45

135 7 8
                                    

Yam's POV

"Sabi mo yan ha?!!" sigaw ni Vincent bago lumabas sa office, napa buntong hininga nalang ako, parang bata, ako naman si uto uto.

---

"Coffee? bilis na libre kita" sabi sa akin ni Vince, Inangat ko ang tingin ko sa kanya sandali at ibinalik ito sa mga papeles, unang araw ko palang nag ka boss pa ako ng parang 3 year old.

"Hmm... sige, question and answer na lang tayo, at dahil ako ang boss mo ako ang mag tatanong at sasagot ka lang." sabi ni Vince tututol palang ako nang ipatong niya ang daliri niya sa bibig ko.

"Shhh... that's an order from me, your boss" sabi nito sabay ngisi, hayyy..

"Soo, start, May boyfriend ka ba?"

"Wala" sagot ko, asawa meron, yun ay kung kami pa ba.

"First job mo to?" 

"hmm hmm" sabi ko habang pinapagpatuloy ang pag suri sa mga papeles.

"Yam ba talaga ang buong pangalan mo?"

"Oo" madalas tinatanong nila kung saan nakuha ang yam, well sa yam kasi ako pinaglihi ni mommy

halos lahat ng tanong niya ay tama naman kaya bawat tanong ay 'Oo' ang sinasagot ko.

"Oo"

"Yeah"

"hmm hmm"

Ang mga sagot ko.

"Coffee?"

"Yeah" 

"Sabi mo yan ha?!!" sigaw niya. Shit nauto ako

------

Binuhat ko ang bag ko at bumaba sa parking kung saan kami mag kikita ni Vince. Pag baba sa lobby ay may sumalubong sa akin.

Agad ko siyang sinampal, Wala na akong pakialam kung lahat sila ay naka tingin sa akin, at kahit na matanggal ako sa trabaho ay sasaktan ko parin tong malanding to.

Pagkasampal ko sa kanya ay may tumulong luha mula sa kanyang mga mata. "Y-Yam I'm sorry, pwede ba tayong mag usap mula sandali?" sabi niya, nilagpasan ko siya at papunta na sa parking nang sundan niya ako at hawakan ang aking braso, nanginginig ako sa galit, ang kapal ng mukha niyang harapin pa ako.

"Yam Please, may kailangan kang malaman, it's about Min" sabi niya na nag patigil sa akin, Tinignan ko siya at nakita kong may bahid ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

Sinalubong naman ako ni Vince, "Yam" tawag nito sa akin, " I'm sorry Vince, kailangan kong kausapin si Wendy bukas na lang" sabi ko at tinalikuran siya, Ako na mismo ang kumaladkad kay Wendy papasok sa isang cafe.

-

"Anong meron kay Min?" Nanunuyo ang lalamunan ko sa pag banggit ng pangalan niya, Uminom muna ako sa kape ko at inantay sumagot si Wendy.

"Buntis ako at siya ang ama" para akong sinampal sa mukha ng sinabi niya, para akong sinaksak ng ilang daang beses, "Hindi nakakatawa yung mga sinasabi mo Wendy , Anong meron kay Min?!'' hindi ko mapigilang sumigaw,

May tumulong luha sa mata niya.

"Buntis ako at si Terence ang ama"

It Started With A Stare    [Suga FF]   Where stories live. Discover now