CHAPTER 6: KAI VS. TAEHYUNG

19 2 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng pagkatok ng pintuan.

"Lalisaaaa! Kailangan mo nang bumangon. Maaga pa tayo!"  Sigaw ni Sandara

Tinignan ko ang orasan ko . Alas-5 palang pala, aba'y 8 pa ang pasok namin. Tumayo na rin ako at naligo.

Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin. Napaka-iksi naman ng palda ko . Masyado nang mahaba ang buhok ko.

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas. Naabutan ko silang kumakain na nang almusal.

"Grabe ambagal mo kumilos ha!"  Pagmaktol ni Tzuyu.

"Bilisan mo na. Baka pumasok ang Peculiar Band. Syempre lalapit sayo si Taehyung tapos lalapit samin yung mga kaibagan niya. Waaahhh!" Sigaw ni Jisoo.

"So ginagamit niyo lang ako?" Sabay kuha ko nang hotdog at gatas.

"Oy hindi ah!" Sabay sabi nilang tatlo.

Napangiti na lang ako nang lihim. Makakasama ko talaga ang tatlong baliw nato.

Pagkapasok namin sa school ay pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Masyado bang mga sikat ang mga kasama ko?

"Madami kaseng nagkakagusto kay Tzuyu dahil sa kagandahan niya . Athlete pa siya. " bulong sakin ni Sandara.

"Mauna na kami ni Lalisa! Bye!" pagpapaalam ni Sandara.

Umalis na nga kami pero ang tinginan parin nang mga estudyante ay samin parin.

"Omo! " napatakip si Sandara sa kanyang bibig.

Napatingin naman ako sa direksiyon kung saan siya nakatingin.


Nakasandal si Kai sa gilid ng pintuan nang isang classroom. Patuloy pa rin kami sa paglakad.

Nang malapit na kami hinila ako ni Sandara kung saang room nakasandal si Kai.

"Hoy. Dito yung room natin!"  Pagtawag sakin ni Sandara

Nang malapit na kami sa room ay nilapitan ako ni Kai. Napansin kong may pasa siya sa gilid nang labi niya.

"Lalisa, pwede ba tayong mag-usap?"  Seryosong sabi nito.

Pumasok naman si Sandara sa classroom dahil nahihiya ata siya kay Kai.

"May pasok pa kami. Pasensiya na!"  Pagpapaumanhin ko.

"Ganun ba. Hintayin na lang kita mamaya?"

Hindi talaga ako mapakali sa pasa niya. Buti at maaga kaming pumasok.

"Napano yang pasa mo sa mukha? Nag-usap lang tayo kagabi. Nakipag-away ka ba?" 

Napangiti naman siya sa inasal ko.

"Hanggang ngayon pala nag-aalala ka pa sakin. Wala lang to!"  Pagpapalusot niya.

Tinignan ko siya ng masama. Ngumuso ako at aakmang aalis pero pinigilan niya ko.

"Joke lang naman. Napa-away nga ako pero dahil sayo!"  Sabay kindat sakin

Dahil sakin?

"Ha?" Pagtatanong ko.

Magsasalita na sana siya kaso tumunog na ang bell.

"Mamaya ha!"  Tumango na lang ako at umalis na rin siya.

Pumasok na ko sa room at pumunta sa pwesto ni Sandara.

"Oh? Ano nang pinag-usapan niyo? Nakikipagbalikan ba?"  Halata ang kanyang pagkakilig kaya ang iba naming kaklase ay tinitignan siya.

"Ano ka ba! Gusto lang makipag-usap" bulong ko sa kanya

Dumating na ang teacher kaya tumahimik na rin ang klase.

"May bago kayong kaklase. Iha tumayo ka at magpakilala." Sabay tingin si Mrs. Cora.

Tumayo ako at inayos ang aking buhok.

"My name is Lalisa Monterey , 17 " mabilis akong umupo .

Nasa kalagitnaan kami nang lesson nang bumukas ang pintuan at pumasok si TAEHYUNG?

"Oh Mr. Hotohori? Anong ginagawa mo dito?"  Pagtatanong ni Mrs. Cora

"Mrs. Cora may pagbibigyan lang po ako nang bulaklak!"  Sabay pakita niya ng bulaklak.

Tumingin naman siya sakin at kinindatan ako. Napa-iling na lang ako sa ginagawa niya.

"Sino bang nililigiwan mo dito?"  Pakilig-kilig na sabi ni Mrs. Cora

Imbis na sagutin niya si Mrs. Cora ay pumunta siya sa pwesto ko.

"For you!"  Sabay abot sakin nang bulaklak.

Tinanggap ko naman ito pero di ko siya tinignan. Imbis na umalis na siya ay umupo siya sa tabi ko. Nakita ko naman ang pag-irap sakin ni Rose.

"Umalis ka na nga dito." Bulong ko sa kanya

"TALAGA! PINAPAYAGAN MO NA AKONG MANLIGAW? PROMISE GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA MAPASAGOT KA!" sigaw niya.


Jusme! Anong kahihiyan ito. Umub-ob na lang ako sa desk ko dahil iritan nang iritan ang mga kaklase ko lalo na si Sandara.

Nanatili lang akong nakaub-ob ng maramdaman ko na may gumalaw sa upuan ko.


"Pasok na ko ha." Bulong niya sakin.

Nang makaalis na siya ay tinaas ko na ang ulo ko pero sakin parin nakatingin ang mga kaklase ko lalo na si Sandara. Pagkatapos nun ay sabay sabay silang nag-iritan. Ang mga lalaki naman ay iiling-iling lang.


"Omo! Lalisa! Ikaw na talaga. Paamoy!"  Sabay kuha niya sakin ng bulaklak at inamoy amoy niya pa.


"Sayo na lang yan, san na next class natin?"  Inayos ko na ang bag ko at tumayo.



"Sa convention tayo ngayon bes!"  Singhot singhot niya pa rin yung bulaklak. Akala mo naman sa kanya binigay.

"Bes?"


"Bes na kita simula ngayon. Lakad mo ko kay Gd please!"  Pagmamakaawa niya.

Inirapan ko lang siya.

"Duh. Kilala ko ba yun? " pagtatanong ko.

"Ano ka ba! Ka-member ni Taehyung yun diba? " mapang-inis niyang tanong.

"Tara na nga! Ano bang gagawin natin dun?"

"Dun natin mapapakita kung gaano kaganda at katalented tayo. 70% nito ang sa grades natin kaya dapat magaling ka. Alam mo ba yung Anonymous? Minsan lang sila pumasok pero mataas grades nila."

"Okay" pagsasang-ayon ko na lang kahit himdi ako interisado.

ENTERTAINMENT ACADEMY (EXO/BLACKPINK/BTS/2NE1/BIGBANG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon