3

174 10 10
                                    

Someone's POV

"Sis" Sinalubong ko ang magandang babae na tumawag sa aking napaka gandang pangalan, Dun ko lang napansin ang mga mata niyang namamaga at ang maputla niyang mukha, ang dating may hubog na katawan ay naging matamlay, Grabe naman ang epekto ni Min sa kanya.

"Wendy?!! Fix yourself!!" Halos maiyak ako nang makita sa ganitong kalagayan ang Nakababata kong kapatid,

"Krys, Kahit na gusto ko I can't!!!, Ilang taon kong inintay na mapatawad niya ako tas ngayon malalaman ko na napalitan na ako nung Yam na yun?!!!" Sumigaw siya at tumakbo palabas ng bahay.

*Crash*

"Wendy!!!" Halos mapatid ang lalamunan ko kaka sigaw sa kapatid ko na ngayon ako naka tulala, 

"Kung mag papakamatay ka, Uminom ka na lang ng Air freshener!!! babango na hininga mo, mamamatay ka pa!!" sigaw nung driver bago inialis yung gasgas niya nang sasakyan.

'Matapos ang ilang araw'

*knock*

Pinasok ko ang kwarto na kanina ko pa kinakatok, halos lumuwa ang mata ko nang makit ang kapatid ko na Umiiyak habang naglalaslas ng kanyang pulso gamit ang kutsilyo.

"Wendyyyy!!!" Inawatko ang kamay niya sa pagsusugat sa kanyang mala porselana na kutis, Tumawa lang ito at umiling bago himatayin

"Yam" lagot ka sa akin

Yam's POV

Papunta ako ngayon sa Canteen, kasama ang dalawang pwet, Bigla namang may humarang sa dinaraanan namin, Pathetic Queenkas,  Sana and Krys,

"You Bitch!!" sigaw ni Sana at napatingin sa amin lahat halos ng studyante,

"Narinig ko na nilalandi mo si Terence habang sila pa ni Wendy!  Ahhh.. Kaya pala!! iba din talag nagagawa ng higad ehh no?!" Sigaw nito, halos mandiri ang tingin ng mga tao sa akin, Unti unti na din namumuo ang luha sa mga mata ko, Hindi ako sanay na napapahiya, lumaki ako na puro papuri ang naririnig ko mula sa ibang tao, Nagulat naman ako nang Dumami ang mga nasa likod niya, May Humawak naman sa braso ko mula sa likod. Sasanggahin ko sana nang humigpit ang hawak nito

Nang tutulungan naman ako nila Jae ay mayroon ding humawak sa kanilang mga braso, "Shit" sabi ni Miyu

Maya maya ay may 3 babaeng sumabunot sa akin, kasama na dun si Krys, Naiiyak ako sa hipit ng hawak nila sa buhok ko, maya maya ay naka ramdam na din ako ng mga tadyak sa tiyan at nagdilim na ang paningin ko

----

Pagdilat ko ay nasilaw ako sa liwanag, Infairness!! nasa langit ako, ineexpect ko ay sa impyerno

pero di nagtagal ay naramdaman ko din ang kirot ng akong buong katawa, nag masid naman ako sa paligid ko,

"Clinic lang pala, akala ko langit" sabi ko nang may narinig akong tumawa sa gilid ko.

"Sky" Banggit ko sa pangalan niya, nagulat ako at nalaman niya, ngumisi naman siya

"Sila Jae at Miyu?? Si Min??"  sunod sunod na tanong ko

"Gusto mo malaman??' sabi ni sky

"Uhhh??? Siguro?? Kaya ako nag tanong kasi malamang gusto kong sagutin mo" sarkastikong sagot ko, tumawa siya bago ako alalalayan papunta sa Quad.

Pag baba ko ay nakita ko ang naak paskil na Tarpaulin ni Krys, Sana at nang iba pang babae na bumugbog sa akin, Nakatayo ang Bangtan at Got6 sa stage habang si Aj naman ang may hawak ng Micropono,

"Welcome to Hell" bulong nito sa mic sabay halakhak, Tumayo si Justin sa harap at kinuha ang micropono,

"Bilang leader ng Got7, Ipinapataw ko ang Blue Card sa Mga taong ito dahil sa pagbugbog nila sa kaibigan ko" sabi nito

"Bilang Leader ng Bangtan ipinapataw ko Ang Red Card sa mga taong ito dahil sa pagbugbog nila sa kaibigan ko" sabi naman ni August na nakatayo sa tabi ni Justin

Teka?!! Blue Card?? Red Card?? WTF is that?? Parang Vcard lol

"Shit" narinig kong bulong ng estudyanteng katabi ko, "Pambihira" sabi naman ng kasama nito

Inakbayan naman ako ng kakadating lang na si Blake

"Blue Card: Magiging Server ka ng School, Red Card: The whole school bullies you, at mangunguna dun ang dalawang gang ng School na to, GotBangtan" sabi niya sabay ngisi, 

Agad naman akong napanganga at sasagot palang nang itulak niya ako papuntang stage, Owww!!! Tinamaan niya ang Benda ko sa braso kaya agad siyang tinitigan ng masama ni Min, Lumunok naman siya at nag Peace sign

"Oo nga pala, The Rumors are true, Yam is now the girlfriend of Terence Min G. De la Fuente" sabi ni Min sabang ngisi sa mic "And I declare na kahit sinong bumangga sa kanya ay bumangga din sa bangtan, At sa oras na kawawain niyo siya, Expect your Red and Blue Cards" sabi nito


-------A/n

Pasensya na sa  late updates kakatapos lang ng exams #bagsak

BTW Thank you @-daminyo sa cover,labyu chenpai

It Started With A Stare    [Suga FF]   Where stories live. Discover now