Chapter 2

34 3 0
                                    

Siya nga! ang ex ko! Ang lalaking naghilom ng duguan kong puso ngunit siya pa ring dumurog nito. It's bee two years since then. Malaki ang pagbabago niya physically. Wala na ang super saiyan niyang buhok. Ngayon, clean cut na ito. Lumaki at masculine na din ang built niya. At tumangkad rin siya, mga nasa 5'4 lang siya dati, ngayon mga nasa 5'7 na. Ngunit kahit maraming nagbago nakikilala ko pa rin ang mapungay niyang mga mata, matangos niyang ilong at mapupula na palaging basa niyang mga labi. Biglang sumagi sa aking isip ang nakaraan.


"I'm sorry, but I have to let you go."

"Bakit?" tanong ko na namumula na ang mga mata sa kaiiyak.

"I DON'T LOVE YOU ANYMORE."


Basa na ang aking mga mata and I need to get back in my senses. Nalulunod na ako sa nakaraan. Naulinagan ako sa malakas na pagtapik sa akin. Natanaw ko si Ryle na nasa harap ko na pala at kanina pa ako tinatapik. I burst a sigh of relief.

"Okay ka lang?" pag-aalala niya.

Tumango lang ako at pinunasan ang mga luhang malapit nang bumuhos. Dumaos-us ako ng bahagya para 'di ako makita ni Oliver.

"Okay, Mr, Yuzon may isang bakanteng upuan sa pang-apat na hanay. Maaari kang umupo d'on." sabi ni Ma'am Rosie.

Ang silyang tinutukoy ng aming guro ay ang bakanteng upuan na nasa kaliwa ko.

"Oh my gosh! Makakatabi ko ang ex ko!" hinaing ko sa sarili.

"Huwag kang mag-alala, mabait naman itong si Ms. Alcantara. Hindi din siya maingay." sabi ni Ma'am kay Oliver.

"at matalino din siya, pwede kang kumopya." bulong niya ngunit narinig ko naman.

Hindi na niya kailangang sabihin yun kay Oli, kilalang-kilala niya naman ako. Kalmadong umupo si Oli. Nilingon ko siya at nagkatitigan kami.

"Anong nangyari sa ating dalawa? Akala ko noon tayo ay iisa.

Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan.

Pangako mong habang buhay, ngayon ay nasaan?!!!"

Sabay kaming lumingon sa likuran kung saan nanggagaling ang basag at malakas na boses.

"Ah? Bakit? Anong meron?" tanong ni Anna na walang kamalay-malay na malakas ang pagkakakanta niya dahil naka-earphones siya.

Bumalik ang tingin ni Oli sa akin, tinitigan ko rin siya ngunit 'di nagtagal umiwas na ako ng tingin.

Pagkatapos ng klase ay mabilis kong niligpit ang aking mga gamit at dali-daling lumabas ng classroom.

"Teka lang Iya." hinabol ako ni Oli palabas ng Grade 12 building.

"Iya wait!" hingal niyang sabi.

Gan'on pa rin pala siya, mahina pa rin sa takbuhan. Kung wala lang akong konsensya 'di ko na sana siya lilingunin pa, pero mabait ako e.

"Ano ba yun? Magso-sorry ka sa pang-iiwan sa'kin? Sorry, it's too late to apologize, it's too-"

"You left your handkerchief." sabi niya habang inaabot sa'kin ang panyo ko.

Okay, medyo napahiya ako dun. May pagka-assuming kasi ako. Atsaka, maypag-scientist din, because I love jumping into conclusion. Hindi na ako nakapagsalita at tinanggap ko na lang ang panyong inabot niya.

"ahh.. pa'no mo naman nalaman na sa'kin 'to?" tanong ko sa kaniya para 'di na niya maisip ang una kong sinabi. Ngumiti siya at sumagot "Nakaburda yung pangalan mo d'yan."

Ganito Kaming Mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon