Truth// Mistaken

169 5 10
                                    

Terence's POV

Agad akong humingi ng kopya ng video sa condo at dumeretso na sa bahay nila Yam, Kinakabahan ako, kaya niya pa ba akong tanggapin? Pinagsisisihan kong bumitaw ako, Sana ay wag niya akong hayaang mahulog, Yam sasaluhin mo ba ako?

Pinarada ko ang kotse ko at nag doorbell, Pinagbuksan ako ni manang, bakas naman ang pagkagulat sa mukha niya na nagtataka kung anong ginagawa ko dito, nilagpasan ko siya at dumerederetso sa loob ng bahay.

Hindi ko gusto ang naabutan ko.

Yam's POV

Nagkakape kami ngayon ni Vince dahil medyo malamig ang panahon ngayon, Mag dedecember na pala. Nagulat nalang ako nang tumawa si vince. 

"Bakit?!" tanong ko pero tumawa siya at may tinuro sa mukha ko, Tinignan ko ang mukha ko gamit ang front camera ng phone ko, nalagyan ako ng cream sa may pisngi.

"Anong nakakatawa dun Kuya?!!! Ikaw huh!!" sabi ko tsaka siya pinunasan ng icing ng cake, tumakbo naman siya at hinabol ko siya, "Wag lang kita maabutan huh?!! susumbong kita kay ate Alexis baka hindi ka pakasalan nun!!" sabi ko, naabutan ko siya at kiniliti, Inakap niya naman ako para pigilan ako.

Bigla na lang bumagsak sa lupa si kuya Vince. Tinulungan ko siya tumayo, Laking gulat ko nang makita na nakatayo si Terence sa harap ko habang nangigigil.

Tumawa naman ng mahina si Kuya Vince, Maski ako ay gusto ko din tumawa kung hindi ba naman kasi mukhang tanga si Min.

"Vince!!! Okay ka lang?!!" kinindatan ko ng palihim si Vince, Bilis na Kuya, Sumakay ka na sa trip ko hahahaha, 

"Sandali lang ako nawala ano may kapalit na ako?!! Are you that Sick of me na ang bilis mo akong palitan?!!" sigaw ni min, Palihim akong tumawa.  "Bakit?!! sino ba ang naka buntis?!!" sabi ko, kahit na medyo napatawad ko na siya masakit padin ang mga nangyari lalo na para sa akin.

"Kaya nga ako pumunta diro para sabihin na hindi ako ang ama ng dinadala ni       Wendy!!" sabi niya, napanganga naman ako sa sinabi niya, sinasabi ko na nga ba at hindi to magagawa ni Min.

(Author: ULUL nung una nga halos isumpa ko si Min ehh, anyway epal lang ako) 😝


"Talaga?" tanong ko.

"Oo kaso mukhang late na ako" sabi niya habang naka tingin kay kuya vince, Hahahaha seryoso siya?! Ang akala niya ay may relasyon kami hahahaha Ayoko nako po, Baka masabunutan ako ni Ate Alex!! Ayoko pang makalbo.

Oh.. Para sa mga nalilito, kaya kami madalas na mag kasama ni Kuya Vince dahil tinulungan ko siyang makipag balikan sa Ex niyang si Ate Alexis, Ehh nahihiya  pa siya, Mahal parin pala nila ang isa't isa, Ayun ako nag set up sa  kanila, Kinulong ko sa office hahahaha.

"Gago!!" sigaw ko sa kanya sabay tawa

"Ako na nga itong pinagpalit, sisigawan pa ako ng gago, ano ba itong buhay na to!!"

"Kaibigan ko lang kasi si kuya Vince"sabi ko

"Talaga?!" Tanong nito na hindi makapaniwala.

"Talaga" May sumagot sa likod niya, Si Ate Alex, Humalik agad ito kay Kuya Vince.

"Babe?!! Bakit may pasa ka?!!" sabi ni Ate Alex kay Kuya Vince.

"Tanong mo sa asawa Este EX ni Yam" sabi ni Vince habang nag papa awa kay ate Alex.

"Ikaw yung Asawa ni Yam?! " Tanong ni Ate Alex kay Min.

Tumango naman ang gagong ito.

Ayun, pinagpapalo siya ni ate Alex ng walis, Pinsan ko nga pala si Ate alex at soon to be bayaw ko si Kuya Vince. Napakalakas ng palo ni Ate Alex Kay Min, Siya lang ang Buntis na amazonang kilala ko

"Gago Ka Tangina mo Mamatay ka na Mamatay ka na!!" sigaw nito kay Min. Tumatawa akong inawat siya "Tama na Ate Alex" sabi ko,

"Wag mo siyang saktan, Mahal ko padin naman tong gagong to" sabi ko at Hinalikan si Min

"Ewww!!" sabi ni Kuya Vince kaya Piningot siya ni Ate

"Shhh!! Panira ka ng Moment!! Awww Ang sweet!!" Ayan nanaman ang mood swings ni Ate kung kanina halos patayin niya si Min ngayon ay Sweet na sweet siya sa amin.

Na miss ko ang Douchebag ko

-----

EPILOUGE Soon ->>>>>     😱😱😱😱😱😭😭😭😭😊❤️


It Started With A Stare    [Suga FF]   Where stories live. Discover now