Chapter 1: Entertainment Academy

36 2 0
                                    

Entertainment Academy

School para sa mga estudyanteng may mga talento.

Nahahati sa bawat grupo kung anong merong talento ka.

May magaling sa pagkanta , pagsayaw , pag-arte , sports at iba pa.

Hindi ka allowed pumasok sa school na ito kung wala kang talento.





"Mama! Ayoko ngang pumasok dun! Kuntento na ko sa school ko. Tsaka yung mga kabarkada ko paano na lang!" Pagsigaw ni Lalisa sa kanyang ina.

"Lisa , para sa ikabubuti mo rin ito. Para mahasa ka sa pagkanta. Sayang ang ipinamana nang iyong ama na talento kung di mo rin naman ilalabas yan!" Paglilitanya ng aking magaling na ina.

"Ma! Ayoko as in AYOKO!" Sabay tayo ko at akyat sa hagdanan

"Wala kang magagawa Lisa! Alam mo yan. Mag impake ka na at bukas na bukas pupunta tayo don!" Habol niya sakin.

Padabog kong sinarado ang pinto ng aking kwarto. Kung kailan ako sumasaya dun pa mawawala. Paano na lang ako magpapaalam sa mga kaibigan ko.

Inaamin ko naman na magaling akong kumanta pero ang magulang ko pa lang at isa kong bestfriend ang nakarinig nito. Masyado akong mahiyain para sa ganon.

Tapos ipapasok pa ko sa ganung school. Jusko! Ano na lang mangyayari sakin.

Sa school ko kase ngayon kinatatakutan ako ng mga estudyante kase kasali ako sa mga frat sa school namin kaya masaya ako. Ewan ko na lang bukas pero kaya kong makipaglaban kahit sampung lalaki pa yan. Praktisado kaya ako ng papa ko.

Bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig dahil nauuhaw ako ng madaan ako sa kwarto ng mama ko.

"Oo mare! Para malayo layo naman siya sa mga kabarkada niya. Masyadong BI yung mga tropa niya. Buti na lang at teacher ka dyan" salita ng mama ko sa kausap niya sa cellphone.

Kaya pala ako lilipat ng school dahil sa kabarkada ko! Hindi ako papayag . Masyadong mababaw si mama. Masaya ako dito kaya di ako papayag.

"Tsaka baka umuwi na ang tatay niya. Pagalitan pa ako at ganito ang nangyayari sa anak ko."

Doon na ko nanlambot. Uuwi si papa?
Ayoko makita niya akong ganito. Masyadong istrikto si papa para sakin pero mapagmahal. 5 years na kasi siyang hindi nakakauwi dahil nagtratrabaho siya sa Canada.

Doon na kong nagpasyang lilipat ako bukas. Inayos ko na ang mga dadalhin ko para bukas at syempre kasama ang gitarang gawa pa ni papa para sakin.




Nagising ako sa pagyugyog sa akin ni mama. Tinignan ko ang orasan at 5 pa lang nang umaga.

"Lisa gumising ka na. Maaga tayo aalis dahil baka mahuli tayo sa interview mo."

Hindi ako sumagot imbis ay tumayo na ako at naligo.

Pagbaba ko ay amoy ko na kaagad ang almusal namin.

"Akala ko pahirapan pa ang pagpunta natin don." Nakangiting sabi sakin ni mama.

"Ano pa bang magagawa ko?" Sabay subo ng kanin.

Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kaming pumunta sa school na sinasabi ni mama.

ENTERTAINMENT ACADEMY (EXO/BLACKPINK/BTS/2NE1/BIGBANG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon