Chapter 3

14 1 0
                                        


" Ivory Y. Alcantara, YOU'RE MINE!"

Ang malaking naka-vandalize sa likod ng building namin. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

"Sino naman ang gagawa nito?" tanong ni Oliver na sumunod pala sa'min.

"Oo, nga. Nakakatakot Iya ha. Parang obsessed ata siya sa'yo." komento naman ni Anna. At dinadagan pa ni James

"sino naman kaya ang taong 'yon? Wala namang nanliligaw sa'yo 'di ba?"

"Do you have someone in mind?" tanong ni Ryle sa'kin na may pag-aalala ang mababakas sa mukha.

"I have. And he totally can do this." sagot ko naman. Medyo hininaan ko ang aking boses para 'di marinig ng mga kaklase ko.

"Sino?" bulong ni Ryle sa'kin.

"Mark Jay Sandoval." sagot ko. Tumingin sa'kin si Ryle na para bang inaalala niya pa kung sino iyon. Hanggang hinila niya ako papalayo sa mga kaklase namin.

"Mark. Mark, yung gangster mong ex?!" sigaw niya.

"shhhh..! oo, siya. Siya lang naman yung gagawa ng ganyang kalokohan at siya lang naman ang obsessed sa'kin!"

"Pero 'di naman siya nag-aaral dito 'di ba?" tanong niya.

"Hindi nga. Pero, alam mo namang mala-City Hunter yun." sagot ko naman.

"Oo nga pala. Kaya niyang akyatin ang pader sa pagitan n'yong dalawa. I mean, yung bakod ng eskwelahan."

"Sana nga lang kamukha niya rin si Lee Min Ho. Pero hindi eh." komento ko.

"Oo nga. Kaya mo ba siya iniwan dahil dun?" tanong ni Ryle.

"Hindi naman no. Well, 25% dahil dun." pagdepensa ko.

"Hmmm... sabagay, 'di naman kita masisisi. Siya lang yung boyfriend mo na hindi masyadong gwapo, hindi masyadong matalino, hindi masyadong sweet, hindi mabait, masungit, mahangin, palaging -"

"Tama na." pinatigil ko na si Ryle sa pagsasalita.

"Grabi ka kung manlait! Perfect ka?" It's time to turn the table.

"Hindi." sagot niya.

"Hindi naman pala. 'wag kang manghugas. Lalong-lalo na pag 'di mo kilala ang tao." pangaral ko sa kanya.

"Eh, pa'no ko yun makikilala? Ni ayaw nga sa akin nun 'di ba? Ayaw niya na palagi tayong magkausap, ayaw niya na palagi tayong magkasama, ayaw niya na nakikita ako!" hinaing naman ni Ryle.

"Ry, past is past. Let's forget about that."

"Iya," sabi niya sa malumanay na tono. Pinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko. "Past is past never been discussed. But what if your past comes back?" tanong niya.

"Edi, Welcome Back!" biro ko naman.

Binatukan niya ako dahil sa inis.

"Aray!! biro lang yun! Mapanakit ka talaga!" sigaw ko sa kaniya.

"Seryoso ako! Alam mo naman na gangster yung ex mo. At alam ko kung anong kaya niyang gawin. And now we know, he wants you back!"

Mabuti na lang at matulungin ang mga kamag-aral ko kaya't nagtulong-tulong kaming burahin ang malaking vandalism na 'yon.

Bumalik na kami sa classroom pagkatapos.

Nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni Ryle. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kikiligin. Hindi naman ata siya darating sa puntong mananakit na. Never niya naman akong sinaktan. Pero.............. ako, sinaktan ko siya.

Ganito Kaming Mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon