Chapter 4

15 1 3
                                    


Pagdating ko sa hagdan papuntang rooftop ang dami na palang mga teachers at andun din ang ilan kong mga classmates.

"Oh, Iya andito ka!" nagulat ako sa hiyaw ni Krisha.

"Ano ginagawa niyo? Ba't hindi niyo pa pinapababa si Anna?" tanong ko sa kaniya.

"Nagbabanta eh, paglumapit daw kami sa kaniya, tatalon na talaga siya." explain naman ni James.

Nag-aalala na ang mga teachers.

"Langga, let's talk about this. Ano pala ang problema mo?" malumanay na tanong ni Ms.Sotto, ang Guidance counselor namin.

"Ms. Alcantara, andito ka pala. Ikaw kuma-usap kay Anna. Close naman kayo diba?" sabi sa'kin ni Ma'am Rosie habang tinutulak ako papunta kay Anna. Kailan naman kami naging close nito? Ewan ko ba. Pero itry ko na lang. I'll use my convincing power.

"Anna!" sigaw ko sa kanya. Lumingon naman siya at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Ano kailangan mo?" tanong niya. Yes! I got her attention. Second step:

Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng papel at ballpen.

Inilahad ko sa kanya. Medyo malayo kami sa isa't-isa, kaya kailangan kong pababain siya dun sa edge. Pagkinagat niya tong pain.

"Anong gagawin ko d'yan?" tanong niya.

"Last will." sabi ko.

"Iya! Wag ka ngang ganyan! Pinapa-" lumingon ako at binigyan ko si Ryle ng 'Tumahimik ka' look.

"Isulat mo dito lahat ng pag-iiwanan ng kayamanan mo." sabi ko sa kanya.

"Wala naman akong pag-iiwanan ng kayamanan! Puso ko na lang ang iiwan ko. At siya pa rin ang magmamay-ari nun! Kahit dinurog niya, sinaktan at iniwan." habang nagE-emo siya hindi niya namalayang unti-unti akong lumalapit sa kanya.

Ngayon, alam ko na ang problema ng babaeng ito. Humarap ako kina Ryle na nasa may pinto pa rin. Sinenyasan ko sila ng heartbroken sign gamit ang mga kamay ko.

"Aaaahhhh....." sabay-sabay nilang sagot.

Wala ata tong balak kunin ang papel, so kung hindi ka madala sa santong dasalan idadaan kita sa makapagdamdaming usapan. I'm the President of the Debate club remember? Although this is not a debate but what we do in debate is to prove something, to encourage or to convince that we're saying the truth.

"Anna." panimula ko.

"Don't waste your tears over someone who is not even worthy to see you smile." dagdag ko.

Napahinto siya ng bahagya at tumingin sa'kin.

"He's not worthy of your heart so, why giving up your whole life for him?!" bulway ko sa kanya.

"Tama! Tama!"

"Makinig ka Anna! Wag ka masyadong tanga!"

"Oo nga, move on na."

Komento naman ng mga kaklase namin na nasa may pinto pa rin.

"Palibhasa hindi kayo ang nasaktan!" sigaw niya habang umiiyak.

Naku! Lumala na tuloy. Tinignan ko ang mga classmates ko ng masama at tumahimik naman sila.

"Anna, ano bang sinabi niya?" tanong ko sa kanya.

"Sabi niya, na ihinto ko na daw yung pagstalk sa kaniya. Nakakatakot na daw. Tapos, hinding-hindi niya daw ako magugustohan ever! Even I'm the last girl on earth! NEVER!" inilabas niya ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman.

Hindi ko naman masisisi si Josh. Nakakatakot na nga ang obsession ni Anna sa kanya. Pero para pagsabihan niya ng ganun si Anna, 'di ko siya mapapatawad!

"Anna, hindi ang lalaking 'yon ang sukatan ng halaga mo sa mundo. Hindi ibigsabihin na kung magugustuhan ka niya panghabang-buhay na'yon. Hindi ibigsabihin na kayo na, hanggang wakas kayo pa rin. Yung akala mong masaya, sa umpisa lang pala. Yung kilig? Papalitan pala ng sakit. Yung ngiti, papalitan ng pighati. Yung pagmamahal papalitan ng sampal." monologue ko naman habang teary eyes na ako.

"Sampal?" taka niyang tanong.

"Oo, sampal. Sampal ng katotohanang WALA TALAGANG FOREVER sa mundong 'to!!" sagot ko na may diin.

"HEAR! HEAR!" Sigaw ng mga kaklase ko. ("Hear!Hear!" in debate means "I AGREE")

Natahimik naman si Anna ng bahagya. Hanggang naka-isip ako ng mga katanungan. 

"Kung tatalon ka ba d'yan mamahalin ka niya? Kung tatalon ka d'yan siya ba ang sasalo sa'yo? Kung tatalon ka ba d'yan, 'di ka na masasaktan?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga! Mas masakit kaya yun!"

"Atsaka, walang sasalo sa'yo!"

"Mas masakit pa pagkatapos mong mahulog deretso ka impyerno."

"Tama nga! Tama!"

Komento naman ng mga kaklase ko.

Umiyak uli si Anna habang dahan-dahang bumababa sa kinatatayuan.

Naging kalmado na kami ngayon.

Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo sa'kin at niyakap ako.

Humahagulhol siya sa pag-iyak. Baliw 'tong babaeng to, mukhang tinatrapo niya na sa uniform ko ang sipon niya. Tsk. Sige na nga lang. Hinimas-himas ko ang kanyang likuran. Sa totoo lang hindi talaga ako magaling sa mga bagay na ganito. Hindi naman ako magaling mag-advice no!

"Someday, your gonna realize. One day, you'll see this through my eyes, but then I won't even be there, I'll be happy somewhere, even if I can't.

I know you don't really see my worth. You think you're the last guy on earth.

Well, I've got news for you I know I'm not that strong, but it won't take long, won't take long.

Someday, someone's gonna love me. The way, I wanted you to need me. Someday, someone's gonna take your place. One day, I forget about you. You see, I won't even miss you. Someday, someday......" 

ang ganda talaga ng boses ko! Sayang hindi na ako pwede sumali sa choir ng school, overqualified na daw kasi ako! Hohoho! (walang kokontra!)

"If someday, meron talagang darating na mamahalin ako. Meron talagang magmamahal sa'kin. Meron talagang para sa'kin. Kailan naman ang someday na 'yan?" tanong ni Anna sa'kin habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

"Maghintay ka. True love waits nga 'di ba?" sagot ko sa kanya.

"Bakit kailangan talagang maghintay? Bakit kailangan pang masaktan? Pwede namang ngayon ha, para masaya na. At pano ko naman mahahanap ang right person?" puno siya ng katanungan. Halaka, dapat kay Vice Ganda ko 'to inireto. Wala akong hugot nito.

Nag-isip muna ako ng ilang sandali at nagsalita.

"Sabi ko nga 'di ba, TRUE LOVE WAITS kaya kailangan mong maghintay. Atsaka, hindi naman kasalanan ng true love kung bakit ka nasaktan. Nasaktan ka dahil 'di ka naghintay sa tamang tao. Ang kaligayahan dapat pinagsisikapan. Don't find the right person, BE THE RIGHT PERSON. Huminto ka muna, ayusin mo sarili mo, huminga ka, 'wag kang magmamadali dahil ang pag-ibig hindi dapat minamadali. Tandaan mo'to: ang lahat ng nagmamadali-"

"NADADAPA!!" sigaw ng mga kaklase ko sa likuran. Mga panira monologue ang mga 'to! Tinignan ko si Anna sa mata at nagsalita muli.

"Tsk. Tandaan mo'to Anna: ANG LAHAT NG NAGMAMADALI...............................NAGKAKAMALI." sabi ko sa kanya with feelings, na para bang proven and tested ko na. Well, naka-apat na boyfriends na'ko. Apat na pagmamadali, apat na pagkakamali kaya ngayon sawi.

Dahil sa dramang nangyari sa rooftop whole afternoon kaming walang klase. YEHEEEEEEEEEEEEEEEEY!!!

_________________________________________________________

A/N: Hello guys! Check out Kim Taeyeon's new song "FINE" !!

https://www.youtube.com/watch?v=NHXUM-6a3dU&spfreload=10

Ganito Kaming Mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon