Pagkarating namin sa convention ay parang may nagkakagulo.
"Omygosh! Si Taehyung at Kai yun ah!" Sigaw ni Sandara.
Nagulat naman ako sa sinabi Sandara kaya nakitsismis na lang din ako.
Sumingit kami ni Sandara sa mga estudyante kaya napunta kami sa harapan.
"Masyado kang mayabang pare. Mas mataas pa rin ako sayo!" Si Taehyung na nagtitimpi nasa likod niya ang mga kabanda niya pero si Kai ay nag-iisa lang.
"Wala akong pake kung mataas ka sakin. Ang sakin lang ay layuan mo siya!" Si Kai naman ang nagsalita.
Ang maingay na mga estudyante ay tumahimik. May parating sa banda namin na apat na lalaki.
"Omo! Si Sehun,Suho,Chanyeol at Baekhyun! " irit ni Sandara.
"Anong nangyayari dito? " sabi nung lalaki na nakashades .
"Kai, anong nangyari sa labi mo?"
Masyadong intense ngayon dito sa convention dahil walang nagsasalita. Parang pag nagsalita ka ay mamamatay ka.
"Wala kang karapatang palayuin mo siya sakin. Siya lang ang makakapagpasunod sakin hindi ikaw!" Muling nagsalita si Taehyung
"May karapatan ako sa kanya dahil may nakaraan kami. Kaya kung ayaw mo ng gulo tigilan mo na siya!" Sagot naman ni Kai
"Omo! Bes ikaw ata ang pinag-aawayan nila!" Bulong sakin ni Sandara.
Ako? Pinag-aawayan nila?
Narinig ata nung nakashades yung bulong sakin ni Sandara. Nakatingin siya sa direksiyon namin.
Nang tumingin samin yung nakashades ay tumingin na rin samin ang ibang estudyante.
"Lalisa!" Tawag ni Taehyung sakin at papunta sana sakin ng tawagin siya ni Kai.
"May meeting tayo!" Sabi nung nakashades at tumalikod kaagad .
Nagtaka ako dahil pati ang Peculiar sumunod. Pagkaalis nila ay may mga babaeng lumapit sakin.
"You!" Turo sakin ng babaeng mukhang clown dahil sa kapal ng make-up.
Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad ng may humablot sa buhok. Napatigil ako sa ginawa niya at tumingin ako sa kanya ng masama.
Humarap ako sa kanya na naiinis. Bumalik na naman ang nakakatakot na side ko.
"Ang ayoko sa lahat ay hinahawakan ang buhok ko!" Nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya.
Halatang natakot siya sa pagsasalita ko pero bumalik ulit ito sa pagka-maarte niya.
"Pinag-aaway mo ang dakawang banda dito! Alam mo ba yun. Kabago-bago mo pa lang dito ha!" Pagsigaw niya sakin
Bigla nama akong napatawa.
"Ate, winawarningan na kita ha. Iba ako makipaglaban! Sino ba kasi ying sinuntok ko sa mukha?" Pagtatanong ko kay Sandara.
"Si Jennie" sagot naman ni Sandara
Nakatingin din sa direksiyon ko sina Tzuyu at Jisoo na nakanganga.
"Hindi mo ba alam ATE na muntik na kong makulong dahil muntik na kong makapatay. Alam mo kung bakit?" Pagtatanong ko ulit sa babaeng kaharap ko.
"Ba-ba-bakit?" Tanong nung babaeng mukhang clown
Ngumiti muna aki ng nakakatakot bago ako sumagot sa kanya.
"Dahil pakielamera siya! Kasi ang ayoko sa lahat yung pinapakialaman ako." Bulong ko sa kanya
Napatigil naman siya at halata ang pagkakalamig ng katawan niya.
Tumalikod ako sa kanya at sinuklay ko ng kamay ko ang buhok ko.
"One!" Sabay suklay ulit sa buhok ko
"Two!"
Pero bago mag-three ay kumaripas na ng takbo ang mga babaeng mukhang clown.
"Simula ngayon sino mang gumalaw sa kanila!" Turo ko kina Sandara,Jisoo at Tzuyu
"Dadaan muna kayo sakin!" Sigaw ko.
Damang - dama sa convention ang dark aura ko.Pagkatapos kong sabihin yun ay mabilis akong lumabas sa convention at tumakbo kung saan ako magpapalamig. Nakakastress dito!
Napunta ang paa ko sa ilalim na malaking puno. Umakyat ako sa malaking sanga at doon ako humiga. Sana'y ako sa mga nagagawa ng lalaki na hindi magawa ng babae. Laking pasalamat ko kay papa .
Nagising na lang ako ng may narinig akong nag-aaway.
"Sorry pero nasunod lang ako sa mama ko. Oo gustong-gustong kita pero nangako na ko kay mama na si Lalisa ang papakasalan ko!" Malungkot na saad ni Taehyung
Tinignan ko ang babae at nakita ko si Jennie na mahinang umiiyak habang yakap-yakap ni Taehyung. Kaya pala ganun na lang makareact ang Jennie na yun.
Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit naman ako papakasalan ni Taehyung? Si mama talaga kung anong kalokohan ang ginagawa. Naramdaman ko na lang na parang kumirot ang puso ko.
"Jusko! Lalisa kaibigan lang. Hanggang dito lang!" Bulong ko sa sarili at humiga ulit sa malaking sanga.
Nakita kong papaalis na sila kaya inayos ko ang damit ko pero nakita ko naman si Kai na nakatingin kay Taehyung at Jennie. Ang labo ha! Pero hindi naman ako slow para hindi malaman ang nararamdaman ni Kai. Tsk.
Tumalon ako sa sanga at saktong pagbaba ko ay sa harapan niya talaga ako.
"La-la-lalisa??" Gulat na tanong ni Kai.
Inayos ko ang damit ko at hinawi ang buhok ko.
"Mahirap talaga yan." Sabay ngiti ko kay Kai.
Ngumiti naman si Kai ng malungkot. Tsaka bumuntong-hininga.
"Sorry kung dahil sakin nagiging komplikado ang buhay mo" pagpapa-umanhin ko.
Ngumisi naman siya at napatawa ng konti.
"Kasalanan ko ito Lalisa kaya wag mong sisishin ang sarili mo. Salamat pala sa pag-unawa."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya. Alam kong umiiyak siya kahit na nakatalikod pa siya at tuluyan na siyang umalis.
Haaayyyy Kai! Ginagawa mo ring komplikado ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
ENTERTAINMENT ACADEMY (EXO/BLACKPINK/BTS/2NE1/BIGBANG)
Roman pour AdolescentsEntertainment Academy? BLACKPINK EXO BTS 2NE1 BIGBANG TWICE GOT7