"Sino ang nauna? Ikaw naman kaka-enroll mo lang dito ha!" turo sakin nang babaeng may malaking salamin sa mata.
"Mrs.Guzman sila naman po kasi ang nauna. Naglalakad lang kami tas hinarangan nila kami. Hindi naman po kasi susuntukin ni Lalisa si Jennie kung hindi ako sinabunutan non!" Sabay daing sa ulo niya.
"Mrs. Guzman, sila ang nangharang samin. Kabago-bago lang kase masyado ka nang mayabang!" Yung mahinhin na naman .
Nandito kami sa guidance dahil may dumating na kaagad na teacher. Dinala kami dito. Grabe nakaka-antok na!
"Mrs. Guzman pwede na po ba kaming umalis?" Pagsasalita ko.
"Tignan niyo na Mrs. Guzman wala talaga siyang manners!" Sabi nung babaeng medyo chubby.
"Madami naman po kasing witness!" Sabi ni Sandara.
Magsasalita na sana ulit si Mrs. Guzman nang biglang bumukas ang pinto.
"Omo! Si Kai" impit ni Sandara
"Anong ginagawa mo dito Mr. Reon?" Pabebeng teacher nato!
Bigla akong tiningnan ni Kai pero inirapan ko lang siya. Akala niya naman mapapatawad ko siya sa ginawa niya sakin.
"Uhm. Nakita ko po kasi silang nag-aaway . Nagsimula po talaga niyan ay sina Taeyeon. " pagpapaliwanag ni Kai
"Taeyeon at Rose! Mag sorry na kayo sa kanila! Warning na to ha" pagalit na sabi ni Mrs. Guzman
Jusme. Isang salita lang ni Kai napasunod na kaagad si Mrs. Guzman. Tinignan ko ang kabuuan niya. Lalong naging matured ang mukha niya. Pero maamo pa rin ito gaya nang dati.
"Sorry!" Sambit nang dalawa . Yung Jennie kase nasa clinic pa.
"So okay na Ms. Monterey at Ms. Monatana?"
"Ah opo. Maraming salamat po. Salamat din sayo Kai!" Pagpapasalamat ni Sandara.
Lumabas na kami nang guidance pero hinabol ako ni Kai. Masyadong nakakapagod ang araw na ito ha.
"Lisa, pwede ba tayong mag-usap? Please" pagpipilit niya.
Si Sandara naman iyon nakanganga pa rin.
"Sandara , mauna ka na" sabi ko kay Sandara.
"Uh-ah sige. Mag iingat ka ha"
Tumango na lang ako at tuluyan na siyang umalis.
"Kamusta ka na?" Paninimula ni Kai
"Wala na kong pake at wala ka na ring pake sakin Kai. Kaya please wag ka nnag manggulo sa buhay ko! Nakakainis ka!" Asik ko sa kanya.
Naalala ko na naman yung dating kami. Umalis siya nang walang paalam, nag effort pa ko nun ha. Napahiya ako sa buong campus namin dahil yung pinagmamayabang kong lalaki sa buhay ko ay umalis nang walang paalam.
"Sorry. Alam mo naman yung mga problema ko dati diba? Yung day na anniversary natin. Papunta na ko sa tinext mong lugar sakin pero inatake sa puso si mama noong araw nayon. Pagkatapos nun si papa na ang nagpa-aral sakin. Dinala niya ako dito pero hindi na kita na-contact non." Pagpapaliwanag niya.
"Hahahaaha! Ganun ba? Napaka-imposible!" Pagsigaw ko sa kanya. Tuluyan na kong napaiyak, bumalik ulit yung ala-ala kong sobrang lugmok ako.
"Nakita ko ang ate mo nun dito. Tinanong kita sa kanya pero sabi niya nasa America ka na at may bago ka nang boyfriend. Hayaan na lang daw kita dahil masaya ka na"
Napatawa na lang ako bigla sa galit.
"Alam mo namang malaki ang galit sakin ni ate diba? Naniwala ka sa kanya? Ilang buwan din akong nag move-on sayo. Dahil sayo lumayo ang loob sakin ni papa. Naging rebelde ako. Alam mo ba yun?" Paninisi ko sa kanya.
"I'm sorry" pag-uulit niya
"Pero salamat. Salamat dahil may nakilala akong tunay na kaibigan nung wala ka"
Naalala ko na naman ang mga kabarkada ko. Kamusta na kaya sila?
"Sige mauuna ko. Nakakapagod ngayong araw nato"
"Ihahatid na kita"
Hindi na ko nagpumiglas dahil masyado na kong napagod. Habang naglalakad kami papuntang dorm ay nakikita ko ang mga estudyanteng nagbubulungan.
Huminto ako sa dorm namin.
"Salamat " pagpapasalamat ko.
"Walang anuman."
Pumasok na ko sa room. Nadatnan ko sila Sandara na nagluluto.
"Uhm. Maupo ka muna diyan, malapit nang matapos to. Mag we-welcome party tayo para sayo." Sabi ni Tzuyu.
"May maitutulong ba ko?"
"Wala naman. Malapit na lang!"
Umupo muna ako sa sofa at nanood nang drama. Tinawag na ko ni Sandara sa dining room para kumain.
Habang kumakain ako nakita ko silang nakatingin sakin.
"Bakit?" Pagtatanong ko.
"Ikaw ha. Madami kang lalaki sa buhay mo ha. Una si Taehyung sunod si Kai." Panunukso sakin ni Jisoo
"Mga kakilala ko lang sila. Ano ba kayo" pag-iiwas ko sa topic.
"Pero salamat talaga kanina. Sina Taeyeon, Jennie at Rose ang nangharang satin kanina. Mayayabang talaga yung mga yun. Si Jennie kasi gusto niya si Taehyung. Si Taeyeon naman kasama yun sa special section. Makakasama natin si Rose dahil music entertainment din siya. Si Jennie naman , dance entertainment siya" pagpapaliwanag ni Sandara.
"Alam mo bang si Kai ay isa sa mga member nang Anonymous Band. Usap-usapan ka kanina sa room kase ang isang member ng Anonymous Band ay nakikipag-usap sa isang baguhan" paglilitanya ni Tzuyu
Kaya pala iba ang mga tingin sakin nang mga estudyante dito.
"Kaano-ano mo ba sila?" Pagtatanong ni Jisoo.
"Uhm. Si Taehyung kababata ko, si Kai naman ex ko" umamin na ko sa kanila dahil alam ko naman na mapagkakatiwalaan sila.
Bigla naman silang umirit.
"Omygosh! Pwede bang ilapit mo ko kay Gd" sabay sigaw ni Sandara
Pagkatapos ng kwentuhan namin ay nagyaya na rin akong matulog .
"Eto nga pala schedule. Magkaparehas lang tayo. " sabay abot sakin ng schedule card.
"Good night guys!" Sigaw ni Jisoo
BINABASA MO ANG
ENTERTAINMENT ACADEMY (EXO/BLACKPINK/BTS/2NE1/BIGBANG)
Ficção AdolescenteEntertainment Academy? BLACKPINK EXO BTS 2NE1 BIGBANG TWICE GOT7