This is the time

136 9 4
                                    

This is the time, I let you go.

----------------

Yam's POV.

Inialis ko sa likod ko ang kamay ni Miyu, 

"Yam, tama na naman, pang ilang bote mo na yan." sabi niya, hindi ko siya pinansin at nilagok ang isa pang bote, medyo dumodoble na ang paningin ko at mejo nasusuka na din ako. Nag ring ang phone ko.

---

'Yam'

"Oh.. Vince, napatawag ka"

'Kakamustahin lang sana kita, Asan ka ?bakit parang mejo maingay?'

"Nasa Bar, sa may Timog" sabi ko kay Vince

-----

*toot toot*

Nagulat ako nang marinig ang tono ng telepono, Binabaan ako ni Vince ng Phone, Tumayo si Miyu at lumayo sa amin ni Jae


Miyu's POV

Tinawagan ko si Terence , Sobra na kasi ang nainom ni Yam at kailangan din namin umuwi ni Jaela pero hindi naman namin maiwang mag isa si Yam na lasing.

___

Maya maya ay nakita ko na ang Kotse ni Terence na Pumarada sa parking, pinuntahan ko si Jaela at inaya na umuwi na, sabog na sabog na yung mga mata ko.

"Jae, Uwi na tayo, anjan na si Terence" sabi ko at nilingon ang tulog na si Yam. Tumango naman si Jaela at pumunta na kami ng parking.

Terence's POV

Nag mamadali akong bumaba sa kotse at tumakbo papasok ng Bar, May nabangga akong isang lalaki na naka puting polo, Mag sosorry palang ako nang tumakbo ito papasok, mukhang nag mamadali, Pumasok ako at hinanap ang asawa ko.

Nakita ko si Yam pero kumunot ang noo ko nang lapitan siya ng lalaking naka polo, agad akong tumakbo.

"Pare, bitiwan mo ang asawa ko" sabi ko sa lalaki, siya din ang nabunggo ko kanina

"Ako ang boss ni Yam at hindi ko siya pwedeng iwan sa lalaking hindi ko alam kung ano ang balak sa kanya" sabi naman nito, siya pala ang boss mi Yam, Yung Vince.

Umangat naman ang ulo ni Yam at agad sumuka, nasukahan niya sa dibdib yung 'Vince' . 

Nice one Bitch , napangisi ako sa ginawa ni Yam, Kinuha ko ang Braso ni Yam at inakay.

"Tara na Yam, Uwi na tayo" sabi ko, inangat nito ang ulo at tinignan ako, agad itong umiling.

"Yoko sayo!!! *hik* sinaktan mo ko *hik* Tangina mo!!!" sabi ni yam at ngumuso pa bago umiling iling. Unti unting tumulo ang mga luha sa kanyang magagandang mata, sinabayan pa ito ng pag sinok niya.

Inalalayan siya palabas ni Vince at halos ikamatay ko yun, Ano na ba ang nangyayari sa amin ni Yam? Pinag masdan ko ang walang buhay na si Yam habang  buhat buhat siya nung Vince, agad sumiklab sa puso ko ang selos.

Tangina.


Yam's POV

Nagising ako sa matinding sakit ng ulo ko, unti unti kong minulat ang mata ko at napansin na nasa ibang kwarto ako, Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bagong gising na si Vince.

"Vince?!!" nag tataka ako, tinignan ko ang suot ko, ganun parin anamn siya, pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi, pero wala akong naalala. Napangiti na lang ako nang maisip na Inalagaan ako ni Vince, ang sarap pala ng may taong umiintindi sa yo.

*Click*

Narinig ko ang Tunog ng isang camera, Agad nanlaki ang mata ko nang makitang tumatawa si Vince habang tinitiganan ang litrato kong kinuha niya,

 "Vinceeee?!!!" sigaw kopero tumakbo lang siya palabas ng kwarto, napa iling na lang ako nang makita ang sarili ko sa salamin, Ganito ang itsura ko sa Picture?!!! No way!!

Magulong buhok, gusot gusot na blouse at malalaking eyebags, Shit!!

*Ting*

tumunog ang notification ng phone ko,

'Vincent Lim tagged you in a photo'

"Fuck!!!" napasigaw na lang ako.


Terence's POV

*Ting*

 tumunog ang phone ko.

'Yam C. Dela Fuente was tagged in a photo'

Agad kong tinignan iyon, Litrato ni Yam na mukhang bagong gising at may ngiti sa mukha, kahit kelan na asawa ko siya ay hindi ko siya nakitang gumising na ganyan kasya, napa iling na lang ako sa naisip ko.

'Vincent Lim: Ganda hahahahaha #Crushpokita Yieee kakainlove ka'

Agad namang maraming nag comment pero nanigas ako nang mabasa ang huling comment.

'awww'

'sweet'

'Naka pumapagibig si boss Vince'

 'Miyu Gomez: Salamat naman at may nag papasaya na kay Yam'

Hindi ko nga ba siya napasaya? Tumulo ang luha sa mga mata ko, Lahat nalang ng ibinigay ko ay problema, What kind of husband am I?! 

Well Ngayon hindi na, Because  This is the time, I let you Go Yam




It Started With A Stare    [Suga FF]   Where stories live. Discover now