Ang naging eksena sa banyo ng kanyang amo ay dahilan ng magdamag na pagkabukas ng isip at diwa ni Mariana. Hindi na sya muli pang dinalaw ng antok. Ramdam nya pa rin sa kanyang palad ang tigas ng bawat kalamnan ni Master.
"Paano nya kaya nagagawa yon?"
Gustuhin man nyang mag-usisa kung papaano nito napanatili ang ganoong katawan sa kabila ng kapansanan ay hindi na lamang nya ginawa. Nasa rule na bawal syang mag-usisa sa buhay ni Master. Ngunit marami syang katanungan. Mayaman naman ang lalaki. Ginawa na kaya nito ang lahat, gaya ng pagpapatingin sa mga espesyalista, para mapabuti ang kalagayan nito? Wala na kayang pag-asang gumaling ang kanyang Master?
Madaling lumipas ang mga araw. Unti-unti nang nasasanay si Mariana sa kanyang trabaho, kahit pa madalas ay nawiwindang pa rin siya sa mga nangyayari. Napaka-bugnutin at palaging naka-singhal sa kanya ang amo. Hindi na sya nagtataka kung bakit walang katulong o taga-alaga nito ang tumatagal.
Araw ng Linggo at sinabihan sya ni Manang Bebeng na iyon ang araw ng kanyang pahinga. Minabuti nyang bumaba ng bayan at mamili ng kaunting damit at pares ng panloob. Pumara sya ng tricycle, at doon ay nakatabi nya ang isang aleng may katandaan na. Nakasalamin na ito at banat na banat ang noo dahil sa pagkakapuyod ng buhok. Nginitian nya ang matanda, at ganon din naman ang iginanti nito sa kanya.
"Ikaw ba ang bagong katulong sa mansyon, ineng?" sabi ng matanda nang hindi sya nililingon.
"Oho."
"Aalis ka na rin ba gaya ng iba?"
"Ho? Naku hindi po. Wala lang ho akong gawa ngayong araw ng Linggo. Naisipan kong maglakad-lakad ng bayan."
"Ah... akala ko aalis ka na. Wala kasing tumatagal dyan. Demonyo nga kung tawagin yung lalaking amo riyan. Bahay bakasyunan lang noon ang malaking bahay na yon. Dalawang taon na ang nakakaraan nang may tumira. At ang sabi-sabi, yung lalaki raw eh anak nung mag-asawa na nagpagawa ng bahay na yon. Lahat ng nag-aapply doon bilang katulong eh umuuwing luhaan at hindi mga nagtatagal. Masakit daw magsalita yung among lalaki. Ewan ko lang kung totoo na nananakit," litanya ng matanda.
"Ganon ho ba? Eh bakit daw ho ba nagkaganon si Mas -- si Sir?"
"Ewan ko lang huh. Ang sabi-sabi, nalumpo at nabulag daw iyon dahil sa aksidente kasama ang asawa at anak. Namatay ang mag-ina nya."
Huminto na ang tricycle at sabay na silang bumaba ng matanda. Tinapik lang sya ng matanda sa braso at dumiretso na ito sa loob ng pamilihang bayan. Dahil sa mga nalaman ay biglang nakaramdam ng awa si Marian kay Kevin. Mabigat naman pala ang pinagdaraanan ng huli. Hindi nya ito masisisi kung mas pinili man nitong maging bugnutin at mailap sa mga tao. Ang tanong, totoo naman kaya ang kwento nung matanda? Naiiling na lamang syang nagpatuloy sa paglalakad. Halos magtatakip silim na rin nang sya ay makauwi sa mansyon.
<<<<<>>>>>
Siyang-siya si Mariana na pinagsusukat ang bra na kanyang pinamili. Medyo hirap talaga syang makahanap ng nararapat na bra sa kanya. Sa size nyang 36, cup B, kapag gusto nya ang disenyo ay hindi naman kasya sa kanya. At kapag naman kasya sa kanya ay pang-maedad naman ang hitsura. Bakit kaya ang laki ng kanyang dibdib, eh balingkinitan naman ang kanyang katawan? Malapad din ang kanyang balakang, taliwas sa makipot nyang bewang.
Eksaktong naikawit nya ang hook ng kanyang bagong bra nang tumunog ang telepono sa kanyang mesa.
"I need water. Now!"
Yun lang at nawala na agad ang nasa kabilang linya. Napairap na lamang sya sa kawalan. Ang buong akala nya ay pahinga nya ngayon. Bumili pa naman sya ng mga pocketbook. Naengganyo syang bumili dahil sa bagsak presyo. Doble ang iminura kesa sa totoong halaga.
BINABASA MO ANG
Fix Me (COMPLETE)
RomanceUpang makatakas sa peligro ay napilitang lisanin ni Mariana ang nakalakihang lugar. Sa isang mansyon sa Maynila sya napadpad at namasukan bilang isang tagapag-alaga. Isang bulag at lumpo ang kanyang naging amo na sya rin dapat nyang alagaan. Madali...