CHAPTER 2:Ready!

23 0 0
                                    

Medyo mahaba ang binyahe namin ni mama. Namangha ako sa laki ng gate nang school nato. Paano na lang kaya sa loob nito.

"Mama , magkano binayad mo sa tuition fee ko dito? " tanong ko sa mama ko habang papasok kami sa school.

"Secret!" Sabay kindat sakin ni mama.

Sure akong malaki binayad ni mama dito. Hinatid kami ng guard nila papunta sa office nila.  Kita ko ang pagtingin sakin ng mga estudyante dito. Iba sila makatingin na di mo alam kung okay ka lang sa kanila o hindi.

Pagpasok namin sa principal office ay sinalubong kaagad kami ni tita.

"Mare kamusta ka na!" Sabay yakap sa mama ko.

"Eto ba ang inaanak ko. Ang laki ng pinagbago at sobrang ganda. Alagang alaga mo talaga mare!" Pagpapatuloy nito at niyakap ako.

"Napaka tomboyin kaya niyan! Nakikipaglaban pa yan. Nagmana sa ama" sabay tawa ni mama

Nanahimik na lang ako sa isang sulok habang nagkwekwentuhan sila.

"Mrs. Hotohori pinapatawag na po ang bagong mag-eenroll " sabat ng babaeng nakasalamin pero maganda pa rin.

"Tara na sa Audition room" yaya samin ni mama.

Nagtaka naman ako. Bakit ako mag-o audition?

"Anak galingan mo sa audition mo ha. Pag nag fail ka dito . Hindi ka makakapasok dito, masyadong maselan ang school na ito. Buti na lang at teacher dito ang ninang mo." Pagpapaliwanag ni mama sakin.

Natigilan ako sa sinabi niya. Kakanta ako? Sa ibang tao?

"Ma! Alam niyo namang mahiyain ako pagdating sa ganitong bagay!"

"Kaya nga. Para mahasa ka , alam mo namang matutuwa ang papa mo pag nangyari ang pangarap niya para sayo. Ayusin mo na ang gitara mo. Kakausapin ko lang ang ninang mo."

Umirap na lang ako at inayos ang gitara ko. Jusko! Masyado akong kinakabahan pagdating sa ganitong bagay. Mayamaya ay may umupo sa tabi ko kaya bigla akong napalingon.

May katabi akong magandang babae. Mukhang matured na yung mukha niya pero baby face pa rin. Nginitian niya lang ako at inayos niya ulit ang camera niya.

"Mag e-enroll  ka dito? Maganda yan! Wag kang kabahan. Madami kang matututuhan dito. Sa music entertainment ka?"  Sabay tingin sa gitara ko.

"Uhm. Oo " sabay kamot sa batok ko. Mannerism ko kase ang pagkamot sa batok ko.

"So magiging kaklase kita! Hindi namin kami nangangain. Ako nga pala si Sandara Monatana. " sabay abot sakin ng kamay niya. Kinuha ko naman ito.

"Lalisa Monterey"

"Good luck ha. Madami pa kasing inuutos sakin. Kita na lang tayo! Bye" sabay alis niya.

Akala ko naman masasama ang mga ugali ng estudyante dito. Mababait naman pala sila.

Huminga ako ng malalim at inisip kung ano ang kakantahin ko. Sana makapasa ako , ayokong mapahiya ako sa harao ng mama ko at ma- disappoint ko si papa.

"Oh anak . Ready ka na ba? Andun na ang mga magju-judge sayo."

Tumayo na ko at huminga ng malalim bago pumasok sa auditiom room. Sana makapasa ako Lord!

ENTERTAINMENT ACADEMY (EXO/BLACKPINK/BTS/2NE1/BIGBANG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon