"Bumalik ka rito. Ayoko nitong hinanda mong pagkain."
Huminga nang malalim si Mariana, saka iyon ibinuga nang marahas. Nauubos na ang pasensya nya sa amo. Pangatlong dala na nya rito ng almusal, lahat ay inaayawan ng lalaki. Mabuti sana kung kakainin iyon nang nandoon sya upang masabi kaagad kung hindi nito gusto. Ang kaso ay hihintayin muna na makaalis sya, at kung kailan nasa sariling kwarto na sya ay saka nito sasabihin na hindi nagustuhan ang kanyang dinala.
"Oh iha," may gulat na sa mukha ni Nanay Beng.
"Ayaw po ulit ni Master ng hinanda ko," ,atabang nyang sabi.
"Pagpasensyahan mo na. Heto oh," Iniabot sa kanya ng matanda ang tray na may lamang kape at tinapay. Sa platito ay may keso at green salad.
"Hindi ko ho talaga maintindihan ang mayayaman. Anong nagustuhan nila sa damong ito."
"Hindi damo yan, iha. Lettuce yan."
Natawa sya sa matanda.
"Alam ko, Nay. Pero kung ako na marami nang pera, ang kakainin ko yung masasarap na pagkain."
"Sya nga. Oh dalhin mo na 'to."
Kinuha na nya ang tray at tinungo ang kwarto ng among bugnutin. Kumatok na muna sya ng tatlong beses bago pumasok. Pagkalapag nya ng tray ay kinuha nya naman ang sopas na walang bawas ng lalaki. Lihim syang bumuntong hininga.
"Hindi ko kakainin yan. Nawalan na ko ng gana," malamig na sabi ni Kevin.
"Sayang naman po ang mga pagkain, Master."
"Kainin mo."
Kainin daw. Naramdaman ni Mariana ang pagkalam ng kanyang sikmura. Hindi pa rin nga pala sya nakakapag-almusal kakahintay sa utos ng amo. Napalunok sya ng dalawang beses nang mapatitig sa sopas na maraming sahog. Hindi na sya nagpatumpik-tumpik at naupo sa silyang kaharap ng lalaki.
"Ayaw nyo po talaga, Master?"
Umiling ang lalaki. Dinampot ni Mariana ang kutsara at sunod-sunod ang pagsubong ginawa sa mainit pang sopas.
<<<<<>>>>>
Naikuyom ni Kevin ang mga kamay na nakapatong sa kanyang hita. Kahit malabo ang kanyang paningin ay naaaninag nya kung paanong sensuwal na gumalaw ang mga labi ni Mariana sa pagnguya.
Sa unang tingin sa babae ay mukha itong tipikal na probinsyana. Ngunit kapag tinitigan na ito ay doon lang mapapansin ang tunay na ganda ng dalaga. Tama lamang ang taas nito para sa isang babae. Balingkinitan ang katawan, at madamitan lang ng tama ayon sa sukat ng katawan nito ay lalabas ang magandang hubog ng katawan ng babae.
Walang kolorete ang mukha ngunit masasabing maganda. Tamang kapal at hugis ng kilay. Maliit at katamtaman lang ang tangos ng ilong nito. Maliit ang mukha ng babae na maiihalintulad sa hugis ng puso. Manipis na labi na bumagay naman sa baba nito.
"Sinabi ko bang dito ka kumain?"
Nahinto ito sa pagsubo. Tila napahiya at nagbaba ng tingin.
"Pasensya na po." Mabilis nitong sinalansan ang mangkok kahit may laman pa iyon.
Napalatak naman sya. Hindi alam ni Kevin kung matutuwa ba sya o maiinis sa ugaling iyon ni Maraiana. Masyadong masunurin, mahinahon, mapagpasensya at... mabait. Kung palaging magiging ganoon ang dalaga sa lahat ng makakasalamuha nito ay hindi malabong mapagsalamantahan ito ng kapwa.
"Tsk! Tapusin mo na yan at sumunod ka sa akin sa CR."
Pinaikot nya ang gulong ng wheelchair at tinalikuran na ang babae. Wala syang narinig na pagtutol rito. Nang lingunin nya ito at itinuloy nga ng babae ang pagkain. Nakadama sya ng inis sa di malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Fix Me (COMPLETE)
RomanceUpang makatakas sa peligro ay napilitang lisanin ni Mariana ang nakalakihang lugar. Sa isang mansyon sa Maynila sya napadpad at namasukan bilang isang tagapag-alaga. Isang bulag at lumpo ang kanyang naging amo na sya rin dapat nyang alagaan. Madali...