Chapter 3

21.2K 587 7
                                    

Panay ang sulyap ni Mariana sa orasan. Iyon ang mga oras na tatawag ang amo nya para magpatulong na sa pagligo. Ngunit lagpas treinta minutos na ay hindi pa rin sya nito pinapaakyat.

Palakad-lakad lamang sya sa kanyang silid. Kagabi pa nya natapos ang mga pocketbook na nabili nya sa bayan noong day-off nya. Mag-uumaga na naman kasi nang dalawin sya ng antok dahil nga sa nangyari kagabi.

"Hindi kaya dahil alam ko nang hindi sya bulag kaya hindi na sya nagpapatulong sa pagligo? Tama! Dahil nga siguro don. Pero bakit naman sya mahihiya sakin? Trabaho ko yun. Isa pa, wala na rin naman syang maitatago dahil nakita ko na rin. Urgh! Ano ka ba naman, Mariana!"

Tinuktukan nya nang dalawang beses ang ulo. Kung anu-anong pumapasok sa utak nya, pati buong katawan ng amo ay inaalala pa nya. Pero sa totoo lamang ay iyon ang unang beses na nakakita sya ng hubad na lalaki. Ang naging nobyo nya na si Ruben, ni minsan ay hindi nya nakitang hubad, maliban na lamang kapag nagsasaka ang lalaki at naiinitan. Hinuhubad nito ang damit pang-itaas lang.

Napalingon sa pinto si Mariana nang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.

"Mariana... Mariana..."

Si Nanay Bebeng ang bumungad sa kanya. "Magandang umaga po," bati nya rito.

"Hindi ka pa ba mag-aalmusal iha?" nakangiting sabi nito.

Lumamlam ang mga mata ni Mariana. Naaalala nya ang Tyang sa mayordomang nasa kanyang harapan.

"Hinihintay ko po ang tawag ni Master."

"Naku, iha, maagang umalis si Kevin, kasama ang hipag nyang si Victoria. Ipinasyal sya ng babae."

Nakaramdam ng saya sa puso si Mariana. "Maiigi naman po, Nay Beng, na pumapasyal pala si Master paminsan-minsan. Makakabuti po sa kanya yon.

Hindi nakaligtas sa kanya ang pangangasim ng mukha ng matanda.

"Naku, iha, nasisiguro ko na napilitan lang ang batang yon. Makulit kasi iyong si Victoria."

Naglakad na ang matanda at sumabay na rin naman si Mariana. Binaybay na nila ang daan patungo sa kusina. Pagkaupo ay nilapagan kaagad sya ng matanda ng tinapay na may keso at kapeng umuusok pa.

Hindi mapakali si Mariana. Gusto nyang usisain ang mayordoma tungkol sa kalagayan ng mga mata ni Kevin. Kikibot-kibot ang kanyang katawan mula sa pagkaka-upo. Sa tuwing magtatama ang mga mata nila ng mataanda -- na abala sa pagsawsaw ng tinapay sa kape -- ay naglilihis sya ng tingin.

"May gusto ka bang sabihin, iha?" sita nito sa kanya.

"May gusto po sana kong itanong. Ang kaso... bawal ho kamo mag-usisa sa buhay ni Master," nahihiyang sabi nya, sabay yuko.

Natawa naman si Nanay Bebeng. "Napakagaan ng pakiramdam ko sa'yo, iha. Sa tingin ko ay napakabuti mong bata. Natitiyak kong magiging lihim ang ano mang sabihin ko sa'yo tungkol sa batang iyon. Ano ba ang gusto mong itanong?"

Napataas naman sya ng tingin sa mayordoma. Tipikal na matanda ang hitsura nito, at unang tingin pa lamang ay masasabi nang mabait. Maliit na babae lamang si Nanay Bebeng. palaging nakapuyod ang buhok nito at naka-mahabang saya. Bilog ang suot nitong salamin, ngunit kapansin-pansin ang mga mata nitong parang palaging nakatawa.

Napakamot sya sa batok. "Eh kasi po, Nay, si Master... bahagya po pala syang nakakakita." Bumakas ang gulat sa mga mata ng matanda. Nagtaka naman si Mariana. "Hindi nyo po ba alam, Nay?"

"Alam ko. Ang kaalaman mo ang ikinagulat ko. Anong ginawa mo at ipinagtapat sa'yo ni Kevin ang bagay na yon? Sa lahat ng naging katulong ng batang yon ay sayo nya lamang sinabi na nakakakita sya kahit kaunti."

Fix Me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon