CHAPTER 4: NEW STUDENT

25 1 0
                                    

  Inilibot niya nga ako sa campus. Grabe ang laki ng campus. Napagod din ako sa kakalakad . Napansin ko rin ang pagtingin-tingin sakin ng mga estudyante.

"Hayaan mo sila. Ganyan talaga sila pag may bago. Masyado kasing mahigpit ang page-enroll dito." 

"Sandara pwede ba tayong pumunta sa cafeteria? Nagugutom na rin kasi ako"  maktol ko kay Sandara.

Tumawa naman siya at hinila ako papunta sa cafeteria.

Madaming tao sa cafeteria dahil breaktime na. Umorder lang ako ng pasta at juice.

"Wala ka bang pasok?" Sabay subo ko ng pasta.

"Meron dapat. Kaso inutusan ako ni Mrs. Hotohori kaya pwede akong di pumasok "  kinagat niya rin ang pizza na inorder niya.

Libre din dito ang pagkain kaya naman masaya ako.

"Puro ba music pag-aaralan natin? Kase diba music entertainment tayo?"

Bigla naman siyang tumawa at hinampas ako sa braso.

"Ano ka ba! Normal parin tong school nato. Kaso nga lang mas focus tayo sa talent naten. Tsaka lahat ng entertainment na yan masusubukan natin. Para malaman mo kung ilan o kung ano talaga talent mo. Kung madami kang talent mapupunta ka sa special section . Sa Theater Entertainment naman si Jisoo tas si Tzuyu Sports siya. Magaling kase siyang mag volleyball tsaka dancer din yun. " pagpapaliwanag niya.

Natahimik ang mga tao sa cafeteria nang may dumating na limang lalaki at isa dun si Taehyung , yung kababata ko. Anak siya ni Ninang.

"Yan ang Peculiar Band. Dalawa kase ang boyband na sikat dito. Yung Peculiar band na ang leader ay si Taehyung anak ni Mrs. Hotohori. Yung Anonymous band naman ang leader ay si Sehun Demir masyadong suplado yun tsaka minsan lang magpakita yung mga member nun pwera na lang kay Baekhyun masyadong seryoso sa pag-aaral pero suplado rin. Buti pa ang Peculiar Band" sabay titig dun sa lamesa nang Peculiar Band.

Ang laki na nang pinagbago ni Taehyung. Ako pa nga ang unang nakarinig ng boses niya. Crush na crush ko siya dati. Kaso lumipat sila nun kaya nagkahiwalay kami.

Di ko napansin na nakatingin na pala siya sakin. Jusme! Nakakahiya. Bigla siyang tumayo at papunta siya sa pwesto namin. Omygosh! Anong gagawin ko.

"Omo! Lalisa papunta ata dito si Taehyung!" Bulong sakin ni Sandara.

"Sandara anong gagawin natin? Umalis na kaya tayo?" Pagyayaya ko kay Sandara.

"Ano ka ba? Maswerte tayo!" Bulong niya ulit.

Magsasalita na sana ako nang nasa harap ko na siya . Ang gawapooo niya.

"Lisa?"

Inangat ko ang ulo ko at ngumiti ng pilit sa kanya.

"Taehyung!"

Bigla siyang tumabi sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Grabe miss na miss kita! Ang laki na nang ginanda mo. Pwede na kitang ligawan niyan. Ang tagal kitang hinintay dito akala ko di ka papasok dito!" Lalo niya pa kong yinakap nang mahigpit. At ang mas malala hinalikan niya pa ko sa pisngi nang madaming beses.

"Omygosh Taehyung! Napaka childish mo pa rin. Akala ko naman nag matured ka na!"  Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap sa kanya pero nagmamatigas siya.

Kinurot ko siya sa tagiliran niya kaya napabitaw siya sakin. Sinuntok ko siya sa braso kaya napadaing siya.

"Grabe my Lisa ko! Ang sakit naman. Hanggang ngayon pa rin ba? Mas malakas ka pa rin sakin?"

"Tumahimik ka na nga. Nakakahiya yang ginagawa mo!"

Ngayon ko lang napansin ang mga estudyanteng nasa cafeteria . Lahat sila nakatingin samin . Yung mga tropa ni Taehyung tawa nang tawa , si Sandara naman nakanganga.

"Oy bro pakilala mo naman siya sakin!" Sabi nung lalaking kakaiba ang kulay nang buhok.

Hinila ako ni Taehyung papunta sa kabarkada niya. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas.

"Guys! Heto nga pala ang soon to be wife ko!" Sabay akbay sakin.

Hiyang-hiya na ko sa sarili ko.

"Myloves eto nga pala si Jungkook , Jimin , Suga at GD. Mga ka-banda ko yan " sabay kindat sakin.

Inirapan ko lang siya at tinadyakan sa tiyan. Umalis ako kaagad at hinila si Sandara palabas ng cafeteria.

"OMO!KILALA MO PALA SI TAEHYUNG??? KAYA PALA CLOSE KAYO NI MRS.HOTOHORI?" sunod-sunod na tanong niya sakin.

"Mamaya na lang yan. Pumunta na muna tayo sa dorm. Gusto ko nang matulog. Nakakapagod ngayon!"

Pabalik na sana kami ng may nangharang samin. Tatlo silang babae.

"Omo!" Bulong ni Sandara sa sarili niya.

"Who are you!" Sabay turo sakin nung babaeng mukhang maldita.

"Sino ka ba? " pa-arte kong sagot. Badtrip ako ngayon. Huwag niyo kong susubukan.

"Di mo ba ko kilala? Di mo ba alam na ginagalang ako dito? Kasama ako sa special section." Sabi naman nung isa na may pagkamahinhin pero nasa loob ang kulo.

"Oh ngayon?  Purkit na nasa special section ka na gagalangin ka na? Di ka namang kagalang-galang diyan sa ugali mo!" Sumbat ko sa kanya.

Binulungan siya nung isang babae na medyo chubby. Pero sexy pa rin.

"So ikaw yung soon-to-be-WIFE ni Taehyung?" Sabat pa rin nung isa.

Bigla na lang ako napatawa ng malakas . As in tawang-tawa ako.

"So kaya niyo ko hinaharangan dahil kay Taehyung.Mga boba! Wag niyong painitin ang ulo ko . Siya ang guluhin niyo wag ako." Hinila ko na si Sandara pero narinig ko ang pagdaing niya.

"Aray ano ba!" Sigaw ni Sandara.

Paglingon ko sa pwesto niya nakita ko ang pagsabunot sa kanya nung babae na mukhang maldita. Biglang nandilim ang paningin ko. Ayoko sa lahat nasasaktan ang mga kaibigan ko.

Napansin ko rin na madaming nanonood samin.

"Bibitawan mo siya o isang suntok ko lang sayo tulog ka na. Hindi ako lumalaban ng sabunutan pero suntukan kayang kaya ko!" Mapang hamon na sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang takot sa mukha niya pero di pa rin siya nagpatinag at lalo niya pang diniin.

"So hinahamon niyo ko?"

Humakbang ako papalapit dun sa babaeng maldita. Nakita ko ang pagdaing ni Sandara kaya sinuntok ko  yung babaeng maldita sa mukha. Ayun tumba! Hahaha

Dinig ko ang pag-irit ng dalawa niyang kasama.

Pero nakita ko ang isang lalaking di kanais-nais na nanonood samin.

KAI REON! my ex...

ENTERTAINMENT ACADEMY (EXO/BLACKPINK/BTS/2NE1/BIGBANG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon