"Magandang umaga, Master!" masiglang bati ni Mariana kay Kevin.
Gising na ang lalaki, ngunit nanatili itong nakaupo sa kama. Unang nilapitan ni Mariana ang mga bintana at hinawi ang mga makakapal na kurtina roon upang makapasok ang liwanag.
"Maganda ang panahon ngayon, Master. Gusto nyo po bang ilabas ko kayo sa garden? Namulaklak na kasi yung mga pananim na bulaklak ni Nanay Bebeng."
Nilingon nya ang lalaking. Nananahimik lang sa isang sulok. Nakatutok lang ang mga mata nito sa liwanag na nagmumula sa bukas nang bintana. Nilapitan nya ito at hinawi ang kumot. Nakasanayan na nya na tuwing umaga ay minamasahe ang mga binti ng lalaki.
"Ihahanda ko na po ang pang-paligo nyo, Master."
Tatayo na sana si Mariana mula sa kanyang pagkakaupo nang pigilin ni Kevin ang kanyang braso. "Mamaya na ko maliligo. Gusto ko munang lumabas."
Matamis na ngumiti si Mariana. Ito ang unang pagkakataon na lalabas sila ng amo upang maglakad-lakad sa hardin. Maliksi syang kumuha ng damit na ipapalit sa pang-itaas ng amo. Naglabas din sya ng face towel upang ihilamos sa mukha nito. Nang matapos ay inalalayan na nya itong makaupo sa kama.
"Mas maganda siguro, Master, kung magtutungkod na lamang kayo, para na rin ma-exercise ang mga binti mo."
Matagal lamang syang pinagmasdan ng lalaki, bago ito tumango. Lihim na nagbunyi ang kanyang puso. Hangad nya ang mabilis na paggaling ng amo. Uunti-untiin nya ang pagtulong dito nang hindi namamalayan ng lalaki.
Wala man syang nalalaman, sa bahagi ng kanyang isip ay may dahilan kung bakit hindi pinipili ng lalaki na gamutin ang sarili, kahit pa malaki ang kakayahan nitong magawa iyon.
"Sigurado ka bang kaya mo kong alalayan? Ang liit kasi ng katawan mo."
Nag-uumpisa na silang humakbang ni Kevin sa hagdan. Kahit sya ay nagdududa rin kung kaya nga ba nyang alalayan ang lalaki. Ni hindi man lamang sya umabot sa balikat nito. Napakatangkad ng lalaki at malaki rin ang pangangatawan.
"Kakayanin, Master. Kung gumulong man tayo dito sa hagdan, sisiguruhin kong ako ang unang masasaktan at hindi po kayo," paninigurado nya sa amo.
"Wag ka ngang magpatawa, Mariana. Baka ang pagkadagan ko sa'yo ang maging dahilan ng pagkabali ng mga buto mo."
Tiningala nya ang amo. Gwapo talaga sa kahit anong anggulo ang lalaki. Nasa balikat nya ang kamay nito at ang isa naman ay may hawak na tungkod. Pababa sila ng hagdan at hindi nya alam kung kailan nila mararating ang ibaba.
"Sa hagdan ka tumingin, babae, at huwag sa mukha ko," pantay ang boses na sabi ni Kevin.
Tila naman sya napahiya. Nawala sa isip nya na nakakakita nga pala ang amo. Kung nakaharap lang ito sa kanya ay malamang na nakita nito ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Isang hakbang na lang po, Master."
"Alam ko."
"Sabi ko nga po, alam mo," bulong nya.
Nadatnan nila sa baba ng hagdan si Nanay Bebeng na ngiting-ngiti sa kanila.
"Naku, iho, gusto mo ba eh sa hardin ka na mag-almusal?" masiglang tanong nito sa lalaki.
Ngumiti si Kevin sa matanda at tumango. Tila naiwan sa ere ang hininga ni Mariana. Ngayon nya lamang nakita ang totoong ngiti ng amo. Mas naging maaliwas at lalong gwumapo sa paningin nya ang lalaki. Nahagod nya ang dibdib. Bumilis kasi ang tibok ng kanyang puso. Pero paano nangyari yon? Huli nyang naramdaman yon nang maglapat ang labi nila ni Ruben, na wala pang dalawang segundo.
BINABASA MO ANG
Fix Me (COMPLETE)
RomansaUpang makatakas sa peligro ay napilitang lisanin ni Mariana ang nakalakihang lugar. Sa isang mansyon sa Maynila sya napadpad at namasukan bilang isang tagapag-alaga. Isang bulag at lumpo ang kanyang naging amo na sya rin dapat nyang alagaan. Madali...