Letting go

147 7 1
                                    

Yam's POV

Nasa bahay ako ngayon kasama si Vince, Well technically pinilit niyang isama ko siya.

*Ding dong*

Lumabas ako para buksan ang gate, Iniabot sa akin nung lalaki yung mail at agad akong pumirma para i recieve ito, Binuksan ko ang Envelope at Nanginig ang kamay ko sa nakita ko.

Napaupo na lang ako at napahagulgol ng malakas , maya maya ay may kamay na humagod sa likod ko, 

"Shhhhh" sabi ni Vince at tinignan ang Papeles na hawak ko, Annulment papers na nanggaling kay Terence.

"Vince... Ang hirap, ang akala ko ipaglalaban niya ako, yun pala siya ang unang bibitaw" sabi ko, umiling naman si Vince saka nag salita.

"Hindi siya bumitaw Yam, Nabali lang ang kung ano mang kinakapitan niya" sabi naman nito, Hindi ko siya naintindihan at hindi ko kahit kelan man maiintindihan ang mga nangyayari,

"Birthday ko ba? Hahahaha ang gandang regalo naman nito" sabi ko sabay turo sa annulment papers, Nagulat na lang ako nang maramdaman na binubuhat ako ni Vince, 

"Ganun ba? Happy Birthday" sabi niya sabay hinalikan ako sa noo, Ang halik niya ay parang nag papakalma sa kalooban ko.

"Tara kain tayo cake" sabi niya at inalalayan ako papasok ng bahay. Sana mas maaga kong nakilala si Vince, baka sakaling hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.

Umupo ako at inantay na bumalik si Vince mula sa kusina. Nilapagan niya ako ng isang slice ng chocolate cake. 

"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday ! Happy Birthday... Happy Birthday to you" Natawa na lang ako nung kumanta si Vince, Hinipan ko ang Imaginary Candles ko.

Baka nga tama si Vince, Baka nga Birthday ko, Ngayon ipapanganak ang pinaka matibay na babae sa mundo, Kinuha ko ang pen at pinirmahan ang mga papeles.

I LET YOU GO MY DOUCHE BAG.


Terence's POV

Papunta ako ngayon sa Condo para dalawin ang mag ina ko, Si Wendy at ang magiging anak ko, Ayoko naman maapektuhan yung bata dahil sa relasyon namin ni Wendy. Pangarap kong maging pinaka cool na Daddy sa buong mundo. Matutuloy naman ang Pangarap ko, Iba nga lang ang nanay ng anak ko.

*knock*

Agad naamn akong pinagbuksan ni Wendy, kitang kita naman ang pagbabago sa kanyang katawan, Medyo mas tumaba siya. 

"Babe!!" tawag nito sa akin, Dumeretso lang ako sa loob ng condo at iniwan siya sa may pinto. Hindi ko parin alam ang dahilan kung paano nangyaring nag karoon ako ng anak sa ibang babae na hindi si Yam.

Hinainan niya ako ng makakakain pero hindi ko manlang ito ginalaw, wala akong gana para sa kahit ano maliban sa alak. Sumimangot naman siya at kumandong sa akin, apilit niya akong sinubuan.

"Ahhhhh...." sabi niya, Hindi ko naman binuka ang bibig ko, May tumulong mga luha sa mata niya, nagiging emosyonal siya at maaring dala ito ng pag bubuntis,kaya agad ko namang sinubo ang pagkaing nasa kutsara.

Maya maya ay natapos na din ako sa pagkain, Tumayo ako para mag kubeta dahil hindi ko alam kung ano bang pinapakain sa akin nung babaeng iyon, bigla na lamang sumakit ang tiyan ko.

Ni lock ko ang pinto at umupo sa inidoro Nag masid masid ako sa Cr at nahinto ang mata ko sa isang bagay na nasa Cabinet.

'Fertility pills?' Bakit merong ganyan si Wendy?? Tumayo ako at hinalughog pa ang laman ng cabinet, Nagilat naman ako nang may makita doong isang bagay, 

'Gamit na condom?'

What the fuck? Unti unting nag sink in sa utak ko ang lahat, Maaaring ito say isa lang pagkakamali. Lumabas ako sa banyo at tumakbo pababa sa receptionist. 

" Miss pwede bang paki check ang  CCTV footage sa floor 45 ng Oct 21?" sabi ko, Ipina check ko ang date kung kelan ako umuwi sa condo ko matapos kong magising sa condo niya.

Halos masuntok ko ang table nang makita ang isang lalaking lumabas mula sa condo niya habang  nag susuot ng damit.

'Posible kayang lahat kami ay naloko ni Wendy?'


It Started With A Stare    [Suga FF]   Where stories live. Discover now