusulat ng sports news.

At nag-thumbs up naman sila bilang pagsang-ayon.

"Gumawa ka ng article na LOVE IS BITTER THE SECOND TIME AROUND." ani naman ni James. Bitter din pala 'tong taong to.

"TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU!" komento ng isang writer din ng editorial, na halatang kinuha niya lang sa linya ng isang kanta.

"Tss. Ang bi-bitter nyo. Mabuti na lang sa editorial kayo at hindi sa feature kung hindi baka puno na ng mga negative thoughts ang page namin" sabi naman ni Corrina at bumalik sa pagsusulat.

Nung nag-lunch time lahat kami ay sabay-sabay pumunta ng canteen pero sa iba-ibang table kumain. Katabi ko ngayon, as usual ang bestfriend kong si Ryle.

Napukaw ang atensyon namin ng nagsimulang umingay sa loob. Ang daming nagtsi-tsismisan, may nagtitilian, may nagpi-picture sa may entrance ng cafeteria.

"Andyan ba si Daniel Padilla?" pabulong kong tanong kay Ryle na busy sa pagkain at parang walang pakialam sa nangyayari.

"Malay ko ba. Tanungin mo yung mga tsismosa sa likod na'tin."

Tss. Ang suplado ngayon ng bestfriend ko. Daig pa ang babaeng may menstruation. Inirapan ko lang siya at bumaling sa likod namin.

"May artista ba?" tanong ko sa babae.

"Wala po. Pero bumalik na kasi galing South Korea si Mr. Adrian Lloyd Montez."

Bigla kong nabitawan ang kutsarang hinahawakan. Tama ba yung narinig ko?

"S-si Ad..adri-rian?" pagkaklaro na pautal-utal. Pano naman ako hindi magkakaganito eh narinig ko yung pangalan ng ex ko! Oo, Ex ko! Ang daming pasabog nitong kwentong 'to! Lahat na lang bumabalik! Ano bang hugot ng writer?! tss. If I know, hindi niya talaga alam kung anong patutunguhan nito XD . okay, pero paninindigan niya, binasa mo na eh. ^_^ back to story -->


"Hi Iya!" masayang bati niya na may pa-wave pa sa kamay.

Wow ha! Ano 'to lokohan? Parang wala lang nangyari sa nakaraan? Ningitian ba daw ako ng ngiti niyang pang-Park Bo Gum. Yung ngiting makalaglag panty. (Kung hindi niyo kilala si Park Bo Gum panoorin niyo ang "Love in the Moonlight".)

Well, in return I smile but a weak smile. (ume-english ako^^ )

"Kamusta na?" tanong niya nang makarating sa harapan ng table namin.

"Okay lang siya" sagot ni Ryle. Kailan pa naging spokesperson ko 'tong mokong na 'to? Pero klarong-klaro sa tono niya na wala siya talaga sa mood.

"Oh. Hi Ryle!" bati ni Bo Gum este ni Adrian kay Ryle.

Tumango naman si Ryle bilang sagot. Yun lang, tumango lang siya nang hindi tinitignan si Adrian.

Binalewala na lang ito ni Adrian at nagsalita "so, Iya...'di ka ba busy? pwede ba kitang maka-usap?"

Shems! Ano 'to? Bakit gusto niyang makipag-usap? Gusto niya bang makipagbalikan? Ano isasagot ko? Para naman akong tanga kung bibigyan ko sya agad-agad ng chance. If I play hard to get baka he will give up on me, again. Wait! Bakit ba ako ganito! Itong taong 'to ang nang-iwan at nagpa-iyak sa'kin noon! Atsaka-

"Busy siya, wala siyang oras para makipag-usap. Wala siyang oras sa mga walang kwentang bagay. Wala siyang oras para sa'yo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ryle. Anyare best? Pero kalmado pa rin ang tono nito. Ang cool niya. Nagtinginan sila ng matagal hanggang sa magsalita na si Adrian.

"I know na close kayo ni Iya, pero kailangan ko talaga siyang maka-usap. And that thing is just between us. You are not part of it Ryle" cold na sagot ni Adrian.

Tumayo si Ryle para magka-eye level sila. Magka-height din naman sila. Si Ryle Pilipino ang dating, yung gwapong Pilipino ha?

A/N: Opo, racist si Iya! Ng sarili niya pang lahi! Naisip ko din na dapat may bad side din siya .kasi palapit na siya sa word na 'perfect' eh XD Back to you Iya -->

Si Adrian naman Pilipinong feeling Koreano. Pero mukha naman talaga siyang Koreano kaso fake lang. Kasi wala naman sa dugo nila. Sadyang match lang talaga ang genes ng parents niya kaya nakabuo sila ng ganito ka gwapong lahi. Psh.

"I need your time Iya, just listen for some minutes" bumaling siya sa'kin. At bago pa man ako makasagot, nagsalita na ang spokesperson ko. -_- nahahalata ko na na nangangagaw na'to ng spills ha?!

"Tsk! anong karapatan mong hingin ang isang bagay na ipinagdamot mong ibigay! I need -" natigilan siya nang marealize na hindi pala dapat "I" kaya inulit niya...

"She needs an explanation! She needs an acceptable reason!" sabi niya na may diin. Ako naman heto, tumatango bilang pagsang-ayon.

"Tss. Seriously? Hindi ko alam na ma-drama ka pala Ryle" Adrian said with a smirk.

(Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing !)



Oh, Dear here I go again.

Reminiscing all the pain

It keeps flashing in my brain

All the memories that remain.


Dear, my vulnerable heart

I know you're torn apart

Crushed and broken,

That's why now you're frozen.


Loving you was a mistake

It's a risk that I had take

Unaware that your love was fake

And now, I'm wide awake.


Maybe it's not meant for me

To be love by someone like thee

I know you never saw in the past

That me and you, could be "us"


Bumalik nga siya, pero........................................................... wala na siyang babalikan pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ganito Kaming Mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon